Chapter 1: Mage 1

1.5K 41 0
                                    

Hydra's POV

6 years na matapos mangyari ang paghahari ng mga Alternate Chronos sa mundo.

6 years na matapos wakasan ni Kuya ang buhay ni 001 para bumalik na sa normal ang lahat.

Naalala kong bigla si Poseidon.

Kamusta na kaya siya?

Nasa hallway ako ng school namin, naglalakad dahil katatapos lang ng break at kailangan na naming bumalik sa aming assigned room.

Kung itatanong n'yo kung nasaan si Kuya Ian, nagsama sila ng boyfriend niya ngayon na si Kuya Zeus.

Reign Zeus Villanueva yata ang pangalan niya...

Saka may trabaho na si Kuya Ian, at si Kuya Zeus naman ay may malaking kompanyang pinamamahalaan kaya ayos lang na magsama na sila.

Nga pala, magpapakilala akong muli. Ako si Hydra Montecillo. Though, nagbalik na ang lahat, ang pag-control ko sa tubig ay nasa akin pa rin.

Yup, nako-control ko pa rin ang tubig at 'di ko alam kung bakit.

Pero ayos lang. Nakakatulong naman ito sa pang-araw-araw kong buhay. 😏

Napatigil ako nang may portal na bumuo sa harapan ko.

Lumabas doon ang isang babae at isang lalaki.

'Yung lalaki'y 5'4" ang height kaya nakayuko ako.

He has white hair, fair skin, blue eyes at medyo may pagkapango.

He's wearing navy blue reversible jacket at 'yung kulay kapag binaligtad ay sky blue. Nakikita ko kasi sa hoodie n'yang nakababa.

'Yung babae naman ay white hair, with blue eyes, 5'2" ang height, at may pagkapango rin.

She's wearing a plain orange t-shirt at ang panloob niya ang long sleeve at may kwelyo. Kulay puti 'yung kamay ng long sleeve, at naka-skirt.

"Anong maitutulong ko?" tanong ko.

Nagtinginan naman sila at sumagot ang lalaki.

"I am Ji Kira. At s'ya'y kambal ko na si Kan Kira. We are time-traveller."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila.

Katulad sila ni Chronos!!!

Dahil sa naisip ko kaya lumayo agad ako at nag-fighting stance.

Napatawa naman ang babae kaya tumingin ako sa kaniya.

"Hindi kami naparito para lumaban, kundi para sunduin ka."

Napakunot naman ang noo ko.

Unti-unti kong ibinaba ang depensa ko dahil mukhang hindi nila alam kung sino si Chronos.

"You're a mage, aren't you?" tanong ni Ji.

"Mage?" tanong ko agad.

Bigla namang si Dean at nagtanong.

"Anong nangyayari?"

Siya si Dean Fernandez. Ang bestfriend ko.

"A-Ah, e-eh s-sila kasi, eh," At nang mapatingin ako kina Ji at Kan, nawala silang bigla.

Sabay na kumunot ang noo namin ni Dean, pero umiling siya at nagsalita.

"Tara, male-late na tayo!"

Doon ko lang naalala ang oras. Kinaptian ko ang kamay si Dean at nagsalita.

"Tara!" At tumakbo kami.

Mahoutsukai University - New Generation: The Mystery Club (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon