"Nakatira ka nanaman ba? Para saan ba ito?"

"Pagkain mo ano pa ba, baka kasi hindi ka pa kumakain. Alam kong madami kang ginagawa."

"Ano naman kinalaman sa 'yo no'n aber?"

"Fine. If you don't want to, just throw it away."

Tignan mo ito pa iba-iba ang mood.

Hindi naman galit ang boses niya, kaswal lang.

"Oo na panalo kana."

"Good."

"Pero 'di ko naman mauubos ito."

"Then don't finish it. 'Yung natira kainin mo kapag nagutom ka ulit."

"Osya, salamat. Bye na at busy ako."

"Alright."

Pagkababa ng tawag ay kumain na muna ako ng mga pinadala ni Kaiden.

Kilala ko ang kultong iyon eh sure ako na malalaman niya kapag hindi ko kinain iyong binili niya.

Para bang lagi siyang nandiyan kahit wala naman.

Shala naman ng lalaking iyon dahil lahat ng pagkain ay paborito ko, may adobo, mga desserts at fries pati na din iba't-ibang klase ng shakes. Galing manghula.

Pagkatapos kumain ay tinuloy ko na ang ginagawa ko, sobrang nakakaboring naman kaso wala akong choice.

Ang gulo ko naman, ang sabi ko nag-eenjoy ako kanina tapos ngayon nabobored na.

♪♪♪


Kinahapunan ay nakatanggap ako ng text kay Kaiden nanaman.

Kultong Pogi:
"If you have time, can you make it to come here to a cafe near your condo? I just have an important matter to tell you."

Ano naman kaya ang sasabihin niya? Hindi na lang kaya e-message andami pang alam.

Maya lang ng mag beep ulit ang cellphone ko.

"Here's the address, Amand Coffee Bar. Maybe 15 minutes is enough."

Alam ko ang cafe na ito dahil dito ako madalas pumupunta pagkagaling ko ng iskwela.

Nagpalit lang ako ng damit at dali-dali ng bumaba.

Sampung minuto ng makarating ako rito sa cafe dahil walking distance lang naman siya rito sa condo ko.

Pumasok ako at natanaw ko na kaagad doon ang lalaki.

Of course, madali mo lang siyang mapapansin dahil outstanding ang kapogian ng Kaiden na ito eh.

Halos lahat pa ng mga babae ay nakatingin sa kanya. Kakainis.

Tumungo ako sa pwesto niya at umupo sa upuang kaharap niya.

"Are you busy, Miss Ma'am? My apology for asking for some of your time."

"Oo madami nga akong ginagawa pero sabi mo importante ang sasabihin mo, ano ba 'yon?"

"Babalik muna ako ng Manila dahil kailangan ako doon."

"I see." Bakit bigla yata akong nalungkot?

"Iiwan ko na muna sa 'yo ang kompanya rito."

"Okay-"

"W-what are you talking about?!" Sukat ay nabigla ako sa sinabi niya.

"Habang wala ako ay ikaw na muna ang bahalang mag manage ng kompanya, alam mo namang sa 'yo lang ako nagtitiwala."

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now