My mother, Yvonne Clarkson. She is a pure Filipino. My mother's maiden name is Fortaleza. I copied my body from her. Maganda talaga ang katawan ni Mommy. And my father, Matthew Clarkson, is being possessive when it comes to my Mom. Siguro, takot si Daddy na may ibang lalaking naaakit si Mommy dahil sa pangangatawan nito. Para sa akin kasi, kung titigan ko si Mommy, parang wala lang siyang anak.



Kaya siguro ang ganda ko dahil namana ko ang kagandahan ko kay Mommy. And of course, my eyes, my green eyes was from my father. My father is a half German and half American. My grandma is a German and my grandpa is an American. Green eyes are symbol of nature. Akala pa nga noong una ng iba ay may contact lenses ako, pero sinabi ko naman sa kanila na may lahi akong American at German.



Well, if someone's wondering why I became a playgirl. Kay Daddy siguro ako nagmana. He was a playboy, not until he met my mother. I don't know their story well pero masaya ako para sa kanila. Nakikita ko naman kasing totoong mahal nila ang isa't-isa.



Sometimes, while staring at my parents, there's a million reasons why I want to be successful in life. Kahit ganito man ako, kahit kontrolado man ako ng mga magulang ko, alam at ramdam kong hindi sila nagkulang sa akin. My parents love me and I do love them. Masaya ako kahit papaano kasi sila ang naging magulang ko.



"Dad, Mom... I better go now." Nang makababa sa hagdanan ay iyan ang sinalubong ko sa aking mga magulang.



Shit! I felt embarrassed for them right now! My father is hugging my mother from the back! Hindi pa rin kumakalas si Daddy sa yakap niya kay Mommy kahit nasa harapan na nila ako. Ngumiti lang sa akin si Daddy at hinalikan pa ang leeg ni Mommy. Ngumisi sa akin si Mommy kaya umiwas ako ng tingin.



"Focus on your lessons, Ellai, okay? No boys for today," si Dad.



"Dad," angal ko sa kaniyang pangalan. "I am bored---"



"Ellai, tama na 'yang panlalaki mo. Baka may isang may gusto sa 'yong schoolmate mo at baka magselos pa 'yon!" Mom joked.



Pinagtutulakan talaga nila ako sa love life-love life na 'yan. Umiling na lang ako kay Mommy at tiningnan si Daddy. Nakatitig sa akin si Daddy na parang may gustong sabihin pero nanatiling nakatikom lang ang kaniyang bibig.



"Dad... Uhm... may sasabihin ka ba?" ako na mismo ang nagtanong sa kaniya. "Mukhang may sasabihin ka kasi sa 'kin, Dad."



Bumuntong-hininga siya. "I have a business partner and he has a son, his only child... uhm..." His eyes darted on my mother who's also listening to him. "His child, si Sky... Hanred Skynard is older than you for years. Mabait iyon, masipag, magalang---"



"W-What do you mean, Dad?"



Don't tell me, ipagkakasundo niya ako sa anak ng business partner niya?! Oh no! That can't be! Ano? Aabot ba 'to sa arrange marriage?! No! I won't let that happen! Gosh! Where's my freedom now?!



Umiling na lang si Daddy. "Sa susunod na lang nating pag-usapan 'to, Ellai. Masyado pang maaga kung ito ang pag-uusapan natin ngayon. At marami rin akong---" Dad cut off when his phone on his pocket suddenly rang. He sighed. "Wait, I will answer this first."



Nilabas ni Daddy ang kaniyang cellphone galing sa kaniyang bulsa at kaagad na kumalas sa yakap ni Mommy 'tsaka kami tinalikuran at dumiretso sa kusina para sagutin ang tawag. Humalukipkip ako bago tumingin kay Mommy.



"Ano'ng ibig sabihin ni Daddy, Mommy?" I asked my mother.



"I don't know." She shrugged and looked away. "Siya na ang bahalang magsabi sa 'yo, Ellai."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now