CHAPTER 49

864 30 2
                                    

Sofia POV

"WHAT do you mean?"

Agad siya natigilan sa sinabi ko.

"Erick?" patuloy ko.

But parang wala siyang narinig, he became more colder than a second passed by. I can't explain how weird he was, but this slowly killing. Gusto ko marinig ang sagot niya.

He grabbed my hands and hinila ako pabalik sa dinaanan ko kanina "You need to rest, tyaka ko ihahanda ang pagliliguan mo"

Hindi ko mapigilang mainis, alam kong iniiwasan niya ang tanong ko. Kaya marahas ko hinila ang kamay ko galing sa kanya. Agad siya natigilan sa paglalakad at dahan-dahan tumingin sa gawi ko. Pero parang pinagsisihan ko ang huli kung ginawa, dahan-dahan akong napaatras ng makita ko ang nanlilisik nitong asul niyang mata.

"Ano ba ang sinabi ko, Sofia?" malamig niyang saad na ikanasinghap ko "Just for today, listen to me...I don't want to argue with you"

Dahil ako dakilang matigas ang ulo ay hindi ako nakinig "No!"

Napakagat labi siya, saglit pa siyang napapikit dahil sa pagtitimpi. Nakita ko kung paano namuo ang kamao sa mga palad niya dahil sa pagtitimpi.

Nang dumilat ang mata niya ay malumanay siya tumingin sa akin, dahan-dahan siyang lumapit sa akin and he cupped my cheeks.

"Magpapahinga muna tayo, bago ka maligo__" pero hindi ko siya hinayaan magpatuloy nang agad ako tumutol sa gusto niya.

"I want to leave"

Nang dahil sa sinabi ko ay agad nandilim ang kanyang mga mata sabay ng pagtagis ng bagang niya.

"Damn!" I heard he cursed in front my face "Walang aalis, dito at dito kalang!" huli niyang saad bago niya ako binuhat na parang sako.

Pilit akong kumawala sa mga hawak niya pero mas lalo humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Naiinis ako sa kanya, wala akong magawa kundi mapangiwi ng mapasok niya muli ako sa pink na kwarto.

"Rest" saad niya bago tumitig, ni hindi niya man lang ako ginawaran ng tingin pagkalagay niya sa akin sa higaan.

"No!" sigaw ko!

Napatigil siya sa pagsirado ng pinto sa sigaw ko. Napabuntong hininga muna ito bago niya tuluyan na sirado. Napatakbo ako papunta sa pinto pero halos mainis ako ng nakalock ito.

"Fuck! Erick, buksan moto!" mabibigat na kamay ko hinihampas ang pintoan, pero kahit ilang minuto paman ay hindi manlang siya bumalik kahit napapaos na ang boses ko sa kakasigaw sa kanya.

Wala sa sarili ako napasandal sa pintoan, nilibot ko ang aking paningin sa buong sulok ng kwarto, napangiwi ako ng halos kulay pink ang makikita ko.

Tumayo ako at binagsak ang sarili sa pink na higaan. Naramdaman ko nalang ang mabibigat sa aking dibdib, namalayan ko nalang ang aking sarili na sunod-sunod nagbabagsakan ang mga luha sa aking mga mata.

I hate him! Sino siya para ikulong ako dito?! I really.....really hate him!! Marahas kung pinahid ang luha ko, at tinuon ang aking paningin sa pink na kisame.

Kainis!

Mas lalo ako naiinis sa paborito niyang kulay ang makikita ko. Punyeta siya!!

Nagising ang diwa ko ng magbiglang humaplos sa pisngi ko. Ramdam ko ang masuyo nitong pagpahid sa natuyo kung luha. Gusto ko mang dumilat pero parang biglang lumundag ang puso ko ng maramdaman ko ang init ng palad niya.

I hate him, pero I hate myself dahil mas gusto ko siyang andito sa tabi ko. Yes, Im pushing him away, but its the opposite of what I want. I want him being by my side. Mas tanggap ko pang nilock niya ako sa room niyang kulay pink basta sinamahan niya lang naman ako dito. Kaya, I hate him.

