🗡️16🗡️

35 0 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Pagkarating namin ng estate ay dinala namin ang bangkay ni Cecilia sa Knight's Area. Biglang lumitaw si Perry sa harap namin at nagulat nang makita niya na ang bangkay na nasa harapan niya ay ang kapatid niya pero hindi siya gumalaw sa pwesto niya.

"Don't you have anything to say?" malamig na sabi ni Light. "None sir!" poker face niyang sabi. Hindi man lang siya nakaramdam ng hinagpis sa sinapit ng kapatid niya? "Escort the head knight to the interrogation room," sabi ko. Hindi naman umimik si Perry at sumunod na lamang.

Tinanguan ko ang dalawa at alam kong kaya na nilang gawin ang task kaya bumalik na ako ng mansion. Nadatnan ko pa nga doon si Louis at hindi ko inaasahan na andoon pa ang prinsesa.

"Welcome back my lord," bati ni Audrey sa akin. How ironic? She can respect me when I'm Elizar but can't when I'm being me. I just nodded my head to her and looked at Louis. "How's the hunt?" tanong niya. Tinignan ko lang siya at umiling.

He just looked down for a second then nodded. "Excuse me," pagkatango nila ay umalis na ako pero hindi ko inaasahan na susundan ako ni Louis sa kwarto ko. "What happened?" mabilis niyang tanong pagkatapos niyang isara ang pinto. I sighed

I put my sword down and unbuttoned my vest. "The traitor died." tinaasan naman niya ako ng kilay. "She took the pills that took her life at alam ng grupo nila na nasa kostodiya kita dahil sa head knight," nanlaki ang mata niya at napailing. "I miscalculated everything." sabay tingin ko sa bintana

"But before she died she told me the name of the group," nilingon ko naman siya at hinarap "Détrôner la royauté et les nobles régneront, does that ring a bell?" umayos siya ng upo. I don't know what it means but I know its in another language.

Tinignan ko naman ang prinsipe at nag-iisip ito. "It's french," nanlaki naman ang mata ko. Ibig sabihin isang french ang founder ng grupo "And it means 'Detrone the royals and let nobles rule'." now I see.

They want the prince dead. Mabilis akong pumunta ng study ko at sinulat ang pangalan ng grupo at dinikit ito sa wall. Kumuha rin ako ng litrato ni Louis pati na ang reyna kasama si Audrey.

Queen Isabella is born royal from the kingdom of Gabriella while the king is pureblood royal that makes Louis to be the crown prince. While the other queen which is Felissa is born from a ducal family which makes Audrey as half-royal and half-noble.

They want Princess Audrey to succeed the throne! But before that they need to kill Louis in order for their plan to succeed! Nilingon ko naman siya at napahawak sakanya pero mabilis kaming nagkatinginan at bumitaw ako at lumayo

Shit! I'm acting like Elise! "I'm sorry. I'll explain things to you later. Sa ngayon samahan mo muna ang kapatid mo," tinitigan niya lang ako saka tinanguan at lumabas ng silid. Sinampal ko naman ang sarili ko "Umayos ka Elise! Hindi pa oras!"

Napailing nalang ako. Wala akong sapat na ebidensya na ang faction ng mga nobles ang nagbabanta sa buhay ng prinsipe. Namatay rin si Cecilia na isa sa maaaring patunay.

Bumalik na muna ako ng silid ko at nagbihis ng malinis na damit bago hinarap ang prinsesa sa lobby. "I'm sorry for my late appearance." paumanhin ko. "Ako nga dapat ang mag-sorry since nandito ako muli," nakangiting sabi niya.

Pinulupot ni Audrey ang mga kamay niya sa braso ni Louis at napansin ko ang pagngiwi niya. "Count Cyrus, please reconsider." kumunot naman ang noo ko at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Napansin ata ni Audrey na naguguluhan ako

"I proposed to him. He can live with me and leave Elise. No offend my lord pero I can give Sir Cyrus a higher title if he agrees to marry me." nakangiting sabi niya. "Pardon me my lady but I decline. Mahal ko si Elise and I can't leave her," malamig niyang sabi

I can't help but smile. Aminadong kinikilig ako pero hindi pwedeng ipahalata. "Hindi ka aangat sa kanya. You can be a prince or a king if you just marry me. Wala kang mapapala kay Elise. I am beautiful than her and most influenced in our social circle. I also have higher status than her!"

Napailing nalang ako. Tinignan naman ako ni Louis. "Tama ka. You're beautiful, a princess and most influence which Elise doesn't have." bigla akong nasaktan doon kaya napayuko nalang ako para pigilan ang luha ko. My hands are trembling already.

"But you know? Kahit wala si Elise ng mga sinasabi mo she have someone who loves her deeply. She have her family, the servants love and adore her, all people in the duchy loves her and I love her very much." nagtama ang tingin naming dalawa at hindi ko namalayan na may tumulo ng luha sa mata ko

Tumingin naman siya kay Audrey na ngayon ay naluluha na. "She have something you don't have. I'm sorry princess but I must decline your proposal." hindi na sumagot si Audrey basta nalang ito nag-walkout.

"Now tell me. Why did you cry?" napatingin naman ako sakanya. Shit! Hindi ko ito in-expect! "Thank you for defending my sister," sabay ngiti ko. Nginitian din naman niya ako at tumango.

Umalis naman na ako ng lobby at bumalik sa silid para magpahinga saglit daghil ilang araw na akong walang tulog pero bago 'yon ay ipinaghanda muna ako ni Pia ng pampaligo ko kaya hinubad ko na ang vest ko pati na rin ang polo na suot ko at ang bandage na nag-iipit ng dibdib ko.

Bigla akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko kasi ito sinusuot sa loob ng bahay kapag ako si Elizar. Sinusuot ko lang ito kapag lalabas ako para mag-inspect sa duchy. Ngayon lamang ito nagtagal ng ganito.

I dipped myself sa bathtub. It felt nice at ramdam ko ang pagod ng mga muscles ko. I tired myself so much. Umalis muna ako sa tub para hugasan ang katawan ko saka bumalik sa tub. I just relaxed myself in the water.

Marami akong iniisip ngayon. Tungkol sa prinsipe at sa kapatid ko. How can I manage this things? Mahirap ang gustong mangyari ng aking lolo. Baka oras na para humingi ako ng tulong patungkol kay Elizar?

"Elizar?" bigla akong nataranta ng marinig ko ang boses ni Louis. "Yes, your highness?" sagot ko saka nagmamadaling tumayo ng tub at hinablot ang bathrobe pero nagkamali ako ng lakad kaya nadulas ako

"Okay ka lang? I will enter now!" nanlaki agad ang mata ko. "No! I'm okay! Please call Roel instead please!" hindi ko na siya narinig pa kaya sinubukan kong isuot ang roba ko. "My lord I'm coming in." nagkampante naman ako ng marinig ko si Roel.

Bumukas naman ito at niluwa si Roel pero hindi ko inaasahan na meron din si Louis. Tutulungan na sana ako ni Roel pero nagulat ako ng si Louis ang bumuhat sa akin. Tinignan ko naman si Roel at napailing na lamang ito.

"I'll take it from here your highness," sabi ni Roel pagkatapos akong ilapag ni Louis sa higaan. "Ang gaan mo naman Elizar." panunukso niya. "Hindi ka ganyan noong mga bata pa tayo." nagulat kami pareho ni Roel sa sinabi niya.

"You weigh like a woman."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightWhere stories live. Discover now