O23 : Clues In Us

109 8 3
                                    

- Piri ● Dreamcatcher
now playing...

─────
Cassidy's POV
─────

Kakabukas ko lang ng locker. Kanina ko pa iniintay si Pierce. Si Stacy at Kisha dumiretso na sa booth namin.
Its now Day 4 ng foundation day. Gusto daw ni Pierce na mag-gala kami and you know.. have fun playing in the booths.

Pupunta nga daw kami sa Horror House eh pero sabi ko sakanya ayoko. Pumayag ako kasi sabi niya kasama ko daw siya.. medyo nakakakilig.

Pumunta ako sa isang room kung saan walang tao tsaka tumambay muna ako dun. Nakakapagtakang wala na masyadong dumaan na estudyante sa hallway malapit sa room na tinatambayan ko. Sumilip ako sa labas pero may ilan lang na estudyante ang andito. Tapos mag magjowa pa.. yuck dito pa naglandian.

Bumalik ako sa loob ng empty classroom at nagplano na magselfie since ako lang pala andito.. kaya nga empty eh, ay joke. Magiging empty lang pala to pag wala ako dito sa loob.

Kumuha ako ng unting pictures since ang ganda ng suot ko ngayon. OOTD na this. Ang galing rin talaga ni Stacy pumili ng outfit eh.

Umupo ako sa bangkuan at tiningnan ang mga photos. Bigla akong nanlamig....

─────
Stacy's POV
─────

"Where na ba kasi si Cassidy?" sabi ko habang si Kisha ay nag aayos ng mga gamit sa loob ng booth. Humarap ito sakin at nagkibit balikat.

"I dunno, sabi niya kasi sasama muna siya kay Pierce ngayon eh. Baka nagdadate na sila ngayon, ewan" paliwanag ni Kisha at patuloy na inayos ang gamit sa booth.

Naisip ko na baka wala pa since kanina pa nagtetext sakin si Cassidy na wala pa daw si Pierce at hindi niya kasama kaso biglang nag offline si Cass kaya nagtaka ako.

"Hey Ishi" pagtawag ko kay Kisha na humarap ulit sakin at tiningnan ako, nagtataka sa sasabihin ko

"Yeah?"

"Check ko lang if there pa si Cassidy malapit sa locker niya okay? Balik rin ako agad" pagpapaalam ko kaya ngumiti ito at tumango

"Yeah sure" ani ni Kisha sabay umupo sa upuan at pinanuod ang mga estudyanteng naglalakad at nagtatawanan

Nagsimula na akong maglakad at malapit na sana ako sa pwesto kung saan naghihintay si Cassidy kay Pierce pero nagtaka ako bigla kasi wala siya dito. Tumingin ako sa paligid.. may ibang estudyanteng tumatakbo ng mabilis at mukhang naghahanap ng adviser? para saan?

Then I heard a girl shouting and she sounds familiar.. Cass! Sinundan ko kung saan nanggagaling ang sigaw. Ngunit mahirap dahil ang rami rin na mga estudyanteng nagsisigawan at nagbubulungan.. ano bang nangyayari?!

Nakita ko si Cassidy na nagmamadaling lumabas ng empty classroom at mukhang nakakita ito ng kung anong multo. Wait!... oh no...

Pinuntahan ko si Cassidy at nagitla pa nga ito. "Cassidy anong nangyari?" Pag aalalang tanong ko at hindi ito makapagsalita instead pinakita nito ang litratong kinuha niya gamit ang phone niya at kitang kita sa likod niya ang itsura ng isang babae na magulo ang buhok at duguan.. yung kutsilyo ay nakatutok sa ulo ni Cassidy..

Gwen..

"Cassidy kalma, andito ako. Hindi magagawa ni Gwen na patayin ka kung andito ako" Pinakalma ko si Cassidy na takot na sa nakita niya

May mga estudyanteng takbo doon at takbo dito. Pero nagulat rin ako nang makita ko si Tyco na tumakbo rin. Hindi niya ako napansin pero kaya nahawakan ko siya agad sa braso bago pa siya makatakbo ng mabilis

"Tyco anong nangyayari?" Tanong ko, naghahabol siya ng hininga dahil napagod ito kakatakbo

"Elixir... rooftop.." yun lang nasabi nito... hindi.. wag mong sabihin na tatalon si Elixir? Ano bang problema non?!

TO BE CONTINUED..
_____

A/N: Short update kasi nagmamadali ako anyway Sorry for the grammatical errors!

🖋 : [01. 05. 22]

LULLABY Where stories live. Discover now