Kinwento ko sakanya yung buhay ko nung highschool na naging isa sa mga pinakadahilan kung bakit ko naisipang ayusin sa sarili ko, particularly yung mukha ko, bago pumasok ng college.


"Pero bakit hindi mo agad kinwento o sinabi saakin agad?" Tanong ni Tyne.


I pursed my lips habang iniisip kung paano ko ba sasabihin na baka ayaw na niya akong maging kaibigan pag sinabi ko yun.


"Wait, don't tell me. Akala mo, itsura lang habol ko sayo kaya kita kinaibigan?" Napaawang yung bibig niya sabay layo saakin ng konti, "Wow, you really hurt my feelings there, girl."


"Hindi naman sa ganun!" I pouted.


"Pero parang ganun na nga?" Bumuntong hininga siya, "Hindi naman kita masisisi kasi parang ganun na nga yung nangyari. Noong una kitang nakita sa tapat ng classroom, gandang ganda ako sayo nun eh kahit halatang kabado ka kaya kita inapproach. Pero yung pagiging kaibigan mo ng ganito katagal, hindi lang yun dahil sa maganda ka noh. Sa tingin mo, magtitiis ba ako sa isang taong maganda nga pero ang sama ng ugali at hindi kaibigan ang turing saakin? Syempre, hindi noh! Nagprint pa nga ako ng mga extrang copies ng notes ko para ibigay sayo at ako pa yung humingi ng extension kay Ma'am Aguilar para sa namissed mong deadline dahil alam kong may pinagdaraanan ka."


"Aww, Tyne kaya mahal kita eh." Halos mangiyak naman ako sa mga narinig ko mga ginawa niya saakin sabay yakap sakanya ng paside.


"Pero hindi sapat para sabihin mo yung sekreto mo noh?" Sarcastic na sabi niya.


"Sorry na."


"Nakakainis ka! Alam mo bang ang loner ko nung wala ka at hindi ako makakain ng maayos dahil nag-aalala ako sayo!" Hinampas muna niya ako bago niyakap nang mahigpit sa leeg, "Sa susunod kasi wag nang maglihim noh? Lalo na kung may pinagdaraanan ka, andito lang ako! Walang masama sa ginawa mo, okay? Inggit lang sila dahil maganda yung kinalabasan ng glow up mo. And as your friend, tanggap kita kahit ano ka pa noon."


"Ako rin, andito lang din ako para sayo." Sabi ko at hindi na maiwasang maluha habang magkayakap kami.


Ilang minuto kaming nakaganito, halos lahat nga ng mga napapadaan ay napapatingin na saamin eh pero wala kaming pake. Namiss namin ang isa't isa eh at ang gaan gaan sa pakiramdam nito. Naghiwalay lang kami nung biglang tumawag na sila Kim saakin dahil hinahanap nila ako kasi uuwi na raw kami.


For the whole week, naging busy ako para habulin yung mga namissed kong activities and stuff. Mas nag-focus muna ako sa pag-aaral ko bago yung pageant dahil mas importante yun para saakin. Sinubukan ko na rin tapusin in advance yung mga kailangan gawin for next week dahil next week Sunday na yung pageant.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now