OO7 : Who's Gwen?

104 15 16
                                    

- WOOWA ● DIA
now playing..

─────
Cassidy's POV
─────

"What did I do in my past life to deserve this?" Sabi ko at patuloy na nagwalis

"Ang laki laki nitong covered court tapos sampo lang tayong naglilinis. Hindi ba ang unfair naman?" Sabi ni Orio at nag-unat

"Oo nga. Tama ka. Ang unfair. Tyco tara" aniya ni Elixir sabay aalis na sana pero nagtaka si Tyco

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Tyco at napangiti naman si Elixir

"Mangdadamay ng ibang estudyante" Sabi nito at ngumisi

"Oo nga tara sama ako" Sabi ni Neon at maghahanda sa sana para umalis

"Neon, Elixir and Tyco" Pagtawag ni Void sa pangalan ng tatlo at maririnig mong seryoso siya sa tono palang ng boses niya

"Wag mokong ma-Neon NEON DIYAN" sigaw ni Neon kay Void kaya nag-echo sa paligid ang boses niya. Si Void ay tiningnan lang siya ng blanko

"Eh anong gusto mong itawag ko sayo?" Tanong ni Void kaya natigilan si Neon

"Sabi ko nga.... pero... wag mo talaga akong ma-Neon diyan! Ikaw tong unang sumapak sakin kaya andito tayo ngayon!" sabi ni Neon kaya natawa lang si Void sa asar

"Ako pa talaga. Diba ikaw yung nagpauna? Tinanong lang naman kita kung bakit ang tanga mo pero ako pinilosopo mo! At dahil ginalit moko sinapak kita kaya eto tayo, nagkaleche leche dahil sayo" Sabi ni Void at halatang napipikon na siya o nagagalit dahil kay Neon

"Ano ba naman kasing klaseng tanong yan. Pupunta punta ka sa teritoryo ko para lang sabihan akong tanga at walang pakiramdam?! Bakit? Dahil ba sa babaeng yun?!" Sigaw ni Neon at tinuro si Kisha sa di kalayuan na nagwawalis

Biglang tumahimik at tumingin si Kisha kay Neon na ang sama ng tingin sakanya

"Ha?" Tanong ni Kisha. Ayan mukhang lutang pa ata tong babaeng toh kaya nilapitan ko ito at binulong na wag nalang siya makinig

"Eh wala naman talaga akong naintindihan sa pinag uusapan nung dalawang yun eh" bulong ni Kisha pabalik

"Oo na. Lutang ka. Naiintindihan kita basta shush ka na ha? Shh lang" Bulong ko pabalik at lumapit rin si Stacy na kanina pa nanunuod sa dalawa magrambulan

"Oh baka naman si Scarlet ang dahilan?" Tanong ni Neon at tumingin kay Scarlet

"HOY BAT AKO NANAMAN HA? TIGIL-TIGILAN MO NGA AKO KUYA" Sigaw ni Scarlet pabalik sa kuya niyang umirap lang

"Sinabi ko bang si Kisha at Scarlet ang dahilan kung bakit tinawag kitang tanga? HAHA tanga ka nga talaga. Tanga!" Sabi ni Void kaya napuno na si Neon at hinawakan si Void sa collar ng polo niya

"PWEDE BA TUMIGIL NA KAYO?!" Pagsigaw ni Harmonia kaya napatingin kaming lahat sakanya at lalong lumakas ang sigaw niya dahil sa echo

"Para kayong mga bata. Kung magsusuntukan ulit kayo. Papayag naman ako basta hindi kami damay sa paglilinis ulet ng court" sabi ni Harmonia na kumalma na at umiling

"I agree with Harmonia. Kahit magsuntukan kayo buong araw. Gusto niyo bigyan ko pa kayo ng kutsilyo, magsaksakan kayo diyan basta di kami damay paglilinis sa susunod ng court" aniya naman ni Scarlet sabay tiningnan ng masama yung dalawang mag aaway nanaman sana

"Scarlet baka hindi lang court.. buong school na" sabi ni Harmonia pabalik kay Scarlet kaya tumawa sila pareho

Lahat ay tumahimik. They're right. Madadamay nanaman kami pag nagbardagulan ulet itong dalawa.

Binitawan ni Neon si Void at nag iwas ng tingin habang si Void ay nagpagpag lang ng uniform at tiningnan lang ng masama si Neon

"Ano ba yan? Bibili pa naman sana ako ng popcorn para lang mapanuod yung dalawa-" natigilan si Elixir ng biglang sikuhin ito ni Tyco

"Kawasat etong TANGA na to. Ingay na ingay. Pikon agad? HAHA" pagsisimula ni Void at hinahamon ulit si Neon ng away

Nagsimula nanaman silang mag away. Ako ay napabuntong hininga nalang. Si Kisha ay nagpatuloy sa pag wawalis at si Stacy naman ay nilabas ang phone at nagscroll muna sa social media. Si Tyco at Elixir naman pinanuod ang dalawa mag away. Umiling si Orio at patuloy na naglinis. Si Scarlet ay pinanuod ang dalawa with disappointment seen in her eyes and Harmonia?

Wait? Where's Harmonia?

"Harmonia? Guys Harmonia is missing" Sabi ko at bigla silang natigilan. Nagulat si Scarlet at tumingin sa tabi niya

"Huh? Katabi ko lang siya kanina?" Nagulat si Scarlet at hinanap si Harmonia

Biglang nagtinginan si Tyco at Elixir na parang natatakot sila. Hinanap namin si Harmonia at di kami naghiwahiwalay.

"Ayun si Harmonia!" Sigaw ni Neon at tinuro si Harmonia sa gitna ng field, mag isa

I ran to her and pulled her

"Harmonia ano bang ginagawa mo dito?!" Tanong ko at tumingin ito sakin at ngumiti. Nagtaka ako bigla.

"Si Gwen. Sabi niya sakin Gwen daw ang pangalan niya. Nanghihingi siya ng tulong" She said and smiled

"Gwen?" Pagtatanong ko habang tumitingin sa paligid. Asan siya?

"Si Gwen. Ayun siya sa may dulo ng field. Hindi mo ba nakikita?" Pagturo ni Harmonia sa dulo ng field kaya napatingin ako. Wala namang tao dun eh. Lumingon ako para tingnan ang iba kong mga kaibigan na narinig ang sinabi ni Harmonia

Ang iba ay nagtataka pero si Tyco at Elixir biglang namutla. Si Stacy naman kanina pa seryoso ang mukha.

"Harmonia.. walang tao dun" Sabi ko

"Ha? anong wala? ayun siya o" pagpilit ni Harmonia

"Harmonia walang tao dun maniwala ka sakin. Di ko siya nakikita" Sabi ko kaya binaba niya ang kamay niyang nakaturo at tumingin sakin habang nakasimangot

"Kanina pa niya ako tinatawag eh sabi niya 'Harmonia tulungan mo ako' puro sugat siya kaya naawa ako at gusto ko sana siya tulungan. Hanggang sa sinundan ko siya dito sa field" Aniya, bigla akong kinilabutan kaya tumingin ako sa ibang nakinig sa usapan namin at nagulat sa mga sinabi ni Harmonia

"May naririnig rin akong kanta kanina. She was humming a lullaby song. Di ko makita ng maayos yung mukha niya kanina eh" pagtuloy ni Harmonia

Lullaby??

TO BE CONTINUED..
─𔘓⁩────

A/N: Sorry for the slow update 😅

🖋: [08. 21. 21]


LULLABY Where stories live. Discover now