CHAPTER 30

1.2K 45 2
                                    

Sofia POV

MAAGA muli akong pumasok,kaya hindi ko kasabay si Erick ngayon.Yes,nasa dorm niya parin ako natutulog pero hindi kagaya noon'g una na magkatabi kami,siya sofa at ako naman ang nasa kama niya.Nakakahiya mang isipin na siya ang may ari ng tinutuluyan ko,ito pa ang nakahiga sa sofa.

"Did you know what happen to,Tania?"

"Yes! All students here know already"

"Gush,I didn't expect what happen"

"Oo,nga! Kung makita mo lang ang mukha niya ay halos hindi muna makilala dahil sa bugbog tapos iyong mga labi niya daw ay tinanggal"

"Grrr.....creepy"

Ilan lang sa mga naririnig ko habang naglalakad papasok sa silid.Napakunot noo ako.Ano naman ang nangyari sa,Mangkukulam na iyon.Kahapon pa nga ay inaway pa ako.Nagkibitbalikat lang ako at pinagsawalang bahala.Tskk! Hindi man magandang isipin pero parang karma niya na lang iyon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad,hanggang makarating ako sa room.Ang maiingay kung kaklase ay agad tumahimik at nagsibalik sa mga kanyang-kanyang upuan.What the heck! Hindi paba nila nakakalimutan ang nang yari sa amin ni Tania.

Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko ay ramdam ko ang kakaibang titig nila.Takot at galit.Galit dahil ba sa nangyari kahapon? Pero ang takot hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling,kung sa nangyari palang kahapon ay wala namang masyadong nakakatakot akong ginawa.

'PAAKK!'

Rinig ko ang pagsinghap ng iba dahil sa malutong na sampal kung natanggap.Napawang labi akong nakatitig sa babaeng gulong-gulo ang mga buhok at namumugtong mata na para bang buong gabing umiiyak.

"How dare you!" nangingilid luha niyang sigaw habang nakaturo sa akin "Akala ko patas ka lumaban pero patalikod kapala umatake!" Huh?

"Stop it,Anna!" agad may lumapit na babae upang pigilan siya.Namumugto din ang mga mata niya pero hindi kagaya sa isa sa kanya ay maayos ang buhok.

"What?" inis na tanong niya sa bagong dating na babae "Hindi ako natatakot sa pinagagawa ng babaeng ito!....." turo niya sa akin.

"Ano bang problema mo!?" nagtitimping inis ko ding sabi.

"Problema ko?! Ikaw! Kung hindi dahil saiyo...." rinig ko ang pagpipigil hikbi niya "....hinding-hindi mangyayari iyon kay,Tania!"

Huh? The heck! Wala akong naiintindihan!

"Tumigil kana sabi! Baka madamay ka nanaman at ikaw nanaman ang masasaktan___"agad siya napatigil ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang kakaibang awra ni Erick.Nagtataka pa akong nakatitig sa kanya ng binalingan niya ng tingin ang dalawang alipores ni Tania na kaharap ko ngayon pero agad ito ngumiti ng makita niya ako.

"Good morning!"maligalig niyang saad habang papalapit sa akin.Binigyan niya pa ako ng isang halik sa noo bago binalingan ng tingin ang dalawa "What's happening here?"

Kitang-kita ko kung paano nagbago ang reaksyon ng dalawang babae na para bang takot na takot sila kay Erick.Napabaling ang ulo ko habang nakaawang mga labi.Anong meron sa kanya? Dahil ganito katakot ang kasamahan ni Tania---lalo ako napakunot noo ng makita ko halos lahat ng estudyante sa room ay natakot.Te-teka nga! May alam ba sila na hindi ko alam?

"Wa-wala,Eri-Mr.Ha-hamilton.Ta-tara na Anna"wala akong naiintindihan sa sinabi niya pero takot ang nabasa ko sa sinabi ng kaibigan ni Anna,sabay sila tumalikod.Kaya nagtataka tingin ko sila sinundan.

He pinch my nose "Ano? Tara na" he said.Agad ako tumalikod at umunang umupo.Ramdam kung sumunod ito sa ako.Hindi ko na siya pinansin pa dahil gulong-gulo ang isip ko.Tae! Parang may nangyari na hindi ko alam.Naguguluhan ako sa nangyayari,gusto ko siyang tanungin....pero ano naman ang itatanong ko?

"I know since highschool,Romeo and Juliet was familiar to us.Romeo and Juliet is a tragedy written by William Shakespeare early in his career about two young Italian star-crossed lovers whose deaths ultimately reconcile their feuding families....."

"...It was among Shakespeare's most popular plays during his lifetime and, along with Hamlet, is one of his most frequently performed plays.As your first performance task,I would like having a role play about" she stopped "Magiging event ito sa school natin.Nakapili na kami ng Romeo sa ibang section kaya dito ako hahanap ng magiging Juliet"

Nagsimula na ang bulong-bulangan ng iba kung kaklase,maraming nag-aasam na magiging Juliet.Magiging busy na kami sa susunod nito dahil sa play na ito.

I pinch slightly the broad shoulder of Erick "Gusto paman sana kita makita bilang Juliet...."natatawa kung saad sa kanya,nakasimangot siyang lumingon sa akin pero nababakas parang ngingiti siya "....at ako si Romeo" dugtong ko.Hindi ko alam pero gusto ko siyang inisin.Pero napakagat labi ako upang pigilang tumawa dahil nakita ko kung paano namula ang pisngi niya.Tsk! Bakla! Kalalaking tao ang hilig mamula.

"Miss Sofia,will be our Juliet!"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig.Marahas akong napatayo na naging dahilan ng pagbaling ng atensyon sa akin.

"P-po?"

Tama ba ang narinig ko?

"Yes,you will be roled as Juliet"

"Te-teka po,Miss.Maari naman po tumanggi diba?" nababahala kong saad sa kanya "Hindi po ako nababagay sa role na iyan at isa pa mahina ako sa acting"

"I really sorry to say to you,Miss Sofia.Nagbunot-bunot ang mga teachers sa mga name niyo pero sa kinaraming students sa grade niyo ikaw ang napili.We can't change it already"

Naghihina akong napaupo.Rinig na rinig ko ang mga komento ng iba kung kaklase,maraming tutol,ang iba naman ay inaasam ang pagpapahiya sa akin.

Hayssst! Ang sarap magmura! Peste!Hindi iyon mahirap sa akin pero ang bubo ko sa summarizing!

"Miss? Sino po ang magaganap bilang Romeo,Po?"tanong ng isa naming kaklase.

"Ahh! Alam ko,everybidy knows him...no other than but Lloyd Gonzales,the famous basketball player"

"What?!" napabiling ang ulo ko kay Erick nang marinig ko ang sigaw niya.Hindi ko inaasahan ang nagiging reaksyon niya.Kilala niya na ba si,Llyod? Or ako lang ang nakalimutan niya?

"Yes,Mr.Hamilton?"

Magsasalita sana siya pero parang walang boses ang lumabas sa labi niya,pero ramdam ko ang madilim na arwa niya.He clench his jaw and his eyebrow intersected..Umiling lang ito at mahigpit hinawakan ang kamay ko.

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now