"Pagkatapos no'n bago ako pumasok ng work dumaan muna ako ng grocery store kasi ubos na pinamili ko nung nakaraang linggo, then dumating na ako ng trabaho."

"Then, ginawa ko iyong mga boring na gawain na binigay mo sa akin. Alam mo lahat na lang ng trabahong binibigay mo sa akin ay nakakaantok, ayan tuloy lagi akong nakakatulog. Kasalanan mo naman eh kaya wag mo akong sisisihin. Ang importante nagagawa ko pa rin."

"Tapos ayon sabay tayong lumabas nang company then, nakasalubong natin yung bagong dating na character– este bestie mo na Theo ang pangalan 'tapos ayon pag-uwi ko dito kumain ako ng gabihan alangan namang umagahan. Natulog na ako kaso bigla kang tumawag kaya ito kinakausap pa kita, ayon na the end."

"Anong title ng story na 'yan? Ngayon ko lang narinig at masarap marinig."

"Today's adventure of, Aryka. Bago lang ito."

He chuckled. "It's nice to hear your voice."

Ani niya sa mahinang boses.

"Ano naman ang maganda sa boses ko?"

"Sounds like an angel."

"Angel? Lagi nga akong boses galit."

"Hindi ko alam pero gustong-gusto kitang naririnig na magsalita."

"Antok lang 'yan." Kaswal na sabi ko kahit pa dumadagundong na ang dibdib ko.

"Kung gano'n matutulog na ako pero sigurado ako na hindi lang ito dahil sa antok."

"Baliw ka talaga."

I just heard him groan.

"Pwede na ba akong matulog?"

Hindi ko siya narinig na sumagot pero mahinang paghinga lang ang aking naririnig sa kabilang linya.

"Hello, Kaiden andiyan ka pa?"

Hindi siya sumagot.

"Siguro nakatulog kana, good night! Sisingilin ko na lang bukas ang bayad mo sakin."

Kapagkuwan ay pinatay ko na rin ang tawag at nagmadaling natulog.

Mahirap na at baka magising ang kultong iyon at pag kwentuhin nanaman ako. Mukhang lasing din siya.

♪♪♪

"Darling wake up." Boses ng matanda ang naririnig ko habang mahina ako nitong tinatapik sa balikat.

Bahagya pang nakapikit ang aking mga mata kaya naman hindi ko mapag-sino ang gumigising sa akin.

Nang tuluyan ng magising ang aking diwa ay nanlaki ang mga mata ko kung sino ang nasa harapan ko.

"F-Father?!" Agad akong bumangon at pinakatitigan ang matanda.

"Yes, it's me, Darling." Siyang siya nga!

Tumayo ako at tinalon ito ng yakap na ginanti niya naman.

"I miss you, I miss you so much, Father."

"Me too Darling, Daddy misses you a lot."

"Kumusta na po kayo? Are you doing well?"

Tanong ko rito habang patuloy na naglalandas ang luha sa aking mga mata. I miss him!

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now