I can feel his chin leaning against my shoulder. I don't even know why I am letting him embrace me this way. Ni hindi man lang ako umaalma.

Paano ka aalma kung alam mo sa sarili mong ito rin naman ang gusto mo, Isha? Ang hinahanap hanap mo sa mga lumipas na taon?

"Sinabi ko bang nagseselos ako? Kailan? Saan? Hindi ko matandaan."

He chuckled. "Kailangan ba kitang ibalik sa kusina para maalala mong umamin ka mismo sa akin? Na nagseselos ka?"

Hindi na naman ako nakasagot. Parang kahit ano naman ang sabihin ko sa kaniya ay may panglaban siya. Kahit noon, hindi ako umuubra sa kaniya.

"Hanggang doon lang naman 'yon, Nero. Nagseselos ako pero walang ibig sabihin 'yon-"

"Shut up..." putol niya sa akin sa malambing na tono. He doesn't sound angry despite his accent. He sounded more like he's not going to tolerate my bullshits anymore. "You would only feel jealous when you're still in love with that certain person."

No words rushed down my lips. Wala akong ideya sa dapat na isagot gayong alam namin parehas na tama siya.

"Mahal mo pa rin ako hanggang ngayon..."

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at huminga nang malalim. Wala nang dahilan pa para magsinungaling at iligaw siya sa katotohanan. Bago pa man ako makaisip ng paraan, huli niya na ako.

"Paulit ulit tayong naghiwalay pero tama ka, mahal pa rin kita hanggang ngayon..." Natawa ako. "Walang nagbago. Kahit alam kong hindi tayo puwede."

"Is this still about my family?"

"Sila lang naman palagi ang dahilan, Nero. Alangan namang si Gwyneth. Sabi mo hindi naman kayo."

Humigpit ang yakap niya sa akin bago marahang bumuntonghininga. Ramdam ko ang mukha niya sa gilid ko. Isang lingon ko lang ay alam kong magtatama ulit ang mga labi namin.

"Ikaw lang ang babaeng gusto kong balikan gaano man kasakit ang pinagdaanan natin..." marahan niyang bulong. "Na sa kabila ng pangit na nakaraan na mayroon tayo, mas nangingibabaw pa rin ang magagandang ala-ala."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi para sana pigilan ang pag-iyak ngunit madali na itong umalpas sa mga pisngi ko.

Nero must have felt me silently crying when he made me turn around and faced him. Nakatungo, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at iniangat ang aking mukha. I had no choice but to look into his eyes.

"Mahirap para sa'yo ang balikan ako dahil sa pamilya ko pero ipipilit ko pa rin, Isha. Paulit ulit ko pa rin ipipilit ang sarili ko sa'yo hanggang sa magdesisyon ka nang umuwi pabalik sa akin..." bulong niya, ang mga noo namin ay magkalapat habang marahang hinahaplos ang pisngi ko. "Please let yourself be happy again with me. Hayaan na natin ang mundo umayaw sa atin. Ikaw, ako at si Skyler lang ang importante."

Hindi kaagad ako nakasagot. Mahihinang hikbi ang pinakawalan ko, ramdam ang kaguluhan sa isip at puso. Nagtatalo sa kung ano ang dapat gawin. Pero alam ko na sa mga sandaling ito, umayaw man ang isip ko, pagbawalan man ako nito sa kagustuhan kong pagbigyan ang sarili na sumaya sa kaniya, bulong pa rin ng puso ko ang mangingibabaw.

"Can we try again, baby?" he asked softly. "Please."

I stared into his glassy eyes. The reflection of the moonlight was shining in his brown orbs. And the way he looks at me is already making a promise that this time, there will be no anger, doubt and uncertainties. Only love that will lead us to eternity.

I smiled at him and nodded my head. "Sige na nga."

Walang salita ang namutawi sa mga labi niya, titig na titig lang sa akin na para bang tinatanya niya kung nagsasabi ako ng totoo.

It was then he lowered his head and breathed a sigh. Nag angat siyang muli ng mga mata at walang salita akong kinabig para yakapin. I wrapped my hands on his waist and hugged him back.

"Finally..." marahang bulong niya sa tainga ko habang mahigpit na nakayakap. "Akin ka na ulit."

Matunog akong ngumiti.

"Sa'yo lang naman talaga ako kahit pa noong maghiwalay tayo. Hindi ako nagmahal ng iba, Nero. Ikaw ang una... at ikaw lang gusto ko hanggang sa huli."

His embrace became even more tight like the words I have said are already too much for him.

"Let me rephrase it then," bulong niya at bahagyang humiwalay mula sa pagkakayakap para titigan ako sa mga mata. "Akin ka lang..." Dinala niya ang kamay sa pisngi ko at marahan itong hinaplos. "Palagi."


Complete chapters available on Warranj VIP group for only 150. To avail the membership, you can message Warranj Monasterio on Facebook. :)

Monasterio Series 7: The Dare Not to Fall is also available there. ❤️

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon