Tumayo si Ania at lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko dahilan para mapabitaw ako kay Nero.

"I think I wanna try the crema de fruta. Let's go, Isha."

Hindi na ako na nakaangal pa. Nilingon ko si Nero at naabutan ko siyang naiiling habang nakangisi. He then sat beside Dashiel who's tapping on his phone.

Tiningnan ko ang magkahawak naming kamay ni Ania. Parang hindi ata ako masasanay na ganito kami kung magdikit. Kailan lang ay halos isumpa niya ako sa sobrang galit niya.

Naabutan namin si Minerva at Gwyneth na nasa dining area habang kumakain. Masama ang tinginan nila sa isa't isa.

"Alam mo ikaw, feelingera ka talaga! Ni hindi ka nga kilaka ng pamilya ni Nero tapos kung makaarte ka — hala, lagot ka! Nariyan na si Ollie."

"So, when is the wedding, Isha? The motif, have you already decided which color?" biglang sabi ni Ania nang hindi tinitignan ang gawi nina Gwyneth.

Sa isang mesa malapit sa dining area ay naroon ang mga dessert. Malakas ang boses ni Ania kaya sigurado akong rinig iyon ni Gwyneth. Sa tingin ko nga ay sinasadya niya rin talaga iparinig.

"Hindi pa kami n-nakakapagdesisyon ni Nero."

Huminto kami sa mga platito na naroon nang bigla siyang matawa.

"Sorry. I forgot that he just proposed to you the other night. May I see the ring?"

Pasimple akong tumingin kay Gwyneth. She was throwing daggers at me but I ignored it. Sa mga parinig pa lang ni Ania ay hindi na siya uubra.

Inilahad ko ang kamay kay Ania.

"It's almost the same with the ring Alas' gave to me when he proposed. It's happy to know that Kuya is ready to settle down after all these years. Nakakatuwang nagkahiwalay man kayo, ikaw pa rin ang gusto niyang iharap sa altar."

Wala na akong nahimigan na pang-aasar mula sa mga sinabing iyon ni Ania. It's as if she dropped those words because she meant it.

Saktong pagtayo ni Gwyneth mula sa upuan ay siyang pasok ni Zadriel sa dining area.

"May shanghai pa ba? Sarap talaga magluto ni Nay Martha ng shanghai." sabi ni Zadriel na sa mesang may mga pagkain nakatuon ang mga mata.

Hindi sinasadyang nagkabungguan si Zadriel at Gwyneth dahilan para matapon ang tubig mula sa baso niya. Nabasa ang suot niyang bestida na mabilis niyang ikinaatras.

"Ah, shit. Sorry." mabilis na sabi ni Zadriel ngunit wala namang ginagawa kung hindi ang tingnan lang si Gwyneth.

Sinubukan niyang pagpagin ang damit. She raised her eyes to look at Zadriel. Kitang kita kung paanong gumuhit ang maarteng ngiti sa labi niya.

"It's alright. Can you please hand me the tissue-"

"Do you it yourself. My husband doesn't follow orders from anyone aside from me." Si Tate, kakapasok lang at seryoso ang ekpresyon ng mukha.

Tumayo siya sa harapan ni Gwyneth, sa likod niya ay si Zadriel. She was staring icily at her and Gwyneth couldn't do anything but to shut her mouth up.

Ngayon ko lang nakitang ganitong ka-seryoso si Tate. Malayo sa Tate na palatawa at laging nagbibiro.

"Nandito na si Ming-Ming! Wala siyang apelyido! Magbabagsakan dito in five, four, three, two, one!" pakantang singit ni Minerva.

Umani 'yon nang masamang tingin kay Gwyneth bago ito inirapan. Tinalikuran niya sina Tate at Zadriel saka malalaki ang hakbang na nagtungo palabas ng dining area.

Tate glanced at me. Kinindatan niya ako bago ngumisi. Mahinang natawa si Ania sa harap ko.

"This bitch really knows how to play a game..." she said.

Tumalikod na rin siya na kaagad sinundan ni Zadriel. He snaked his arm around her waist and leaned his face close to her ear.

"Are you jealous?" he asked playfully.

"No jerjer for you tonight."

Humalakhak si Zadriel. "You are not serious about that, baby."

Hindi ko na narinig pa ang naging sagot ni Tate dahil tuluyan na silang nakalabas.

"Let's go back to the living room. I don't want the crema anymore." sabi ni Ania at muli akong hinila paalis na doon.

"Uy! Masarap tong lechong paksiw na dala ko! Ayaw n'yo?" pahabol ni Minerva na mabilis kong nilingon. Panay ang nguya niya.

"Pakabusog ka." sabi ko at ngumiti.

"Shuta! Highblood is waving to me."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum