Chapter 43 : Friendly Date?

Start from the beginning
                                    

"Oh" simpleng sabi niya. Nakarinig ako ng footsteps na pababa ng hagdan at tiningnan ko. Si Cassidy pala.

"BILISAN NIYO NA OMG KAYO" sigaw ni Cassidy sa amin at umakyat ulit

"Orio mauna ka na. Gagawa muna akong snacks niyo" ani ni Kisha at palakad na sana sa kusina nila kaso pinigilan ko ito

"Oh no you don't have to. Tinawagan ako ni Cassidy kasi mag gagala rin kami. Tutulungan ko siya sa vlog niya" paliwanag ko. It's true. Bestie needs an assistant right now thats why tinawagan niya ako sa gitna ng gabi.

"Ah.. sige" sabi ni Kisha kaya umakyat na kami pareho. Medyo tumahimik pero naalala ko may gusto nga pala sabihin si Neon kay Kisha

"Want me to call Neon then? He wants to talk to you eh" tanong ko kaya tumigil ito para tumingin sakin ng nakakunot ang noo at umiling. Kaya napatigil rin ako pero binalik nito ang tingin sa hagdan kasi baka madapa pag akyat at tuloy tuloy na kaming nakaakyat

"N-no" she stuttered. She's obviously mad at Neon. Pero baka naman may pupuntahan rin siya

"Bakit may pupuntahan karin ba?" tanong ko pero she hesitated kaso umiling ulit

"wala" simpleng sabi niya kaya nilabas ko ang phone ko

"Then let me call him" magdadial na sana ako ng numbers pero natigilan nanaman ako

"no" sabi ko kaya napabuga nalang ako ng hangin at binalik ang phone sa bulsa. Geez okay then

"fine" simpleng sabi ko, rinig ang disappointment sa boses ko. Medyo disappointed kasi gusto ko makakita ng drama ngayon eh bakit ba? Hindi joke lang. Sabi ni Void pagbatiin ko daw yung dalawa, nakakapagtakang yun pa yung naging task ko. Pasalamat sila anghel ako eh

Nakapasok kami sa isang room. Simple lang ito. Bed, bookshelves, a random little plant placed near the window and a little radio also placed at the window. Nakatie naman yung green curtains sa magkabilang side ng window. May mga papel at libro na nakakalat sa sahig kaya medyo nahirapan akong lumiban. Nasa sahig rin ang pen holders.

Nakaluhod naman si Cassidy sa bed ni Kisha at nakaupo si Stacy sa edge ng bed. Inaayusan nito si Stacy ng buhok habang naglabas naman si Kisha ng makeup sa drawer. Triny ko galawin yung radio.

"Sandale walang battery yan" sabi ni Kisha at kumuha narin ng battery sa drawer at nilagyan ito tsaka nabuhay.

Nagana pa pala? mukha na kasing luma

"Madam Cassidy. Anong plano naten?" tanong ko habang si Cassidy naman ay tinanggal sa bibig ang black na pang ipit at inipit kay Stacy na ginagamit lang ang phone niya habang nakacharge

"Vlog lang naman around the park" paliwanag ni Cassidy na focused parin sa pagtatali ng buhok ni Stacy pero may pa hand signs pa siya

"Dun rin kami pupunta eh?" sabi ni Stacy na binaba ang phone niya katabi ng isang maliit na nighlight at lamp sa night stand

"Lipat kayo" pang aasar ni Cassidy kaya napangiwi nalang si Stacy. Kisha chuckled at the both dahil sanay na siya sa mga ito

"Boang" simpleng sabi ni Stacy

"Pero si Kisha ba may pupuntahan rin?" tanong ni Cassidy kay Kisha na umupo ulit ng cross-legged sa sahig at tinaas ang isang ballpen

"Study" simpleng sabi rin nito

"Puro ka nalang study" complain ni Cassidy pero wala naman siyang magagawa eh. Baka naman para sa SSG thingz ginagawa niya hayaan na natin

"Bantayan ko daw yung bahay sabi ni Dad. Grounded pa ako" paliwanag ni Kisha who is already focused on writing some words on the paper and proceeds to put her ballpen behind her ear para kumuha ng pencil ar ruler

"Ay oo nga pala" sabi ko na. Na naalala na grounded si Kisha. Si Void mismo nagsabi nun sa amin. Pero bakit ang tagal naman niyang nakagrounded? Thats harsh?

"And done!" rinig kong sabi ni Cassidy na kakatapos lang ayusan si Stacy ng buhok. At umupo na ng maayos sa kama. Tiningnan siya ni Stacy kaya napatakip nalang si Cassidy sa bibig niya at pinuri si Stacy

"Stacy so pretty OMG KA" napatingin rin si Kisha na nanlaki din ang mata. Not gonna lie ang ganda rin talaga neto ni Stacy. Bakit hindi pa ligawan ni Elixir pakipot pa amp

"So pag sumali ako sa vlog ni Cass instant famous narin ako?" random question ko kay biglang napatingin sakin ang tatlong magkakaibigan

"pa sharawt ako Orio ha?" ani ni Stacy na tinanggal sa pagkakacharge ang phone niya

"Gago" namura pa nga ni Cassidy. Malay niyo naman sumikat ako diba? Vlogger Cassidy tong pinag uusapan natin.

"Sige maya-maya tayo umalis" sabi ni Stacy kaya nag intay muna kami ng unting oras

TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
/ ˶. . ˶
/ づ💌 : I was gone for too long pero hindi ko talaga maipapangakong makakapag update ako ng mabilis. I've been busy sa school pero I'm trying my very best. I really apologize sa mga pagkukulang ko sa readers at sa librong toh since di ako makapag update ng mabilis. Please stay safe and healthy everyone. Thank you so much for still waiting. Didn't proofread, sorry for that.

🖋 : [ 06. 04. 22]

LULLABY Where stories live. Discover now