CHAPTER 4

2.1K 77 0
                                    

Sofia POV

DAHIL sa narinig ay walang pasabi ko siyang itinulak ng malakas.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya ngunit nakikita ko ang pagmumukha ng kaibigan kong si Erick.Bigla akong kinain ng konsensya ko.Hindi ko kayang kalabanin ang kaibigan ko at wala sa kabularyo ko iyon.

Marahas ko siyang binalingan ng tingin "Nais kong de-deretsohin na kita,Lloyd....maari bang iwasan mo ako o kaya maaari na sa kaibigan ko nalang ibigay ang atensyon mo at hindi sa akin"

Agad napakunot ang kanyang noo at walang kahit anong emosyon kang makikita sa mga mata niya "What did you mean?"

"What I mean? Just please stay away from me dahil alam mong kaibigan ko si Ericm at may gusto din saiyo"

"Anong pake ko kay Erick? He's nothing for me"

"Hu? Baliwala lang saiyo ang kaibigan ko....na mahal ka? Kung ganoon lumayo ka sa aming dalawa"

Pagkatapos kung sabihin iyon ay agad kong inihakbang ang dalawa kong paa papasok ngunit agad ako natigilan ng makita ko ang papalapit na bulto ni Erick sa building kaya wala sa sarili kong hinila si Lloyd patago ngunit agad ako natapilok na naging sanhi ng pagkatumba ko.Napapikit ako upang hintayin ang pagkabagsak ko sa lupa ngunit isang mahigpit na yakap ang aking natanggap.

"Good eve,Sir.May pupuntahan lang po ako sa itaas"

"Good evening din po,Mr.Hamilton"

"Yuck!! Mr.Hamilton? Ms.Hamilton nalang po.Nakakadiri naman kung Mister diba?"Rinig kung pag-uusap ni Erick at sa guwardiya.Palihim akong nagpasalamat dahil hindi niya ako nakita kanina ngunit agad ako natigilan ng marinig ko ang isang unggol at laking gulat ko na nakadagan ako ni Lloyd.Tatayo na sana ako ng bigla niya muli akong niyakap.Shit!

"Ano ba,Lloyd?!"

"Don't move"

Walang salita na akong narinig mas lalo akong natigilan ng marinig ko ang papalapit na yapak na paa sa amin na alam kung si Erick iyon.Shit!! Maslalo magagalit sa akin si Erick if makita niya kaming ganitong posisyon ni Lloyd.Kagat labi akong pumikit at sabay sabing.

"Meow!"

"Meow!"

"Meow!"

Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko ang papalayong yapak nito at inis akong tumayo alam kung malakas si Lloyd kaya sa abot makakaya akong tumayo.Pinaliliitan ko siya ng mata at sabay talikod.Wala na akong gustong sabihin sa kanya ngunit sana naman layuan niya na ang kaibigan ko o kaya ako.Dali-dali akong pumasok.Nang mapansin kong nakatalikod sa gawi ko ang guwardiya ay agad ako umakyat papunta sa dorm ko.

Nang makarating ako ay agad ko sanang pipihitin ang seradula ng agad ako napatigil ng maalala ko na andito pala si Erick.Alam kung dito iyon patungo dahil ako lamang ang pupuntahan niya dito at siya lang mismo ang pwedeng maglabas-pasok sa building namin.Kumawala ako ng malalim na buntong hininga at sabay pikit.Anong sasabihin ko sa kanya?

Hindi ko alam kung mga ilang segundo ako nakatayo sa pintuan bago ko napag-isipang buksan ang pinto.Napalunok ako ng mapansin kung nakabukas ang ilaw na sapagkaalala ko ay patay iyon,hindi ko na kasi iyon nabuksan dahil sa pagmamadali.Wala sa sarili ako napakagat sa labi.Paktay!!! Patay ako sa baklang iyon!! Nilibot ko ang buong paligid ngunit walang Erick akong nakita kaya agad ako tumungo sa kwarto na alam kung andoon siya.Sana hindi niya ako pagalitan piping dasal ko sa aking sarili.

"Where the fuck have you been?"

Agad ako napatigil ng marinig ko ang baritong boses iyon sa likuran ko.Dahan-dahan ko iyong nilingon at hindi ako nakamamali na boses iyon ni Erick.Sa boses at ekspresyon niya ngayon ay agad ako kinalibotan dahil parang hindi isang Erica ang nakikita ko kundi ay isang tunay na Erick....Lalaking Erick!!

-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now