CHAPTER 7

2.1K 74 1
                                    

PARA kay Sofia lahat ay pantay-pantay.Walang mababa at walang nakakataas.Walang bakla at walang tomboy.Lahat ay pantay para sa dalaga,ngunit hindi niya alam kung ganoon pa parin ang pananaw niya sa huling nangyari kanina.Nakatunganga siya sa loob ng silid kahit gaano man kaingay ang kanyang mga kaklase ay parang wala siyang narinig dahil paulit-ulit umiikot ang boses ni Erick sa tenga kaya wala sa sarili niyang tinabunan ang kanyang magkabilang tenga gamit ng kanyang palad.

'Ugghh...So..Sofia.Ughhh!'

'Ugghh...So..Sofia.Ughhh!'

Ano ang ibig sabihin no'on?!! Nakita niya kayo ako? piping tanong niya.Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman basta parang gusto niyang magwala sa hindi nalalaman na dahilan.Pumikit ito at bumuntong hininga.Alam niya simula't huli ay bakla ang kanyang kaibigan at alam niyang natural lang iyon sa ganoong pangyayari,na lalaki to lalaki.Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili kaya parang baliw itong tumango-tango.Nang mahimasmasan ay agad siyang dumilat ngunit agad siya napatalon na bumungad sa kanya ang mukha ni Erick.Bahagyang nakataas ang isang kilay nito at mariin siyang tinitigan na para bang sinusuri siya nito.

"Gawa mo?"tanong ng kaharap.

Agad siya nagulat at wala sa sariling tumakbo papalabas sa room niya.Tanggap niya ang kanyang kaibigan kahit sino pa siya ngunit hindi niya pa nakalimutan ang nangyari kanina lalo't na ang pagtawag nito sa kanya.Habang tumatakbo ay rinig niya ang pagtawag ng kanyang kaibigan ngunit hindi siya nang abalang lumingon.Kita niya ang pagtataka ng mga kamag-aral ngunit wala siyang pakealam basta ang nais niya lang ay mag-isa muna,o.....o kaya ayaw niya muna makita ang kaibigan niya! Nakakahiya! She can't directly look at his eyes.

Hingal-hingal siyang tumigil sa gitna ng football court.Hindi niya alam kung ilang kilometro ang kanyang tinakbo dahil ngayon lang siya nakaramdam ng pagod.Kaya dahan-dahan niya muli hinakbang ang kanyang paa papalapit sana sa isa sa mga bench ng court upang umupo ngunit agad siya naistatwa ng may biglang yumakap sa kanya.Base sa amoy ay alam niya kanino ito kay Erick.

Nagsimula na namang amoyin nito ang leeg niya.Na naging sanhi ng pagkalalong pag-estatwa niya.Gusto niyang magsalita at harapin ang kaibigan ngunit parang naging yelo ang kanyang katawan habang inaamoy ni Erick ang leeg ni Sofia.

"Are you ignoring me?"tanong nito habang patuloy sa pag amoy ng leeg.Hindi niya kayang magsalita kaya iling lamang ang kanyang nagawa "So why are you running? Pinahihirapan mo lang ako" singhot nitong bigkas.Nang mapansin ni Erick na hindi nagsalita si Sofia ay tumigil ito sa ginagawa niya at pinaharap niya ito sa kanya.Kita niya ang walang emosyong mukha ng babae.Kahit natatabunan ito ng malalaki nitong salamin ay kita-kita niya ang kulay itim nitong mga mata "Speak up,Sofia"

Napaawang saglit si Sofia bago pekeng ngumiti.Hindi wari ng dalaga kung ano ang sasabihin niya basta nais niya lang maging kumportable muli siya sa kanyang kaibigan at kalimutan ang nangyari kanina.

"Gaga ka Erick! Galit ako saiyo!"pekeng pagtatampo nito at bahagyang ngumuso.Kita niya kung paano rumihestro ang pagtataka sa mukha ng kaibigan

"Anong ginawa ko saiyong bruhilda ka!!"

"Baka nakalimutan mong pumunta ka kagabi sa dorm at late na ako nakatulog kaya hindi ako nakapasok sa unang klase"

"Hoy gurl!! Hindi kona kasalanan iyon!! Tamad kalang gumising!!"

Hindi na nagsalita ang babae at hinila na ang kaibigan pabalik sa room.Para nga siyang natawa sa kabaliwang ginawa niya dahil siya payong tumatakbo ito pa mismo ang bumabalik.Habang naglalakad ay nakita niya ang munting saya ng kanyang kaibigan,hindi niya lang ito napansin kanina pero ngayon ay halatang-halata ito.Bigla nanaman sumagi sa isip ni Sofia ang nangyari kanina kaya palihim ito napakagat labi.

"Saya mo yata ahh?"tanong nito.

"Hmmm.Napansin mo pala? Akala ko hindi muna ako tatanuningin"

"Sa pagkaka alam ko....isang tao lang naman ang nagpapasaga saiyo"tumigil ito saglit at pekeng ngiti itong humarap sa kaibigan "Tungkol to kay,Lloyd right?"

Kitang-kita ng babae ang ngiting unting-unting lumapad sa labi ng binata.Gusto niya lang itong tanungin upang malaman niya kung nakita ba siya nito kanina.

"So si Lloyd nga ang dahilan"tango-tangong saad muli ni Sofia.Gusto niyang asarin ang kanyang kaibigan ngunit kahit ano mang isip niya ay wala siyang maisip dahil naalala niya ang kalaswaang nangyayari.Kaya hindi na muli siya nagsalita pa dahil maslalo lumilinaw ang naaalala niya kanina.

Agad sila napatigil sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone na pagmamay-ari ni Erick.Agad niya itong hinablot sa kanyang hawak na maliit na bag.Agad niyang itong tinignan, napansin ni Sofia ang pagkunot noo ni Erick tumingin muna ito kay Sofia bago sinagot ang tawag.

Tinitigan lamang ni Sofia ang kaibigan.Alam niyang may problema ang kaibigan base sa pagkunot ng noo nito at naglalakihang butil ng pawis.

"Yes,Dad?"

Saglit nagulat si Sofia sa narinig,nagulat siya sa pagbabago ng pananalita ni Erick.Ang matinis at maarte nitong boses ay parang napalitan ng bruskong boses.Habang tinitigan niya ang kabuuan ng kaibigan ay parang ibang tao ang kanyang nakikita dahil ang pustora nito ay nag iba.

"I can't promise,Dad.You know I am here at sch____" he stop for a while "Okay! Okay! Pupunta ako__" he stop again " Yes! With my girlfriend"

Hindi alam ni Sofia kung matatawa ba siya o magtataka sa sinabi ng kaibigan.Girlfriend? The f*ck!! Baliktarin man ang mundo,hindi-hinding magkaka girlfriend ang isang Erick Hamilton baka boyfriend meron!

"Besh?"agad na saad ni Erick pagkababa mismo ng tawag.

"Oh?"

"Pwede magrequest saiyo?"

Napakunot siya "Yes? Ano iyon?"

"Please pretend as my Girlfriend?" walang kagatol-gatol niyang saad

-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now