Hindi ‘yong nandito! Nakakahiya!

Tumikhim si ma’am Celine.

“Z-Zach kumain na po ba kayo?” inulit ko ang tanong ko.

“tsk! Not yet.”

Tumango ako ng bahagya sa kanila at naunang maglakad papasok sa loob ng bahay nila. Narinig ko rin silang sumunod sa akin kapagkuwan matapos ang buong isang minuto.

“Son, I’m just there in your dad’s office. After you eat, go there okay I’m just want to catch up things with you.” Rinig kung sabi ni ma’am Celine kay sir Zach bago siya umalis doon.

Tumango lang si sir Zach bilang tugon sa sinabi ng kanyang mommy habang pinapanuod akong naghahain ng kanyang pagkain.

Ngumiti ako kay sir Zach – Zach lang pala tulad ng sabi niya – matapos kung ihain sa lamesa ang pagkain niya. Tsk! Dapat talaga sanayin ko na ang sarili ko na ang dapat na tawag ko kanya ay Zach nalang at wala nang sir.

Masasanay rin ako. Hindi. Sasanayin ko ang sarili ko.

“Kami na dito sir Zach.” Sabi ni Kary. Inunahan na agad akong magligpit ng pinagkainan ni sir Zach.

Siguro ay nahahalata na nila na pagtumutulong ako sa hindi ko naman gawain ay nakikita nilang pinapagalitan ako o pinagsasabihan ni sir Zach. Tsk!

Tumango lang si sir Zach. Tiningnan niya pa ako bago siya tuluyang umalis. Ngumiti ako sa kanya at tumango rin.

“Asusss!” Siniko ako ni Kary.

“Kary, magtigil ka.”

Humalakhak siya.

Pagkatapos naming masigurong maayos na ang lahat doon ay agad na rin kaming nagsipanhik sa aming mga silid. Naglinis ako ng aking katawan bago ako humiga sa kama ko. Bago ako matulog ay tinawagan ko muna si mama para kamustahin siya doon.

Ginamit ko ang bigay sa akin ni sir Zach na cellphone. Naging mabagal ang pagtatype ko dahil ito ang unang beses na gagamit ako nito. Though meron nito ang mga kaibigan ko ay hindi naman iyon kasing bongga’t kasing mahal tulad nito. Kung minsan ay pinapahiram ako ni Robin ito ay ang ginagawa ko lang ay maglaro ng games dito. Pampalipas oras.

Ang sabi ni tita Rina ay binilhan daw ni Max si mama ng cellphone galing sa pinadala kong pera sa kanila. Natuwa ako dahil hindi ko na maiistorbo sila tita Rina at Max kung gusto kung tawagan at kamustahin si mama sa kanila.

“Hello, Ganda, apo…”

Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya. “Hello, ma….miss na kita.” Pinigilan ko ang nagbabadyang mangilid na luha sa mata ko.

“Miss na rin kita, Ganda.”

Tumagal ng kalahating oras ang tawagan namin ni mama. Nagkamustahan kaming dalawa. At bago kami magpaalam sa isa’t isa ay paulit ulit ko siyang pinaalalahanan na wag na wag kakalimutan ang pag inom niya gamot. Tatawa tawa lang si mama sa akin pero sinabi niya rin na iniinom ang gamot niya sa tamang oras. Sinabi niya rin na nilagyan ni Max ang kanyang cellphone ng alarm sa oras ng pag inom niya na ng gamot.

Paalalahan ko ang sarili ko na pasalamatan si Max dahil doon.

Kinabukasan paglabas ko sa aking silid ay agad akong nagpunta sa kusina. Nakita ko silang abala sa paghahanda sa agahan ng amo namin. Ilang saglit pa ay pumasok na si ma’am Celine sa kusina.

“Good morning ma’am Celine.”

“Magandang umaga po ma’am Celine.”

Bumati kami sa kanya.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now