CHAPTER 27

1.2K 49 2
                                    

Sofia POV

"KUNG naging yelo ako baka kanina na ako nalusaw sa maiinit mong titig,Erick!" bulong at may kunting inis kong sabi "Stop that!"

Kanina pa siya hindi nagsasalita pero ang mga mata nito ay may maraming sinasabi na kinaiinisan ko.Halos hindi ko na makain ang dala kung baon dahil sa intesedad ng titig niya.

I heard he mockingly whispered.I glared him.

"I said stop!"

Nakaguso itong umiwas ng tingin.Tang-ina!

"Ano bang gusto mo? Suyuin pa kita?" matabang kung tanong ko sa kanya.Agad naman ito lumingon sa akin habang humikinang ang mga mata nito.

"Talaga?"

'Bakla!'

"Psh! Kalalaking tao magpapasuyo"mahinang bulong ko

"Naririnig kita"

"Tokis! Ang tindi din pala ng pandinig ng baklang toh"bulong ko

"Sofia!"

'Hanep! Hindi ko akalaing dinig niya pa iyon'

"Tahimik!" inis kung sigaw sa kanya habang nakaduro ang gamit kung kutsara.Nakanganga naman itong tumitig sa akin na para bang hindi nakapaniwalang sa ginawa ko.

Kahit sabihin kung--nohh kahit ipalandakan niyang jowa niya ako ay bakla parin siya! Bakla!

Inis akong nagpatuloy sa pagkain.Nakaimbeyerna! Ganito talaga ako kapag sa oras na kulang na kulang ako sa tulog.Parang palaging mainit ang ulo ko,kunting maling nakikita ay hindi ko mapigilang manigaw kundi magalit.Malas lang si Erick dahil siya ang nasa harapan ko,kaya siya ang mapagbuntungan ko nang galit.

"Ano iyan?"narinig kung tanong niya.Inangat ko naman ang paningin ko sa kanya.

"Pagkain?"

"Tsk! Alam ko!"

"Alam mo pala bakit nagtanong kapa!?"

"Saan galing iyan?"takang tanong niya habang titig na titig sa dala kong baon.

Tinitigan ko naman ang baon ko "Sa bilihan"

"Aba't! Tang-ina naman ohh!"

"Hoy! Minumura mo ba ako?"

"Nagtanong ako ng maayos,sagutin munang maayos!"

"Pero bakit ka naninigaw?! Huh!?"

"Bakit naninigaw ba ako!?"

"Hindi ba!?"inis ko na talagang singhal.Parang malapit na ang regla ko ngayong buwan dahil napadalas na ang pag-iinit ulo ko,sinabayan pa ng wala akong tulog.Dahil sa totoo lang ay hindi talaga kami ganito magsagutan....kung binabara ako ni Erick ako mismo ang tumahimik pero ngayon hindi ko na talaga mapigilan.

'Lalo't na siya ang dahilan kung bakit ako ganito!'

"Luto ko to!? Ano masaya kana?!"

Natigilan naman ito sa sinabi ko.Hindi na ito nagsalita pa.Sinulyapan niya ang baon ko bago bumalik sa akin ang paningin niya.Napataas kilay ako ng makita kung tumaas ang sulok ng labi niya.

Halos napaawang labi ako ng bigla itong tumayo at pumunta sa counter ng walang paalam.Mpph bastos!

Wala akong magawa kundi ang magsimulang kumain.Ng mga ilang segundo ay ramdam kung may nag ukupa muli sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Oh"

Gulat naman ako napalingon kay Erick ng agad niyang itapat sa akin ang isang tray na may pagkaraming pagkain.

"Ano to?"

"Pagkain" Anak ng! Gumaya pa! "Iyan ang kainin mo....." agad niya kinuha ang pagkain ko "....ako ang kakain nito"sabay walang sabing nilantakan ang luto kung baon.

Hindi ako nagsalita at tinitigan ko lang siya.Agad sumilay ang ngiti sa labi niya parang nakahinga ako ng maluwag dahil nagustuhan niya ang luto ko.Parang sumaya bigla siya.

"Lucious"mahinang bulong nito pero rinig na rinig ko parin.

Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay agad niya inangat ang paningin niya na may ngiting pilyo.

"Eat" hindi ako natinag kahit na rinig na rinig ko ang pagka maowturidad nitong boses "Sofia,eat"

Hindi ako nagsalita pa.Agad ko hinila mas palapit sa akin ang tray pero napakunot noo ako ng makitang wala itong kutsara't tinidor.Kaya wala sa sarili ako napabaling ang ulo ko kay Erick.Napakagat labi ako ng makita kong hawak niya ang kutsara ko,iyon ang ginamit niya.Agad namula ang pisngi ko sa nakita.

"Hmm....Erick?"nagdadalawang isip kung tawag sa kaniya.Napatigil naman ito pero wala sa akin ang kanyang paningin,nasa pagkain "...ku-kutsara ko ang gamit mo"

Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya dahil mas lalo itong ngumiti,sa sobrang lawak ng ngiti niya ay matatabunan na ang magaganda nitong mata.

"So that's the reason why it more tasty"

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