Napaigtad ako nga marahan niyang hinihimas ang tiyan ko. Wala sa oras ko nakagat ang sariling kong labi ng dahan-dahan niyang pinasok ang malalapad-mainit niyang palad sa damit ko at doon pinatuloy ang paghimas sa tiyan ko.

Sa hindi malamang dahilan ay parang gustong-gusto ko ang ginawa niya. Naramdaman ko ang mainit nitong halik sa tiyan ko habang patuloy parin sa paghimas noon. Hindi mabilang na minuto niya iyong ginawa, gusto ko dumilat pero hindi ko gusto putulin ang moment niya.

He pinned his ears to my stomach and mumble something, para bang may kinakausap siya sa tiyan ko, na pinagtataka ko. Then after that, I already heard his whining, mga impit niyang hikbi. Gustong-gusto ko dumilat pero parang ayaw ng mga mata ko.

He leaned on me and give me a light kissed on my forehead.

"I love you"

Nararamdaman ko din ang paghalik niya sa tiyan ko ng isang beses bago niya binalik sa dati ang damit ko. Narinig ko nalang ang papalayo nitong yapak at pagsirado ng pinto.

Pagkasirado niya pa lamang ay agad ako dumilat. May pagtataka ko tinitigan ang pintong pinaglabasan niya bago ko tinitigan ang tiyan ko at hinimas-himas ang ko ang sariling tiyan.

Hindi ko mapigilang maglaro ang aking isip sa hindi malamang na galaw ni Erick. Wala sa sarili ko siyang sinundan at laking pasasalamat ko at hindi niya nilock ang pinto.

Dahan-dahan ako naglakad sa pasilyo hanggang bumababa ako sa pinakaunang palapag. Hindi ko alam pero dinala ang paa ko sa kabilang dapit, at hindi nga ako nagkamali na andito si Erick. Nakatalikod siya sa gawi ko. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang mga balikat nito bilang tanda na umiiyak ito habang mayhawak-hawak na papel.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hahawakan ko sana ang kanyang balikat pero naagaw ng mata ko ang hawak niyang larawan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, pero kusa lumabas ang luha ko sa nakita.

Its a image of ultrasound.

Nagulat siya ng makita niya ako at agad niya tinago ang hawak niyang piraso na papel. Wala sa sarili ko siyang tinitigan habang nakatitig parin sa kanya.

"Anong ibig sabihin sa hawak mo, Erick?"

Nagulat siya sa tanong ko, pero kalaunan ay agad siya umiling.

"Fuck! Sagutin mo ako?"

Pero umiling parin siya. Kaya maslalo ako napaiyak ng hindi man lang siya sumagot, wag mong sabihing nagtraydor siya sa akin at may anak siya sa ibang babae. Matatalim na titig ang binigay ko sa kanyan when I pictured him in my mind while he had an another girl on his embraced.

Hahawakan niya sana ang pisngi ko ng agad ko iyon tinabig "Wag mo akong hahawakan!" pero parang wala parin siyang narinig kaya sumigaw ako sa abot kung makakaya "Wag mo sabi akong hahawakan!!" marahas na hininga ang pinakawalan ko ng maisigaw ko iyon.

Pero nagulat ako ng agad siya lumuhod at umiiyak. Tinabunan niya ang sarili niyang baba upang sana pigilan ang kanyang paghikbi pero hindi iyon nakatulong dahil rinig-rinig ko parin ang impit nitong hikbi.

"Please don't stress out your self. Baka mapano si baby"

I frozed "What...?" halos hindi ko marinig ang sarili kung tinig dahil sa gulat.

"Masilan ang pagkakabuntis mo, Sofia" he looked up and stared my eyes. He cling unto my legs and rest his head on my thighs "And I don't want na dadating ang oras na mawala kayong dalawa sa akin, dahil sa tatlong buwang hindi ka gumising ay parang pinapatay na ako"

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now