CHAPTER 2

2.6K 75 3
                                    

Sofia POV

"GOGO!! Fafa Lloyd!"

"Go! Go! Lloyd!"

Halos mabingi ako sa ingay dahil sa kanyang-kanyang sigaw ng mga estudyante dito sa Gymnasium,may laro kasi sa larangan ng basketball ang team ng section namin at sa kabilang section kung saan nabibilang ang section ni Lloyd.Kahit kasection namin si Erick ay parang mas saludo siya sa kabilang team.Sinabayan pa ng napakatinis na boses niya habang todo sigaw sa crush niyang si Lloyd,hindi ko naman siya masisi ang pogi nga naman ni Lloyd pero kung magiging sila ay baka end of the world na sayang sperm nila.

Mag iisang buwan na kong andito ngunit si Erick lang ang naging kaibigan ko dito.Sa masungit at maarte niyang ugali ay nakasanayan ko na.Hindi ko na kailangan ng ibang pang kaibigan siya ay higit na.

"Besh! Anyare sayo tulala kang nakatingin sa akin?" Agad ako nabalik sa ulirat ng marinig ko ang maarteng boses ng kaibigan kung bakla,hindi ko namalayan na nakatulalang nakatingin na ako sa kanya "Wag mong sabihin na inlove kana sakin! Ayy kaloka! Wag ganoon besh!! Hindi tayo talo!!"

Hindi ko mapigilang napangisi habang umiiling.Tinitigan ko siya sa mata habang may ngiti sa labi.Masaya akong nakilala siya dahil sa mahabang taon kung nabubuhay siya lang ang masasabi kong tunay na kaibigan kahit sa layo ng agwat ng estado ng buhay namin.Ngumuti muli ako,ngiting halos hindi muna makita ang mga mata ko "Salamat at dumating ka sa buhay ko"

Sabay nang pag-ihip ng hangin ay pagkawala ng emosyon ni Erick agad ako nagtataka.Mga ilang segundo siyang walang emosyong nakatingin sa akin na para bang pinoproseso niya pa ang sinabi ko ngunit iba ang nakikita ko sa mga mata niya.Wala mang sinasabi ang mukha niya pero ang mata nito'y may kanyang-kanyang emosyon.Magtatanong sana ako kung may mali ba akong nasabi ngunit agad ito nagsalita at agad ibinalik ang dati nitong ekspresyon.

"Wag ka ngang masyadong OA!" Pagkasabi niya ay agad niya ibinalik ang kanyang paningin sa naglalaro at nagsimula nanamang sumigaw.

May mali ba akong nasabi?

Ngunit kinabalikat ko nalang iyon.At muling lumingon sa harap.Halos hindi nagkakalayo ang mga iskor ng bawat panig pero nangunguna ang Team nila Lloyd.Dahil kay Erick ay nakakausap ko paminsan-minsan si Lloyd sa oras na nakakasama siya saming kumain.Agad naagaw sa paningin ko si Lloyd nang agad niyang nakuha ang bola,nasa labas siya ng bilog hindi ko alam kung ano ang tawag nito pero parang tinatansya niya kung makakapasok ba ang bola sa ring ngunit para sa akin ay mahirap.Ngunit dahan-dahan niyang inihanda ang kanyang sarili upang magshoot at agad niya itong pinakawalan.Lahat ay natahimik at parang nag slowmo ang bola haggang umabot ito sa ring.Pagkapasok nito sa ring lahat ay napapatalon pati nga ako muntik nang napatalon dahil sa eksayment.Pero halos mabali na ang buto ko nang bigla itong niyogyog ni Erick dahil sa kilig.

Fuck!! Babaliin niya ba leeg ko!!

"Besh!! Baka maalog ang utak ko ha!"saway ko sa kanya.

"Ang galing talaga niya,Besh!! I love you Fafa Lloyd!! Kyaaa!"

"Alam kong magaling siya pwede bang bitawan mo ako"nang parang napansin niyang nasaktan ako ay agad niya akong binitawan at muling nagtatalon.Tignan mo nga ang kumag na ito wala lang iyon sa kanya....sakit kaya.Biglang sumakit leeg ko sa kanya,ganito kasi siya sa oras na kinikilig.

Panalo ang team sa section nila Llyod simula't una palang alam ko namang lamang na ang section nila dahil kinikilalang mga varsity sila ng buong campus.Agad ako hinila ni Erick pababa sa mga upuan patungo sa kateam ng crush niya alam kung pupuntahan niya ito at siya mismo ang magpupunas ni Llyod,walang kahit sino ang makakapigil ni Erick kahit na ang mga babae dito ay hindi niya talaga ito uurungan.

"Lloyd!!"

Agad siyang sumigaw dahil sapag sigaw niya ay agad niyang nakuha ang lahat ng atensyon ng mga estudyante dito.Dahil sa pagsigaw niya ay agad niya ding nakuha ang atensyon ni Lloyd saglit siyang tinapunan ng tingin nito at itinuon ang paningin niya sa gawi ko.Saglit pa akong nagulat ng binigyan niya ako ng isang ngiti na sinuklian korin ng isang ngiti at agad din ako umiwas baka kasi mapansin ni Erick.Tsk!! Bakit hindi si Erick ang pansinin niya!!?Pagkalapit namin ay agad siyang niyakap ni Erick.Napailing pa ako!! Gaga talaga tong bruhang ito!!

"Ang galing mo,babe!!"masayang bigkas ni Erick,lahat ng mga kasama ni Llyod ay biglang na pa-ohh at may napapahiyaw pa kaya hindi ko napigilang matawa ngunit agad nawala ang ngiti ko dahil nahagip ng paningin ko si Lloyd na na mariing nakatingin sa akin.

"So,how's my play....."tanong niya gamit ang kanyang baritong boses ngunit ang paningin nito ay nasa akin na para bang ako ang tinatanong.

"Its wonderful!! Ang galing mo ng__"agarang sagot naman ni Erick ngunit hindi natapos ang sasabihin niya ng biglang magsalita muli si Lloyd.

"I'm asking you,Sofia.How's my play?"

-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin