CHAPTER 47

787 26 1
                                    

Sofia POV

MAS lalong lumapad ang ngisi niya sa naging tugon ko.

"Sa nakikita ko, parang hindi kana nagulat na ako toh"

"Hindi nako magugulat dahil alam ko namang ikaw si Cath or should I say G-I-N-O-O"

Agad ito tumawa, mahina lang iyong una pero habang tumatagal ay maslalong lumakas, rinig na rinig ko ang malutong niyang tawa sa bawat sulok ng silid.

"Lintik rin pala iyang talino mo nohh!"

Hindi na ako nagsalita pa, at malamig siyang titigan. She draw close into my face, andoon parin ang naglalarong ngisi sa mga labi niya. Inabot niya ang aking pisngi gamit ang kaliwa niyang kamay. Dahan-dahan niya itong pinalibot sa pisngi ko.

"Mabait ka sana Sofia, pero kailangan ko kasi ang pera" mahina niyang saad.

"Dahil ba sa sobrang kailangan mo ang pera ay kailangan mong pumatay. Ganoon ba iyon, Cat__"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang nakatanggap ako ng isang malutong na sampal, sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya ay pumutok ang labi ko.

"Wag mo iyong isumbat sa akin!"

"Wala akong sinusumbat,Bruha ka!, mananampal kang gago ka!" puta ang sakit kaya!

Agad rumihesto ang irita sa mukha niya ng sinigawan niya ako, kaya agad niya akong sinabunutan.

Aba't gago...

"Sana mapatawad mo ako pagdating ng panahon, Sofia. Sana mapatawad din ako ni Dee sa ginawa ko ngayon" malamig niyang saad sa akin "Tama ka! Dahil sa pangangailangan ay kailangan kung pumatay" she stop "Pero kahit naman hindi ako papatay, ako, kami naman ang mamatay. I just need this, kayo nalang ang grupong hindi ko pa nadispatsya. At sa oras nawala kayo ay mapapasa-amin na ang pera"

Agad niya pinitik ang kanyang daliri nang dahil sa ginawa niya ay agad may mga ingay ang umalingawngaw sa silid, kasabay naman nito ang pagpatay-sindi ng isang pulang ilaw, agad bumalot sa sistema ko ang kaba ng mapagtanto isang iyong mga bomba.

"Antayin mo munang sunduin kana ng mga kasama mo" huli niyang saad bago niya ako iniwan.

Sa totoo lang kinain ng kaba ang aking sistema. Natataranta ako sa mga ingay na galing sa bumba. Napakagat labi ako, I need to calm down dahil walang magagawa ko ang aking pagiging balisa.

Luminga-linga ako sa paligid ng dahil may isa lang ang ilaw na nakatutok sa akin ay wala ako maaninag kundi ako sarili ko lang anino. I hate this feeling. Hindi ako mapapukos.

Itiingala ko ang aking ulo at saglit ko pinahinga ang aking isip. Dahan-dahan akong pumikit, kailangan kung magmadali dahil hindi ko alam kung kailan sasabog ang bomba dahil wala akong nakikitang timer.

Dahan-dahan kung ginalaw ang kamay ko na nakatali. Sinubukan ko kung gaano kaliit ang tansya na makatakas dito. Hindi korin magalaw ang paa ko. Parang nawalan ako ng pag-asa. Wala sa sarili akong tumigil, napangisi ako. Wala na akong pag-asa mas mabuting tumigil na ak__.

Agad ako napalingon sa harap ng marinig ko ang pagkalabog ng isang pinto. Agad narinig ko ang nagmamadaling yapak ng isang tao. Wag mong sabihin na andito ang mga kasama ko.

"Sofia?"

Fuck!

"Wag kang lumapit, Erick!" sigaw ko sa kanya. Pero halos manghina ako ng makita ko si Erick. Gusto ko siyang tutulan na wag siya lumapit pero hindi paman ako nakapagsalita ay mabilis itong lumapit sa akin at iginawaran ako ng yakap.

"Fuck! Did you know how worry I am?" ani niya habang ramdam ko ang panginginig ng boses niya. He kissed my head, every part of my face and lastly my lips. Sandali lang iyon, pero ramdam ko kung gaano siya kasabik sa halik na iyon.

Agad namasa-masa ang mga mata ko "Erick, run" mahina kung saad.

Gumuhit sa mukha niya ang pagtataka, nakita ko ang pagbukas ng baba niya upang magsalita sana pero nangbigla lumakas ang tunog ng bumba, at doon niya palang napansin ang mga pulang ilaw na nanggagaling sa bomba. Nanlaki mata siya dahil sa gulat.

Ting.Ting.Ting.Ting

"Fuck!" I heard he cuss.

Nang subukan niyang tanggalin ang mga tali ay agad ako nagwala "No! I said, Run!" pero parang wala parin siya narinig "Shit! Hindi mo ba ako narinig. Sabi ko, takbo! Mahirap ba iyon intindihin!"sigaw ko sa kanya.

Napabilog mata ako ng bigla itong lumuhod at isinubsub ang kanyang ulo sa hita ko. Yumuyugyog ang balikat nito, kaya alam kung umiiyak siya.

"Paano ako tatakbo Sofia, kung andito ka" pinagtama niya ang mata namin, halos gusto ko ring umiyak ng makita kung sunod-sunod tumulo ang mga luha niya "You're mine Sofia and I am yours, ilang ulit ko bang sinabi ko iyan saiyo. Kung tatakbo ako, parang iniwan ko narin ang akin" he lean his face on me and kissed my lips "I love you, Sofia" agad ako natigilan sa sinabi niya.

He wiped his tears and give me his gloomy smile "Hindi kita iiwan. Kung ayaw mong umalis, hindi kuding gustong umalis"

Napaawang ako sa sinabi niya. Hindi ko ma proseso ang sinabi niya, kaya sunod-sunod lumabas ang mga luha ko. He kissed my eyes na para bang sa pamamagitan noon ay okay lang ang lahat, na wag akong umiyak.

"Please, Erick. Umilis kana"

Umiling ito "Aalis lang ako dito kung aalis ka"

Wala akong nagawa kundi ang payagan siyang tanggalin ang mga tali sa kamay ko. Pero sa bawat pagluwag ng lubid ay ang pagbilis ng ingay ng bomba bilang tanda na malapit na ito sumabog.

Nang makawala ako sa lubid ay agad niya ako hinila papalabas, nang makita ko ang pinto ay agad ko siya itinulak palabas, nagulat siya sa biglaang galaw ko.

"I really sorry, Erick" ngiti kung saad niya bago ko sinurado ang pinto. Agad niya kinalapag ang pinto rinig na rinig ko ang nagmamakaawa niyang sigaw.

"Hindi ko masasagot ang 'I love you' mo, pero sana malaman mo. Masaya ako sa mga salitang nanggaling sa bibig mo"

Huli kung saad bago sumabog ang buong paligid. I just closed my eyes bago ako kinain ng apoy ang buong bawat sulok ng kinalalagyan ko

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz