🗡️39🗡️

31 0 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Lumabas naman na kami ng palasyo at naka-disguise kami ngayon. Malawak ang plaza nila kaya medyo natagalan kami ng kaunti. "Dito po tayo papasok." sabi ni Monica. Huminto muna ako bago tignan ang lugar. Isang eskinita ang papasukan namin.

Pagpasok namin ay puro taong nakaupo ang nakikita at isa lang ang itsura nila. Lahat sila ay buto-buto at wala halos makain. Ang iba siguro dito ay galing pa sa ibang lugar at dahil walang bumili ay itinapon nalang sila sa tabi hanggang sa mamatay.

"Dito po kami lumabas noon ng prinsipe." turo ni Monica sa isang gusali na halos bago ang itsura. "Ngunit hindi na ako pwede pumasok dyaan dahil may marka nila ako." sabay pakita niya sa akin ng braso niya.

I clicked my tongue. "Ako na ang bahala rito. Hintayin mo nalang ako sa bungad." tinanguan naman na niya ako at iniwan. Kumatok ako ng tatlong beses sa may pinto hanggang sa bumukas ito. "Ano ang kailangan mo?" tanong nito sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang tao sa akin. Isa siya sa mga dumampot sa akin noon! "Sabi po kasi nila ay naghahanap po kayo ng tauhan? Gusto ko po sanang sumali?" tinignan naman niya ako mula paa hanggang ulo saka binuksan ng mabuti ang pintuan.

Mabuti nalang at may alam si Monica sa lugar na ito. Noong una pa nga ay ayaw niyang umalis kami na dalawa lang kami kasi mapanganib pero sinabi ko sakanya na isang akong knight at ako ang papasok at hindi siya kasama.

Pumasok ako sa loob at kapareho nito ang gusali na napuntahan ko. "Maghintay ka rito." turo niya sa isang bakanteng upuan. Imbes na umupo ay nilibot ko ang paligid dahil puro litrato ng mga babae ang nakasabit.

"Hoy! Pumasok ka na sa opisina ng boss!" sigaw ng lalaki kanina. Sinundan ko naman ang tinuturo niyang opisina. Kumatok muna ako bago pumasok. "Magandang araw po." tinignan lamang niya ako pero hindi pinansin.

Kinalmahan ko nalang ang sarili ko. "Sigurado ka ba na pasukan ito?" tanong niya sa akin. Tinanguan ko naman siya. "Opo." magalang na sagot ko. "Magiging escort ka ng boss natin ng isang linggo tapos ng anak niya." nginitian ko siya at tumango.

"Kailangan ko munang makita ang lakas mo." sinenyasan niya muna ang nasa likod niya na sugurin ako. Mabilis naman akong umilag at sinuntok siya sa tyan. Napangiwi ito pero hindi dito natatapos ang pagsubok.

Sumugod ito na dala ang isang upuan kaya nilabas ko ang espada ko ko pero hindi ko tinanggal ang shealth niya bagkus isinapak ko ito sakanya sabay tukod sa kanyang dalawang paa saka siya binigyan ng isang tusok sa pressure point niya.

Mabilis itong natumba sa floor at pumalakpak ito. "Pasok ka na. Ano nga uli ang iyong pangalan?" tanong niya sa akin. Shit! Wala akong pangalan na inisip. "Cyrus po." bigkas ko. Bakit iyon ang nasabi ko?! Elise naman!

"Sige Cyrus. Bumalik ka bukas at pag-uuspan natin ang magiging trabaho mo sa amo natin. Hindi pa kami mahigpit sa ngayon pero bukas dito ka na titira kaya dati ka na magpaalam sa pamilya mo." malamig niyang sabi. "Sige po."

Lumabas naman na ako ng gusali at sinalubong si Monica. Halatang hindi siya makapakali dahil naiwan akong mag-isa doon. "Kamusta? May sugat ka ba? Sinaktan ka ba nila?" dere-deretsyang tanong niya sa akin kaya natawa nalang ako. "Lady Elise!" naiinis na tawag niya sa akin kaya nahinto ako.

"Don't call me that outside." Pabulong kong sabi sakanya. Ramdam ko na may nakasunod sa amin. "May kakilala ka ba dito na pwede nating matuluyan ngayong gabi?" tanong ko sakanya. "Meron. Yung nobyo ko dito lang siya sa malapit nakatira," tila nababasa na niya ang utak ko kaya nagsimula na siyang maglakad.

Gaya ng sabi niya ay hindi malayo rito ang bahay ng nobyo niya. Kumatok ito sa pinto at niluwa nito ang isang matipunong lalaki. "Monica?" takang tanong niya sabay tingin sa akin at kumunot ang noo niya. Mabilis na niyakap ni Monica ang lalaki at tila may binulong kaya nanlaki ang mata niya at pinapasok kami.

"Dito nalang kayo matulog sa gabi," sabi niya sa akin sabay abot ng isang tasang kape. "Kung okay lang sayo." sagot ko. "Okay lang sa akin pero paano ang prinsipe?" tanong ni Monica. "Ikaw na ang magpadala ng liham sakanya patungkol sa pinasok ko."

Dati na ako gumawa ng liham bago kami umalis ni Monica. Alam kong delikado itong ginagawa ko pero wala nang makakapigil pa sa akin. Inabot ko naman na ang liham kay Monica at itinago niya ito sa kanyang bulsa.

Sumapit ang gabi at dito na nga kami natulog. Bago ako umalis ay kinausap ko pa si Mario na kapag may lumapit sa kanya na lalaki o babae at nagtanong kung sino ako ay sabihin niyang malayong pinsan niya at isa akong ulila na naghahanap lang ng trabaho.

Bumalik naman na ako sa gusali at pumasok sa opisina ng boss ko. "Andito ka na pala. Maupo ka," turo niya sa bakanteng upuan. "Itong organisasyon natin ay illegal. Wala ng balikan dahil kung babalaking mong ngayong umalis ay papatayin namin ang pinsan mo."

Kunwari ay kinabahan ako para hindi nila mapansin. "Huwag po. Siya nalang ang nag-iisang pamilya ko." ngumisi naman ito. "Ngayon hindi ko sasabihin sa'yo ang tunay nilang pangalan pati ang kanilang pagkatao pero malalaman mo ang kanilang mga alyas."

Naglabas siya ng apat na litrato sa akin na parehong nakatakip ang pang-itaas na mukha. Agad kong nakilala ang apat na 'yon! Si Duke Daimos, Crissa, Audrey at si Queen Felissa! "Ngayon at nakita mo na ang litrato nila ay dalawa dyan ang sasamahan mo." agad niyang kinuha ang litrato saka itinago sa lamesa niya.

"Ang lalaki sa litrato ay si Hermes, yung may maskarang yellow ay si Flower, ang white naman ay si Moon at ang panghuli ay si Spice." gusto kong matawa sa pangalan ng mag-ina pero hindi ko magawa. "Isa silang pamilya at ang mga anak nila ang iyong sasamahan," imbes na kabahan ay malapit na pala ako sa katotohanan.

Nakita ko naman ang banner na nakasabit sa taas ng bintana niya at binasa ito. "Ang ibig sabihin niyan ay 'Dethrone the royaly and the nobles will rule'." sabi nito sa akin at iniwan ako sa lamesa. "Ito po ba ang main branch natin? Ano po ang madalas na transakyon dito?" tinaasan naman niya ako ng kilay. 

"Hindi mo talaga alam kung ano ang pinasok mo bata at dahil mabait ako ngayon ay sasabihin ko sa'yo." bumalik siya sa upuan niya at humarap sa akin. "Madalas na transaksyon natin ay babae sa casino, gambling, droga, at pagbebenta ng alila." nakangising sabi niya.

Gusto ko siyang patayin ngayon dahil parang tuwang-tuwa pa ito sa ginagawa. "Ngunit sa ngayon ay wala tayong transaksyon dahil nahuli ang isang branch natin dahil sa pesteng Alteria na yan kaya ibinalik sa Casterios ang main base."

May bago na akong lead sa kaso namin. Kumpirmadong anti-royals ang pamilya ni Lamentia. Gusto kong makuha ang mga litrato pero bantay sarado ito ng boss ko. "Bago ko malimutan kailangan ko pala itago ang gamit ni Hermes bago makita ng iba." dali-dali siyang tumayo at inayos ang isang bag at inilagay sa ilalim ng lamesa niya.

"Wala kang nakita Cyrus. Subukan mo lang ipagkalat ang mga nakita mo ay hindi ka na sisikatan ng bukas. Lumabas ka na at gumawa ka nga ng trabaho hindi yung nakatambay ka rito! Bwisit!" gaya ng sabi niya ay lumabas na ako pero may iba akong plano.

Lets find more evidence...

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightWhere stories live. Discover now