PART FOUR

148 17 0
                                    


______________

•𝗝𝗲𝗿𝗶𝗰𝗵𝗼'𝘀 𝗣𝗢𝗩•

Binigyan ko ng isang malakas na sampal si Valerie dahil sa nalaman ko. Ako, ginamit lang?

"Hindi sa ganun yun Jericho. Hindi kita basta ginamit lang. Para naman sa atin yung bahay na makukuha ko kapag namatay na si ate Elaine. Para sa ating dalawa, sa future natin!" Umiiyak na sabi ni Valerie habang hawak-hawak ang pisngi nya.

"Lintik na future na yan! Wala akong paki sa kagustuhan mo. Ginamit mo lang ako para mapasayo ang bahay ng ate mo. Baliw ka naba? Sinayang mo yung pagmamahal ko sayo. Ginamit mo lang pala ako at hindi minahal. Sana pala hindi ko na niloko pa si Elaine. Wala kang kwentang girlfriend!" Sigaw ko sa kanya.

Umalis ako ng bahay nila. Kahit malayo na ako ay rinig ko pa rin ang pagtawag ni Valerie sa pangalan ko.

"JERICHO!"

Ini-start ko na yung kotse ko. Pupuntahan ko si Elaine at ipapaliwanag ang lahat lahat sa kanya. Na plinano lang ni Valerie ang lahat. Na gaya nya, ginamit lang rin ako ng kapatid nya. Sobra akong nakokonsensya sa ginawa ko kay Elaine.

Mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko.

Nang makarating ako. Agad kong kinatok ang pinto ng bahay nya.

"Elaine! Elaine, lumabas ka dito at mag-usap tayo!" Sigaw ko habang kinakatok ang pinto.

Ngunit wala pa ring Elaine na lumabas. Kaya kumatok ulit ako.

"Elaine i'm sorry. Sorry sa mga nasabi ko sayo nung gabing yun. Hindi naman talaga totoo yung mga yun. Plinano lang ni Valerie ang lahat. Ginamit nya rin ako. Elaine, mahal kita. Totoong mahal kita!"

Kinakatok ko yung pinto pero wala pa ring Elaine ang lumabas. At sa panglabing dalawang katok ko. Sa wakas at binuksan na, pero....

"Ohhh hello Jericho. Bakit ka naparito?" tanong ng kaibigan ni Elaine na si Sunday.

"Sunday, bakit ka nasa bahay ni Elaine?" Tanong ko.

"Umalis si Elaine, sa akin na muna nya pinabantay yung bahay nya habang wala sya dito." Sagot ni Sunday.

Nangunot ang noo ko. "Bakit saan ba sya nagpunta?" tanong ko ulit.

Nangamot sa ulo si Sunday bago sumagot. "Hindi mo ba alam?" tanong nya pabalik.

"Alam ang ano?" tanong ko.

Umirap pa sya bago magsalita.
"Okay okay. Umalis si Elaine ng bansa. Papunta sya ng New York ngayon para magtrabaho. At limang taon pa sya bago makabalik dito sa pinas. Kung gusto mo syang pigilan sa pag-alis nya. Gora na't sundan mo na sya at wag ka ng tumayo lang jan! Alis na, puntahan mo na sya sa Airport at baka maabutan mo pa!" Ang sabi ni Sunday.

Kaya dali-dali akong sumakay ng kotse at pinaandar ito ng mabilis.

"Sana maabutan mo si Elaine at mabago mo ang isip nya!" Pahabol na sabi ni Sunday.

Papunta ako ng Airport ngayon para abutan si Elaine at pigilang makaalis ng bansa.

Nang marating ko ang entrance ng Airport ay masugid kong hinanap si Elaine. Nakita ko syang dala dala ang isang maleta. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

Mabilis ang pagtakbo ko pero huli na 'ko. Nakasakay na sya ng eroplano. Balak ko pa sanang pumasok sa eroplano kaso hinarangan na ko ng guard.

"ELAINE! ELAINE! I'M SORRY ELAINE. PLEASE WAG KANG UMALIS, PLEASE! PAKI-USAP WAG MO KONG IWAN! ELAINE, MAHAL KITA! ELAINE, WAG MO KONG IWAN!"

A Second chance to Loved you | ✔︎Where stories live. Discover now