🗡️8🗡️

41 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Nilisan ko na ang lugar dala ang dalawang bata. Tears are flowing dahil hindi ko sila natulungan. I do want to help them pero hindi pa ngayon ang oras para isuplong sila.

"Kuya, huwag ka na pong umiyak." sabi sa akin ng bata. "Anong pangalan mo?" tanong ko. "Ako po si Ethan. Limang taong gulang habang ito ay si Aliah dalawang taong gulang." napahawak nalang ako sa labi ko.

"Gusto niyo bang makasama muli ang magulang niyo?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa saka ako tinanguan ni Ethan. "Sige bukas na bukas ay ipapakuha ko ang magulang niyo pati na rin ang mga kapatid mo. Ako na ang bahala sakanila."

Mabilis silang lumapit sa akin at niyakap nila ako ng mahigpit. Tinali ko sa harap ko si Aliah habang nakatali sa likod ko si Ethan. "Kayo na ang bahala rito. Gawin niyo ang lahat para makuha ang listahan ng mga bisita rito pati na rin ang pangalan ng alila." parehong yumuko ang dalawa

Mabilis kong pinatakbo ang kabayo dahil malapit na rin sumapit ang umaga at kailangan ko ng bumalik.

Pagkarating ko doon ay sinalubong ako ni Jake kasama si Zalen. "Kayo na ang bahala sa dalawa. Ethan, Aliah. Silang dalawa ay pamilya ko kaya sila muna ang bahala sainyo ha?" tinanguan naman nila ako

Iniwan ko na ang mga bata sa dalawa saka dali-dali dumaan sa bintana ko at nagpalit ng damit saka humiga ng kama ko at pinilit matulog.

Naalimpungatan ako ng biglang lumubog ang kama ko kaya mabilis kong nailabas ang dagger ko na nakatago sa ilalim ng unan ko. "Chill! Ako lang to," sagot ni Louis. Binaba ko naman ito napahilamos ng mukha

"Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga pa?" tanong ko sakanya pero tinaasan naman niya ako ng kilay. "Tanghali na. Kanina ka pa namin ginigising ni Pia." nanlaki naman ang mata ko at tinignan ang labas. Shit!

"Sige lumabas ka na at mag-aayos na rin ako." hinalikan naman niya ako sa pisngi bago ako iniwan. Ginawa ko naman na ang daily routine ko saka lumabas ng bahay

Nakita kong masayang naglalaro ang dalawang bata. "Ethan! Aliah!" mabilis silang nagtago sa likod ng puno. Nako Elise! Hindi ka nila kilala. "Ako ang kapatid ng nagligtas sainyo kagabi." tinanguan naman nila ako

Tinawag ko naman si Rosa at inutusang hanapin ang magulang ng dalawa. "Jake."  tawag ko sakanya ng makita ko siyang dumaan. "Hanapan mo naman kami ng bahay sa farmer's village. Salamat." nag-bow naman ito sa akin bago umalis

"Ate ganda." nilingon ko naman ang dalawa. "Bakit ambait niyo po sa amin?" tanong nito sa akin. "Dahil mababait kayo. Bakit mo natanong?" balik ko sakanya.

"Meron po kasing mga nobles na tulad niyo na masama po ang ugali." nagbuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. "Dahil hindi perpekto ang mundo bata." napalingon kaming tatlo sa nagsalita

Umupo ang prinsipe sa tabi namin. "Nandyan na ang mananahi. I'm done getting my measurements. Your turn." sabi niya. Tinanguan ko naman siya. "Ethan, iwan ko muna kayo dito ha?"

Umalis naman na ako at bumalik sa bahay. Inumpisahan naman na nila ako kuhanan ng sukat. "Lady Elise?" nilingon ko naman si Rosa na kadarating lang. "Natunton ko na ang pamilya ng dalawa at nasa labas na sila." tinignan ko lang ito

"Sige. Pakainin mo sila. Susunod ako. Tatapusin ko lang ito. Sa study ko na sila kakausapin." tinanguan naman niya ako bago kami iwan. Mabilis nilang kinuha ang sukat ko.

"Paki-gawan pala si Count Cyrus ng iba't-ibang klase ng damit para sa klase ng okasyon. Salamat." sabi ko bago sila iwan.

