Chapter 29 : Y and N

125 10 13
                                    

- Ding Ding Dong LOONA
now playing...

─────
Third Person POV
─────

Lumabas si Neon ng cr at napatingin sa dalawang kanina pa naglalaro. Nakaakbay si Elixir kay Stacy habang si Stacy naman ay busy sa paglalaro ng phone ni Elixir.


"Ayun tama, nakuha mo rin" sabi ni Elixir na pinapanood si Stacy. Napangiti nalang ang dalaga kasi proud na nagets niya rin yung nilalaro ni Elixir

"Uy wow third wheel pala ako. Kung alam ko lang edi dapat dinala ko girlfriend ko dito para double date ganon?" ani ni Neon na naglalabas palang ng phone, balak sana picturan yung dalawa. Kaya biglang naghiwalay ang dalawa at binalik ni Stacy ang phone kay Elixir. Napayuko nalang si Stacy sa hiya habang si Elixir naman ay patuloy na naglaro tinakpan ang mukha niya ng phone dahil siya rin mismo ay nagulat kasi masyado na pala silang malapit.

Sumimangot nalang si Neon dahil hindi niya napicturan agad. Umupo ito sa hospital bed at tinago ang phone niya

"Btw bakit parang di rin kayo magkasama ni Cassidy ngayon? Atsaka ano nga pala nangyari kay Cassidy?" tanong ni Elixir kay Stacy kasi napansin niyang biglang tumahimik si Stacy atsaka para rin hindi mabored kasi ang tagal magcharge ng phone ni Stacy.

"Ahhh.. well nagsoju night kami pero okay narin siya. Pinipigilan ko siya pero sabi niya okay lang siya kaya okay lang na magsoju night kami" kwento ni Stacy, habang si Neon naman ay nakinig rin. Tsismoso eh, jok. Nac-curious lang rin.

"oh tapos?" tanong ni Neon

"Isasama ko sana siya dito para rin may kausap ako kaso..." napatigil si Stacy ng maalala kung bakit hindi niya natanong si Cassidy kung gusto rin sumama sa pagbabantay. Napangiti ito

"Kaso?"

"May kabebetime" sabi nito kaya tumango ang dalawang binata. Pero nagtaka rin kung sino ang kabebetime ni Cassidy

"Wdym?"

"Si Pierce andun. Dumating siya kanina tas niyakap si Cass, back hug siya actually tas ulit ulit siyang nabulong ng 'sorry'" paliwanag ni Stacy, kaya walang masabi ang dalawa

"Wow.. wait sino si Pierce?" tanong ni Neon

"Sanaol. I never felt so single in my whole entire life. Btw si Pierce ay pinsan ni Kisha" sabi ni Elixir kaya natawa nalang si Stacy

"Ang cute nga eh. Sayang dapat rin pala napicturan ko huhu. Dapat nung time na yun tsaka ko tatanungin si Cass kaso ayun. Ayaw ko makaistorbo sa bebetime nila" patuloy na pinaliwanag ni Stacy

"Dapat inistorbo mo" pang aasar ni Elixir kaya umiling nalang si Stacy habang sinamaan ito ng tingin ni Neon dahil may time nakakaramdam rin siya ng inis pag iniistorbo siya habang may kebebetime

"Oo tas ikaw sinapak ni Cassidy" ani ni Neon

"Jok lang eh" sumimangot nalang si Elixir

"Kala ko ba magkaibigan lang sila?" tanong ni Elixir ng maalala ang sinabi ni Cassidy na kaibigan lang daw niya si Pierce

"Ewan ko rin eh" nagkibit balikat si Stacy.

"Ooohh tsaa" sabi ni Elixir

"Anong klaseng tsaa yan. Ako kasi may mainit rin na tsaa eh" napatingin ang tatlo ng marinig na may nagsalita. Si Tyco, Scarlet at Orio

Si Orio ay may dalang coffee at ibang pastries galing sa cafe nito.

"Eyyy thank you!" sabi ni Neon at kumain ng isang cupcake

LULLABY Where stories live. Discover now