CHAPTER 8

2K 80 0
                                    

Sofia POV

HINDI ko mapigilang matawa sa sinabi ni Erick.For f*ck sake! Girlfriend? Gusto kong tumawa ng malakas na hanggang kalawakan.Naghahanap ba siya ng Girlfriend? Baka Boyfriend,maniniwala pa ako!

"Girlfriend Besh? Nerd lang ako hindi ako lalaki.Bwahaha"tawa kung saad.

"Did I look joking?"

Wala sa oras ako tumigil sa pagtawa ng marinig ko ang malamig na boses na iyon.Alam ko kung anong ibig sabihin sa sinabi niya,so dangerous.Sa mga ilang buwan ko na siyang kasama alam ko na ang bawat galaw niya at alam kung seryuso siya.Pero? Pero ang hirap lang talaga paniwalaan.Lalo't na isa siyang bakla.

"Sino ba kasing maniniwala sa sinabi mo? Eh? Maski ako nga na kaibigan mo ay mahirap paniwalaan"

I heard his deep breath and he looked me tightly,napatahimik ako "Mahirap mang paniwalaan pero my family didn't know what the true I am.They didn't know that I am a gay"umiwas ito sa akin ng tingin ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata "Noong nagkasakit si Kuya ay wala silang alam dahil puro trabaho lang ang inaatupag nila.Besh I need you right now.I need you to pretend my Girlfriend if I can't bring a girl,I know already my dad arrange me in married"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.Hindi ko alam na may mahirap din palang pinagdadaanan si Erick kaya pala na napapansin ko na uhaw siya ng atensyon.Laglag na laglag ang katauhan sa paaralan ni Erick,grabe naman kung hindi alam ng pamilya nila na bakla siya dahil sila mismo ang may-ari sa lupa at paaralan na kinalalagyan ko ngayon.Yes,sila Erick ang may-ari ng paaralang ito.Ngunit hindi ko alam kung anong salita ang sasabihin ko upang mapagaan ang kanyang damdamin dahil bilang kaibigan niya gusto kong ipakita na hindi siya nag-iisa,andito ako.

"Pe....pero alam mung malayo ang angat ng buhay natin Erick kahit sabihin nating may maidadala kang babae.Ipapakasal ka parin sa iba dahil lupa ako,langit kayo"

Plastik itong napangisi "Pake nila.Sana sinabi nila sa akin that I need to bring a girl a rich like them,Sofia but they didn't told me then its not my problem anymore"

Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang pagtawag ng isang tao sa kaibigan ko.Kahit hindi ko ito lingonin sa likod ay alam na alam ko kung kaninong boses iyon kay Lloyd.Dahil nakatitig ako sa mukha ng kaibigan ko ay kitang-kita ko ang pagbalik sa saya ng mga mata niya keysa kanina.Napabuntong hininga ako ng biglang nilampasan ako ni Erick at patakbo itong lumapit sa bandang likuran ko.Napakagat labi ako bago nilingon silang dalawa na nadatnan kung nagyayakapan sila.Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko muli.Kung ang dakilang Lloyd lang ang nagpapasaya sa isang baklang Erick,sasaya na ako para sa kaibigan ko dahil kung ano ang ikinasasaya niya ay iyon din ang isasaya ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa ng biglang tumingin sa dereksyon ko si Lloyd.Wala sa sarili ko naalala ang nangyari kahapon at kanina,bahagya akong napapikit ng maalala ko ang hubo't hubad niyang katawan kanina.Sh*t! Stop thinking SPG scene,Sofia.Nakakadiri ka talaga!

Aalis na sana ako dahil baka nakaka abala lang ako sa kanila ng biglang manindig balhibo ako ng maramdaman ko ang pares na matang nakatingin sa akin.Nilingon ko muli sina Lloyd ngunit nakangiti itong nag-uusap.Nitong nagdaan na araw ay palagi ko nang nararamdaman ang mga matang nakamasid sa akin kaya bawat galaw ko ay kalkyulado ko.Nilingon ko ang buong paligid ng mahagip ko ang pangatlong palapag ng Accounting Building.May isang bulto ng lalaking nakatayo doon at malayo man ito sa kinatatayuan ko kitang-kita ko kung paano kabagsik ang titig nito sa akin.Wala sa sarili ako na pangisi.

"So they find me?"ngising saad ko.

-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now