"No," I refused. "You don't understand," I added stressfully. "Mom and Dad has my keys. In every middle of the night, they're checking me out... unless I told them that I'm going to a party with my friends. But in this case... this is different. Kilala ka nina Mommy at Daddy at alam nilang propesor kita sa Stenography. I can't even ask my friends to excuse me to my parents, because they didn't even know about us. You should leave now, before my parents go inside here. Hindi ka rin puwedeng makita nila na nandito, eh."



"Rai, I understand but please... just this night," he pleaded. "Hindi ako matutulog para makapagtago ako at hindi ako makita ng mga magulang mo. Babantayan na lang kita buong magdamag at para mabilis din akong makapagtago para hindi nila malaman na nandito ako."



"May trabaho ka pa bukas, pinupuyat mo lang ang sarili mo. Wala ka namang mapapala kung hindi kapaguran lang, eh. Mas mabuti---"



"I just want to spend my night with you, Rai," he cut me out. "Sige, heto... lalayuan mo 'ko at lalayuan kita kung sakaling makita ako ng mga magulang mo, okay? Pero, Rai, kung ayaw mo pa akong ipakilala sa mga magulang mo, naintindihan ko at rerespetuhin ko iyon."



"That's not my point," I stubbornly said. "Ang iniisip ko lang ay paano kung bigla silang pumasok dito at makita kang nandito rin? Alam mo naman siguro ang maaari nilang sabihin sa atin, hindi ba?"



"Kaya nga, Rai, gagawin ko talaga ang lahat para hindi nila malaman na nandito ako," pagmamatigas niya pa. "Rai, just let me, okay? Trust me, baby... Hindi kita ipapahamak sa mga magulang mo."



At dahil mapilit siya ay wala akong magawa kung hindi pumayag na lang sa kagustuhan niya. Magkatabi na kami sa kama at parehong nakahiga rito ngayon. I've slept with some random guys. Dapat sanay na 'ko sa ganito, eh.



"Rai..." he uttered my name.



I closed my eyes and acted like I am asleep. Habang nakapikit ako ay nakaramdam ako ng haplos sa aking pisngi at halik sa aking noo. Nagkunwari pa rin akong tulog at hinihintay ang kaniyang maaaring sabihin. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin ngayon.



"Ang ganda mo, Rai," he whispered and gave me a peck on my lips. "The first time I laid my eyes on you, you already caught my heart. It's been years, but I am still addicted to you..."



Bumilis ang kabog ng aking dibdib nang marinig ang hindi inaasahan. Kahit sa kabila ng bilis ng tibok ng puso ko, pinanatili ko pa ring nakapikit ang aking mga mata at nagkunwaring tulog pa rin. Gusto kong isipin na nagkamali ako sa pandinig ko, gusto kong isipin na panaginip lang ito kasi napaka-imposible, eh.



Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang tinutukoy niya. I've been with boys all of my life. Sanay na akong may umaamin sa akin na gusto raw nila ako pero kahit kailan, hindi ito ang naramdaman ko... kahit kailan ay hindi ganito kabilis ang kabog ng dibdib ko noong ibang lalaki ang nagsabing gusto ako. Pero ano 'to ngayon?



"Ang ganda mo talaga, Rai, sana... akin ka nga talaga," he whispered and kissed my temple. "My plan was ruined when we had a one night stand... Sabi ko, liligawan lang kita kapag naka-graduate ka na kasi... bawal pa habang nag-aaral ka pa pero... biglang may nangyari sa atin. Maybe, I am selfishly in love with you... Gusto kong akin ka lang, Rai, eh. Sa 'yong-sa 'yo ako, pero hindi ka naman akin..."



I opened my eyes. Gulantang nanlaki ang mga mata niya at dahil sa pagkabigla ay nalaglag siya sa kama at bumagsak sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig at bumaba sa kama para daluhan siya. Nilapitan ko siya at lumuhod pa para magkapantay kaming dalawa.



"Y-You're awake," he said unbelievably before standing up. "N-Nakaidlip ka ba?" Nanginig pa ang kaniyang tinig.



Umupo siya sa kama at napahilot sa kaniyang sentido. Napangiti ako sa kaniyang reaksiyon, namumula ang kaniyang magkabilang tainga. Tumayo naman ako at pinagpagan muna ang aking sarili bago umupo sa kaniyang tabi at tinapik-tapik ang kaniyang likod.



"Narinig ko ang lahat," I stated and smirked.



"H-Huh? A-Ano'ng lahat?" He acted innocently and looked around. "A-Ano ba'ng narinig mo?"



I chuckled. "Lahat nga ng sinabi mo, huwag ka ngang magmaang-maangan. Gising ako, Sir. Sige na... mukhang may sasabihin ka pa yata, eh."



"W-Wala naman akong sinabi at wala akong sasabihin," tipid niyang sabi pero kabadung-kabado pa rin ang kaniyang tinig. "A-Antok ka na siguro, hali ka---"



"Oh come on, Daddy, don't change the topic," I teased him and tickled him on his waist.



"Rai, stop that," he stopped me and hold my hands. "Matulog ka na dahil may pasok ka pa bukas."



I grinned at him. "May gusto ka sa 'kin, 'no?" I asked teasingly, ignoring what he said.



"N-No," he denied stuttery. "Come on, Nephele Rai---"


"Bakit mo pa ba dini-deny? Narinig ko kaya lahat ng mga sinabi mo, Sir." Lumabi pa ako.



"Stop calling me Sir," malamig niyang sabi. "Kailangan mo nang magpahinga, Rai," pag-iiba niya naman ng usapan.



"Alam mo, ang torpe mo talaga, eh." Inirapan ko siya bago ibinagsak ang sarili sa kama. "It's normal to confess to someone you like."



Tumitig na lang ako sa kisame at ginawang unan ang braso ko, lumubog naman ang bakante sa tabi ko, simbolong humiga rin siya roon. I drifted my eyes on him, he immediately looked away as our eyes met. Napangisi na lang ako at hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa kaniya ngayon. He's cute when he's blushing like this!



"Huwag kang torpe, baka maunahan ka ng iba riyan, Sir," pangungutya ko pa sa kaniya. "Aminin at sabihin mo na kasi, ulitin mo 'yong mga sinabi mo kanina."



"I don't repeat my words, Rai, once I said it... I won't repeat it," pagmamatigas niya. "Kung torpe ako, ikaw naman itong manhid."



"Ay, bakit sa akin napunta ang usapan?" Napangiwi ako nang sabihin niyang manhid daw ako kahit hindi naman. "'Di ba dapat ikaw lang at ang nararamdaman mo lang ang pag-uusapan, hindi ba?" I arched a brow and looked at the ceiling again. "Come on, tell me your feelings, Clarence Jayv Evans..."



My eyes widened when he suddenly went to my top and put his arms on my both sides to support his weight. Bumagsak na lang ang aking tingin sa kaniyang mapupulang mga labi habang nakatitig siya sa akin. Parehong mabilis at malakas ang kabog ng puso namin ngayon.



"Rai..." he uttered my name.



"What? Are you going to confess now... Sir CJ Evans?"



Nilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga para bumulong. Nakiliti ako dahil sa kaniyang hininga sa aking tainga, nanindigan lang ang aking mga balahibo sa aking batok pero pilit kong pagtakpan ang aking nararamdaman ngayon at kinagat lang ang aking pang-ibabang labi.



He bit my earlobe before whispering, "I love you, Nephele Rai Clarkson..."



I chuckled. "Grabe, Sir! Kinikilig pepe ko!"



"Rai!" suway niya sa akin bago bumalik sa kaniyang puwesto. "I am not kidding!"



"Alam ko!" natatawa kong sabi bago pumaibabaw naman sa kaniya.

Beneath The Clouds (Passion Series #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя