Chapter 5: Take Me With You

Comenzar desde el principio
                                    

"What?! Argh! Hindi mo ba talaga ako kilala?" Hindi na maipinta ang kanyang mukha sa sobrang sama ng kanyang expression.

"Nope. At wala akong balak na kilalanin ka."

She let out a loud groan. "Oh come on, papasukin mo na kasi ako sa unit mo. "

"Hindi pwede. Baka mamaya ay masama ka palang tao. Nakawin mo bigla ang mga gamit ko." I looked at her boredly. Why is she so eager na pumasok sa unit ko? There's something off. Mukhang may gagawin syang kakaiba.

"Argh! Mukha ba akong magnanakaw sayo?"

I shrugged. "It depends." Hindi ko sya lubusang kilala.

She stomped her feet na parang isang batang hindi pinagbigyan sa kanyang gusto. I wonder kung nasaan napunta ang katarayan at kasungitan nya.

"Aish. Dali na kasi. Paano na lang kung nandyan pa pala 'yung creepy old man sa tabi-tabi?" She said. Napahinto ako dahil doon. May point sya.

Baka mamaya ay maisipang bumalik ng lalaking 'yun. I didn't noticed that I'm clenching my fist.

She heaved a sigh. Isang malungkot na expression ang nakikita kong nakapaskil sa kanyang mukha. "It's fine. Sino ba naman ako para maawa ka sa akin? I'm just a nobody to you."

Napaarko ang isa kong kilay. Akala nya siguro ay madadala nya ako sa ganitong pag-arte nya.

"Sige na, hindi na kita pipilitin. Aalis na ako."

Hindi ko inantay pang maka-alis ang babaeng nasa harapan ko. Mabilis akong tumalikod at nagsimulang maglakad papunta sa aking condo unit. Kaya lang ako pumunta ng 7/11 kanina ay dahil may kulang sa ingredients na kailangan para sa gagawin ko.

I opened the door. Akmang isasarado ko na sana ang pintuan nang marinig kong may sumigaw.

"Wait a minute!" Hindi pa ako nakakaalma nang walang pasintabing pumasok ang babaeng kinaiinisan ko.

"Bakit ba ang kulit mo?" Napahilot ako sa aking sentido. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

"Na-uh. Hindi ako makulit. I'm gorgeous." She plastered a mischievous smirk. Prente syang nakaupo sa couch at talagang nakadekwatro pa.

Napailing na lang ako sa kawalan. Hindi ko na sya dapat pinagtutuunan ng pansin. Feel at home na feel at home na sya eh.

I made my way towards the kitchen. Iluluto ko na lang 'yung sauce dahil napalambot ko na ang pasta.

Minutes later, naamoy ko na agad ang mabangong aroma.

I started to prepare my plate.

"Hmm... What's that smell?" Saad ng kung sino. "Oh my, you're cooking something pala. Ano 'yan?"

Napapikit ako nang mariin. Aish. Andito nga pala ang isang ito.

"Creamy chicken carbonara." I said at inilapag sa table ang kinuha kong pagkain.

"Pwedeng patikim?" With that, napatingin ako sa kanya. Her gaze is fixed on the carbonara. Mukhang gustong-gusto nyang kumain.

"Ayoko." Lihim akong napangisi nang isang ideya ang pumasok sa aking isipan. I made sure na matatakam sya sa gagawin ko. In this way, makaganti man lang ako sa kakulitan nitong babaeng ito.

I used my fork and started to eat. "Hmm... Ang sarap. So creamy." Kitang-kita ko kung paano sya napalunok. She's gawking my food.

Napasapo ako sa aking dibdib nang padabog syang umupo sa harapan ko.

"Argh! Hahayaan mo lang bang magutom ang asawa mo?" Magkasalubong na ang dalawa nyang kilay. Irritation was written on her face.

"As far as I remember, wala akong asawa at single na single ako." I'm just stating a fact. Nananaginip ata ng gising ang isang ito.

"Really? Then ano 'yung sinabi mo sa lalaki kanina? Why did you said that I'm your wife?"

Napahinto ako dahil doon. I bit my lips. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung bakit ko 'yun sinabi. Kusang lumabas na lang sa bibig ko ang salitang 'asawa'.

"Fine. Kumuha ka na lang plate roon. Wag na wag mong isipin na guluhin ako."

She let out a loud squeal. Halatang-halata sa mukha nya ang saya. Parang nagniningning din ang kanyang mata. Ugh! Parang bata.

"Thank you so much for this, Paris." Nakangiti nyang turan. Parang naestatwa ako sa aking kinauupuan. She called me by my name and yet, hindi ko pa naman 'yun sinasabi sa kanya.

But wow, mas lalo syang gumaganda kapag nakangiti.

Ngayon lang ako nakakita ng isang witch na nakangiti ng ganito kalapad.

She leaned closer. Naramdaman ko na lang na may dumamping malambot na bagay sa aking pisngi. She kissed me.

I was dumbfounded. Napatulala ako. Parang hindi kayang iproseso ng utak ko ang ginawa nya.

I looked at her once again, busy na syang kumain ng carbonara.

"Thank you for this. Ang sarap. Pasado ka na bilang asawa ko, Paris." She said at nagthumbs up pa.

Napailing na lang ako sa kawalan. Napakakulit nya talaga kahit kelan. I started to just mind my business.

"Wipe that thing on your face." I said nang mapansin kong may sauce sya malapit sa kanyang labi.

"Ang kalat mong kumain." Dagdag ko pa. Kitang-kita ko kung paano sya napahinto. Namumula rin ang kanyang pisngi. Ano bang tumatakbo sa isipan nya?

"Ikaw na ang magtanggal." Utos nya.

"Ayoko. Wala tayo sa mga movies at libro. Kaya mo na 'yan." I said and raised on of my eyebrow.

"Dali na. Ang snob mo talaga kahit kelan." Nakanguso nyang turan. She's using her pretty puppy eyes on me.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. "Okay fine."

Gamit ang aking panyo, dahan-dahan kong pinunasan ang sauce malapit sa kanyang labi.

Nakakatunaw ang klase ng titig na ipinupukol ni Autumn sa akin pero hindi ko na lamang 'yun pinansin.

"Since hinayaan mo akong kumain ng carbonara, isheshare ko sayo ang ice cream na binili ko." She said. Oo nga pala, may binili rin sya sa 7/11.

Ibinigay nya sa akin ang isang gallon ng ice cream. Tahimik na kinuha ko ito. Hmm... Masarap ang flavor na kinuha nya.

"Here, tikman mo 'to." Inilagay nya sa harap ng aking bibig ang isang kutsara na may lamang ice cream.

"I don't want to." At umiling-iling pa. Hindi ako bata para subuan nya.

"Aish. Come on, eat it." Pero pinanatili ko lang na tikom ang aking bibig.

Maya-maya pa ay nakita ko na lang na tumapon na sa akin ang ice cream.

"Look, tumapon na tuloy sayo." She said.

"Magpapalit na lang ako ng damit." I stood up. Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman kong hinawakan nya ang aking kamay.

Autumn gulped. "Ako na ang magtatanggal ng damit mo, Paris."

Love-struckDonde viven las historias. Descúbrelo ahora