"Iwan ko na lang 'to sa table niya," wika no Zia at inilapag sa table. Napasinghap siya nang pag-ikot niya ay nasa harapan na niya ang binata. "S—Sir," aniya na biglang sumibol ang kaba sa dibdib. Yumuko ang binata habang nakatitig sa mukha niya. Napaatras siya nang isang hakbang nang iangat nito ang kanang kamay at tinanggal ang suot niyang salamin. Isinuot ng binata pero agad namang inalis sa mga mata.

"May grado ho," aniya. Muling ibinalik ni Reon sa kanya ang salamin.

"Kaya pa bang maayos na hindi ka na magsalamin?"

"Sabi ho ng optha noon, kailangan ko pong ipa-laser."

"Pero hindi mo ginawa. Why?"

"Wala ho akong pambayad. forty to sixty thousand po ang hinihingi para sa lasik noon," magalang na sagot niya. "dahil kailangan daw i-reshape ang cornea ko."

"Oh," ani Reon at tumango.

"L—Labas na ho ako," paalam ng dalaga pero hinarangan siya ng binata. "M—May kailangan pa ho ba kayo sa akin?"

"Natatakot ka ba sa  akin, Miss Mendez?"

"H—Hindi naman ho," sagot niya at tiningala ang boss. "N—Naiilang lang po ako kasi boss kita."

"Ganoon ba? Ano ba ang gagawin ko para hindi ka mailang sa akin?" tanong ni Reon.

"Wala ho," sagot ng dalaga na nanigas nang hawakan ni Reon ang magkabilang balikat niya saka yumuko para magpantay ang mukha nila. Inilapit ni Reon ang labi sa kanang tainga ng dalaga.

"Don't worry, Zia, hindi kita kakainin hangga't walang pahintulot mo," bulong ni Reon kaya napatitig ang dalaga sa mukha ng binatang lumayo na sa kanya at umayos ng tayo.

"A—Ano ang ibig mong sabihin?" clueless na tanong niya kaya natawa si Reon.

"Maiwan na kita, Zia. May gagawin pa ako," paalam ni Reon at lumabas na ng silid ni Mr.Arnold. Nanghihinang napaupo si Zia sa silya. Naguguluhan siya sa mga ikinikilos ni Reon. Ganito rin ba ito sa ibang working student?

Nang makabawi sa sarili, tumayo siya at lumabas saka bumalik sa opisinang nililinis niya.














---------------



Kinabukasan, maaga pa siyang nagising kahit na kaunti lang ang tulog kagabi dahil sa kakaisip kay Reon.

"Aalis ka na?" tanong ni Petra nang bumangon ito.

"Oo, kailangan kong matapos ang lahat ng office sa second floor," sagot niya.

"Sino ang kasama mo?"

"Ako lang," sagot niya dahil nagpaalam ang kasamang maglilinis na uuwi sa Lucena.

"Ganoon ba? Sige, ingat ka. Magsisimba ako mamayang hapon," sabi ni Petra. Si Petra ang isa sa doormate niya. Apat sila sa kwarto rito sa dorm at pareho silang working students pero ang mga ito ay working student ng mismong Westbridge university.

"Thanks."

Kinuha niya ang itim na backpack at lumabas ng dorm saka nag-abang ng jeep patungo sa gusaling pinagtatrabahuhan.

"Morning!" bati niya sa security guard. "Wala pa ang kapalitan mo?"

"OT ako ngayon hanggang mamayang alas diyes," sagot ng guard na anim na taon nang nagtatrabaho rito.

"Okay po. Kape ka muna, Kuya," aniya saka pumasok na sa ikalawang palapag saka nagsimulang maglinis. Bintana ang una niyang nilinis.

Napalingon siya sa dalawang lalaking pumasok na parehong malalaki ang katawan.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon