"Psstt" pag sitsit niya ng makita niya ang lalaking kausap niya kanina sa rooftop, hindi niya alam ang pangalan ng binata kaya hanggang pag sitsit na lang ang kanyang nagawa

agad siyang pumunta sa puwesto nila pansin pa niya na tinanggal ng binata ang pag kaka akbay ng kasama nito sa balikat nito

"Bakit?" tanong sa kanya ng binata, ang lalaking kasama naman nito na sa tingin niya ay kaibigan ay tahimik lamang na nakinig sa kanilang pinag uusapan

"Mag usap tayo" sagot niya, kailangan niya talagang maka usap ang binata, hindi pa siya kunbinsido sa mga sinabi nito sa kanya kanina, nag tatalo ang kanyang isip dahil sa mga sinabi nito, meron sa kanya ang naniniwala siya sa sinabi nito at meron din na hindi, baka ginogood time lamang siya, pero ang gusto niya lamang mag yare ngayon ay maka usap ito at makita ang sinasabing bata

"Tungkol saan?" tanong ng binata sa kanya na mabilis niya rin namang sinagot

"About us" sagot niya sa binata, sana lang ay wag itong mag isip ng kung ano sa kanyang sinabi, dahil ang ibig niyang sabihin ay gusto niyang pag usapan ay ang tungkol sa bata

"Walang tayo-oo" hindi na niya pinatapos pa ang binata sa sasabihin nito dahil bigla na lamang niya itong hinila, hindi na nito pinansin ang kasama nitong kaibigan

"Ano bang gusto mong pag usapan?" naiinis na tanong sa kanya ng binata, nasa may parking lot sila ngayon, sa likod ng kotse niya para hindi masyadong kita, nasa dulo kasi ito

"Gusto kong makita ang anak mo" sagot niya dito, 'yun naman talaga ang pakay niya wala ng iba pa

"Hindi bat, hindi ka rin naman naniniwala? bakit gusto mo pang makita? para saan pa?" tanong ng binata sa kanya, natahimik siya

"Gusto ko lang siyang makita" sagot niya dito, gusto niya itong makita baka kasi gumana ang sinasabi nilang lukso ng dugo

"Wag na, hindi na kailangan" sagot sa kanya ni Gabb

"Gusto kong ipa DNA ang bata" pag amin nito, para maliwanagan siya kung totoo ba na may anak na talaga siya

Bahagya namang tumawa sa kanya si Gabb, "bahala ka" sagot nito sa kanya

"Tara!" aya niya kay Gabb at saka binuksan ang kotse na nasa tabi nilang dalawa

"Turo mo na lang sa akin ang daan" saad niya pa sa binata na ikinatango na lang nito, ilang minuto din ang naging biyahe nila bago sila maka rating sa nasabing bahay ni Gabb, sa loob kanina ng kotse ay hindi sila nag uusap si Gabb ay naka tingin lang sa labas ng bintana habang siya ay fucos sa pag mamaneho

"Dito mo na lang iparada" saad ng binata sa kanya at saka na una ng bumaba, sinundan niya ito papasok sa hindi kalakihang bahay

"Ma pa, andito na po ako" saad ng binata sa kanyang mga magulang, hindi naman simagot ang mga ito at naka tingin lamang kay Theon

"Gabb sino 'yang gwapong kasama mo?" panunuya ng ina ng lalaki, napatawa siya dahil hindi nag sisinungaling ang babae, totoong gwapo siya, so Gabb pala ang pangalan niya, aniya sa kanyang isip

"Ahh, si Gabb po, school mate ko" sagot ni Gabb sa ina nito

"Good evening po ma'am" pag bati niya sa mama ni Gabb, ngumiti ito sa kanya

"Good evening din hijo, maupo ka at ikukuha kita ng maiinom" tugon sa kanya ng ina ng lalaki,

tinanguan lang naman niya ito, nilibot niya ang kanyang paningin masasabi niyang hindi kalakihan ang bahay ng lalaki pero malinis ito

napatigil siya sa kanyang pag mamasid ng mag salita ang lalaki na sa tingin niya ay ito ang tatay ni Gabb

" 'yan ba ang ama ng apo ko?" tanong nito kay Gabb, natigilan si Theon dahil may hawak na itak ang lalaki, kailangan niyang mag ingat sa kilos nito at sa kanyang salita baka lumabas siyang wala ang dalawang ulo, pero sa tingin naman niya ay mababait ang mga ito

"Pa" saad ni Gabb sa ama, at saka ito bumaling sa kanya

"Ano pag pasensyahan mo na si papa, kakatapos lang niya sigurong mag tabas sa bakuran kaya may dala siyang itak" saad sa kany ni Gabb marahil ay napansin nito ang kaba niya, sino ba naman kasing hindi

"Na saan po si Gael ma" tanong ni Gabb sa ina na kasalukuyang nasa kusina pa rin, malapit lang naman ang paggitan ng puwesto nila kaya naman nag kakarinigan pa rin sila

Sino naman ang Gael na ito? tanong niya sa isip

"Nasa kwarto, nakatulog kakaiyak kanina ka pang hinahanap" saad ng ina sa kanya

"Sige po, sisilipin ko muna ang anak ko" paalam nito sa Gabb

kinabahan siya na naeexite makikita na niya ang bata.



HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon