"Huy, Ania! Patay na iyong tao baka dalawin ka bigla!"

Taas kilay na nilingon ni Ania si Tate. "What? I'm just telling a story here."

Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila pero mukhang naging malaking bahagi ng buhay nila 'yong Trish.

"Kung hindi siya nakikinig kay Isha, baka sa'yo makinig siya, Kuya. Tell her that she needs to stop intervening with your relationship. Hindi gawain ng isang matinong tao iyan!"

"Ay sino ba ang nagsabi na matino 'yan? Feeling masiyado hindi naman kagandahan. Hindi ba, Ming-Ming?" baling ni Minerva kay Tate.

Natawa si Tate. "Yes. But I love the way you put the highlighter all over your face. Kumikinang ang kagandahan mo."

"Malapit na kasi ang pasko kaya naghahanda na ako! Gusto mo lagyan rin kita? Mukhang kulang ang make up mo sa mukha."

"No, thanks. I don't like puting too much make up on my face. My husband doesn't like it, too."

Nagtuloy pa ang usapan nila. Hindi ko na iyon masiyado pang nasundan nang ipihit ako ni Nero paharap sa kaniya.

"Are you uncomfortable?" he asked through a whisper.

Matipid akong ngumiti. "Baka tama si Ania. Kailangan mo kausapin si Gwyneth at linawin sa kaniya na wala na siyang babalikan pa sa'yo."

"See? These ex girlfriends are always pain in the ass." iritadong sabi ni Ania.

"May mas nakakainis pa ba kay Dianara?" humalakhak si Tate.

"Lalo naman 'yon."

Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi nina Gwyneth nang makita namin siyang papasok na sa main door kasama si Nay Martha.

Sina Ma'am Adrianna at ang ilan pang kasama ay nasa loob na rin. Hawak ang aking kamay ay bahagya akong hinila ni Nero dahilan para mapahinto sa akmang pagpasok na rin sa loob.

Tate, Ania and Minerva already went inside. Minamanduhan niya ang mga taong kasama niya na may mga dalang handa.

Naupo si Nero sa pasimano ng terrace habang ako ay nakatayo sa pagitan ng mga hita niya. He was still holding my hand while staring intently into my eyes.

"Do you want me to talk to her?"

I took a deep breath. "Walang masama. Mukhang umaasa pa rin siya sa'yo."

Umiling siya. "You know I get rude most of the time. I can't promise to treat her nicely, Isha."

"Ikaw na ang bahala kung sa paanong paraan mo siya gustong tratuhin. Ang gusto ko lang ay ikaw na mismo ang maglagay sa kaniya sa tamang lugar niya."

Tumango siya. "Sumama ka sa akin kapag kinausap ko siya."

Umiling ako. "Hindi na. Mag-usap kayo nang kayong dalawa lang."

Walang salita siyang yumakap sa bewang ko. Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang malambot niyang buhok.

"Can I just call her and talk to her over the line? I don't like waisting my time for nonsense matters."

"We are talking about our relationship and its privacy, Nero. Kapag hindi mo diniretso si Gwyneth, aasa pa rin iyan sa'yo hanggang ngayon."

Sa huli, napapayag ko na rin siya. Parehas namin napagdesisyunan na dito na lang sa bahay ni Nanay Martha mag-usap. Nandito rin naman ako pero hindi ako haharap sa kanila.

Pumasok kami sa living room. Naroon lahat at nagkukwentuhan. Magkatabi si Ania at Tate, sa akin kaagad nakatingin. Hinanap ng mga mata ko si Gwyneth. Wala ito doon. Marahil ay nasa dining area at doon kumakain. Wala rin kasi si Aling Martha.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now