Pumunta na ako ng study at nakita ang mag-asawang naghihintay sa akin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." sabi ko. Kita ko sa mga mata nila ang kaba at takot.

"Alam niyo bang ang pagbenta ng bata ay may malaking pataw?" tanong ko. Pareho silang tumango "Kinailangan naming gawin 'yon dahil wala na kaming makain." sagot ng ina. "Nai-kwento nga sa akin. Nasaktan ba kayo?" tanong ko.

Nagkatinginan silang mag-asawa. "Masakit para sa akin bilang ama na ibenta ang mga maliit kong anak. Ang panganay kong babae ay may sakit dahil siya ay ginahasa ng paulit-ulit ng dati naming amo saka ito iniwan ng malamang nabuntis nito." sabi ng ama

"Natanggal kami sa trabaho dahil sinapak ko ang amo namin dahil pati ako ay balak niya ring galawin." sabi ng ina. Kaya naman pala ganoon ang tanong ni Ethan sa akin. "Ayaw man naming gawin ang ibenta sila pero kailangan din ng gamot ng aking asawa't anak," naiiyak na sabi ng ina

"Pero hindi ibig sabihin noon ay ibebenta niyo ang mga bata." napasapo nalang ako sa noo ko dahil andito nanaman si Louis. "Mr. and Mrs.?" tanong ko sa mag-asawa "Ako po si Gina at si Lito." sagot ni Gina

"My name is Cassandra Elise Alteria and you are at my estate. Ang lalaking ito ay si Count Cyrus Philip Gil. Matalik na kaibigan ng aking kapatid at aking nobyo." pagpapakilala ko.

"Pasensya na po." sabi ng mag-asawa sabay yuko. "I'm giving you both a job that last for a life-time." tinignan naman nila ako pareho "Paumanhin Lady Elise pero pareho kami ng asawa ko na hindi marunong magsulat at magbasa." umiling naman ako.

"Huwag kayo mag-alala. Bibigyan ko kayo ng sarili niyong matutuluyan at sasakahin pero hindi ito libre ha?" nginitian naman nila ako. "Maraming salamat po!" sabi nila pareho sabay yuko

"Rosa?" lumitaw naman ito sa may pinto "Sabihan mo naman si Jake na hanapan sila ng bakanteng bahay sa Farmer's Village at pakisamahan na rin sila. Salamat." tinanguan naman niya ako.

Sumunod naman ang mag-asawa at walang sawang nagpapa-salamat sa akin. "Gawain niyo talaga ito?" tanong ni Louis sa akin. Tinignan ko naman ito "Yes. We do this every time when we see fit to help them."

Tumayo ako at nilapitan ang bintana at pinanood din ang pinapanood niya sa labas. Ang pamilyang inabuso ng iba. "There's more in this world." sabi ko.

"Elise! Tignan mo nga itong alaga mo. Malaki na ito masyado para sa higaan niya!" galit na sabi ni Pia sa akin. Tinignan ko naman si Snow at medyo malaki na rin ito.

A white tiger that is being pet by humans. "I'm sorry Pia. Magpapakuha ako ng bagong hihigaan niya." tinanguan nalang niya ako saka iniwan.

"Snow c'mon outside." sinundan naman niya si Louis. Napataas nalang ako ng kilay dahil mas sinusunod na niya si Louis kaysa sa akin. Sinundan ko naman sila sa labas at nadatnan pa ang pamilya doon

"Sa village niyo may maliit na paaralan doon. Kung gusto niyong matuto um-attend lang kayo ha?" sabi ko habang nakangiti. "Salamat ate ganda." sabi ni Ethan sabay yakap sa akin pero nagulat ako ng biglang may humila sa akin at pinalupot ang kamay niya sa baywang ko

"This is mine." napairap nalang ako. "Bata yang kinakausap mo." saway ko sakanya. "Paalam ate ganda!" kumaway nalang ako sakanila at pinanood namin hanggang sa mawala sila sa aming paningin.

Bumitaw naman na si Louis at hinarap ko naman siya. "Is that really necessary?" tanong ko sakanya. Nagkibit-balikat naman ito bago ako iniwan. Napailing nalang ako dahil doon.

"I hope one day there will be peace in this place so people can live freely," sabi ko bago pumasok ng bahay

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon