PART FOURTEEN

56 15 0
                                    

______________

            •𝗘𝗹𝗮𝗶𝗻𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩•



Tahimik akong nakatingin sa pamangkin kong si Zaira habang kalaro pa rin ito ni Sunday. Malalim ang iniisip ko kahit alam ko sa sarili kong wala namang masama sa pagbibigay ng oras ni Jericho sa anak nila ni Valerie. Nagulat lang talaga ako.

Tinawag ni Valerie ang anak nya kaya lumapit ito sa kanya at yumakap.

"Baby come here!"

"Mama!" Nakangiting sabi ni Zaira kasabay ng pagyakap kay Valerie.

Ngumiti sya sa amin at isa isa kaming ipinakilala. Actually kaming dalawa lang naman ni Sunday ang ipinakilala ni Valerie.

"Baby listened to me ha?" tanong ni Valerie sa anak nya.

"Opo mama!" Nakangiting sagot nito.

Nagulat pa nga ko ng ituro ako ni Valerie. Bigla akong kinabahan sa pagduro sa akin. Akala ko kung anong gagawin sa akin.

"This is your tita Elaine. Kapatid ko sya. Ay no baby. Stepsister pala. But you can call her as your tita." Nakangiting sabi ni Valerie.

Medyo sumama yung loob ko sa sinabi nyang 'Stepsister'. Kailangan pa ba nya yung sabihin sa anak nya? I mean sa walang muang na bata? Issue na namin yun noon pero bakit sinasabi pa nya?

"He-hello Zaira." Pilit na ngiti ang ipinakita ko sa pamangkin ko.

"Hi po tita Elaine!" Nakangiting bati sa akin ni Zaira.

Napangiti rin ako ng marahan. Buti naman nakakapagsalita na sya nang tuwid kahit limang taong gulang palang sya.

Sunod naman na itinuro ni Valerie si Sunday. Umirap pa si Sunday kay Valerie. Napatawa lang si Valerie.

"At sya ang friend ng tita mo. Si Sunday. Pwede mo rin syang tawaging tita Sunday." Sabi ni Valerie.

"Tita Sunday!" Nakangiting sabi ulit nito sabay hawak sa tuhod ni Sunday.

Napahagikhik pa si Sunday ng buhatin si Zaira. Binulungan pa nya ko sabay bunggo.

"Hoy Elaine. Tita na rin ako sa wakas. Kelan ka ba kasi magkakaanak!" Natatawang bulong ni Sunday sa akin.

Napairap nalang ako dahil sa sinabi ni Sunday. Tumawa lang ulit si Sunday at pinagpatuloy ang pagbuhat kay Zaira.

Napailing iling si Valerie at natawa nalang. Lumapit sa akin si Valerie at kinausap ako.

"Kamusta ka naman ate after five years?" tanong ni Valerie sa akin.

Pinagmamasdan namin si Zaira habang kalaro pa rin ni Sunday. Alam ko na kung bakit gustong gusto na ni Sunday na magkaanak ako. Gustong gusto nya sa mga bata.

"Buti naman kinamusta mo ko!" Sarcastic na sabi ko habang nakacross arm.

"Bakit naman kita kakalimutang kamustahin?" kunot noo na tanong ni Valerie.

"Pagkatapos ng ginawa mo sa kin!" Bulong na sabi ko kasabay ng pag-irap ko.

Napa 'Ha' nalang si Valerie. Mukang hindi yata nya narinig.

"Wala! Ang sabi ayos lang naman ako kahit nahirapang makapag move-on kay Jericho." Sarcastic ulit na sabi ko.

Napangiwi lang si Valerie at ibinalik ang tingin sa anak nya.

"E ikaw? Kamusta ka sa Bahrain after five years? Kamusta yung pagbubuntis mo?" seryosong tanong ko kay Valerie.

"Mahirap ate. Wala akong katulong nung pinagbubuntis ko si Zaira. Nung pinagbuntis ko sya nandito pa ko sa pilipinas. Kinausap ko na si Jericho pero pinagtabuyan nya lang ako. Kaya napagdesisyunan ko nalang na umalis at pumunta sa Bahrain." Nakangiting sagot nya sa akin.

A Second chance to Loved you | ✔︎Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz