CHAPTER 21

1.6K 58 8
                                    

Sofia POV

WALA sa oras ko naitulak si Erick dahil sa gulat.Nakanganga ako sa sinabi niya.Litong-lito.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot dahil naalala ko sa kanya si Elton.Dahan-dahan akong humakbang papalayo sa kanya.Siya ang tinuturing kong kaibigan sa paaralan,naging malapit na kaibigan ko siya pero wala sa isip ko na magkakagustuhan kaming dalawa.

"Sofia"tawag pansin niya sa akin,napatingin ako sa mga mata niya.....kita-kita ko ang pangangamba nito.Nang subukan niyang humakbang papalapit sa akin nang pinigilan ko ito.

"Wag kamunang lalapit sa akin,Erick"

"Pe-pero Sofia"hahakbang na muli ito ng hindi ko mapigilang sumigaw.

"I SAID STOP!!"

Gustong kumawala ng luha ko.Hindi ko mapilitang mangamba dahil sa takot.Hindi malabong mangyari ang naging emosyon ni Elton at mangyari iyon kay Erick dahil magkapatid sila.

Natigilan si Erick sa pagsigaw ko.Kita ko kung paano siya nasaktan sa sinabi ko.Pero hindi ko na mababawi iyon.Agad ako tumalikod at tumakbo palayo sa lugar na iyon.Rinig ko ang sigaw nina Erick at Dee pero hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy.Agad ako tumakbo patungo sa dorm ko at doon nag kulong.Nirerespeto ko ang damdamin ni Erick pero parang na trauma ako sa pagmamahal na binigay ng kapatid niyang si Elton.Takot akong masakal sa leeg that's why I hid my true me because I know at the end I ended by being chains.

Napagitla ako nang biglang tumunog ang cellphone ko hindi ko sana papansinin dahil alam kung sina Erick at Dee iyon pero naka unregistered number iyon.Wala sa sarili ko kini-click ang mensahe pero laking gulat ko nang mabasa ko ito

'I found you! '

Sabay ng aking pagbasa ay pagkarinig ko ng pagsabog.Agad ako lumabas upang alamin iyon....wala masiyadong estudyante sa dorm ngayon dahil may klase.May sumabog sa katapat kung kwarto,napatakip ako ng ilong pababa ng hagdanan.Hindi paman ako nakababa ay agad may kumapit sa braso ko,napagitla ako at aambagan ko sana ng suntok nang na si Erick iyon.Hinila niya ako palabas ng dorm pero napatigil kami ng may tatlong lalaki ang nakaabang sa pintoan na para ba kami ang hinihintay.Nakatakip ang kanilang mukha ng itim pero base sa suot nito ay isa itong organisasyon na alam na alam ko ang 'BLACK PHOENIX'

Lumapit ito sa amin pero agad kong sinipa ang nasa gitna.Napaatras saglit si Erick pero hindi ko na siya binalingan ng tingin ng aambangan sana ako ng suntok ng isa, kaya inunahan kona at tumama sa mukha.Itinulak ko ito na naging sanhi ng kanyang pagkahiga.Agad ko ito dinaganan at sinakal.Naramdaman ko ang isang papalapit kaya inunahan ko na din ito ng suntok,sisipain ko sana ng agad niya nahila ang paa ko at nadala ako.Napadaosdos ako sa sahig.Unti-unti nang lumalaki ang apoy at maslalo rumaraming nakapalibot na mga usok.

Hindi na ako nagdalawang sipain siya sa isa ko pang paa nito at natumba lalapitan ko sana nang maunahan ni Erick iyon ng sapak.Walang emosyon niya ako binalingan ng tingin at lumapit sa akin.Pero nanlaki ang mata ko nang agad siya natumba.

"Fuck!" ungot ng pumalo kay Erick dahilan ng pagkabagsak nito.Agad akong lumapit at ninakaw ang hawak niyang pamalo at ito mismo ang ginamit kong pamalo sa kanya na naging dahilan ng pagkawalang malay.

Nilapitan ko si Erick pilit ginigising.

"Erick! Gising!" ngunit hindi ito gumising hinawakan ko ang ulo nito at laking gulat ko na maydugo.Para akong nawalan ng dugo dahil sa nasaksihan "Fuck Erick gising!" Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at naging marahas ang aking paghinga.Takot ako sa dugo simula paman, sinabayan pa nang usok at dahilan ng pag-ikot ng aking paningin

"Sofia!"narinig ko ang boses ni Dee bago paman ako nawalan ng malay.

PAGKAGISING ko ay nasa clinic na ako.Andito ako katabi si Erick na nakahimlay parin,hinawakan ko ang kamay nito at pinagsiklop.Natakot ako kung napano siya dahil namumutla ito.

"Hmmm..."umungol ito kaya napatingin ako sa kanya.

"Erick?"

Dahan-dahan siyang dumilat at tumambad sa akin ang naghihina nitong mata.

"Erick ayos ka lang ba?"

Pero para akong pinaghinaan ng tuhod sa naging tugon niya sa akin.

"Who are you?"

-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن