🗡️27🗡️

32 0 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Tahimik lang ako sa hapag-kainan habang maingay naman ang ibang mga kasama namin. Light is behind me standing guard habang si kuya ay kumuha ng pagkain ko.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni lolo. The prince is already engaged to another princess. Kung sabagay hindi naman ako prinsesa at wala akong title na pwede kong panghawakan. Kapatid ko lang dahil siya ang lalaki at tagapagmana ni ama.

"Kumain ka na at magpalakas. Huwag mo na munang isipin ang sinabi ng Heneral," sabi nito saka umalis sa tabi ko. Siguradong kakausapin niya ang lolo tungkol doon.

Mahigpit na bilin din ni Cea kay Light na deretsyo ako babalik sa tent ko at hindi papalapitin sa prinsipe. Hindi rin naman ako baliw para lapitan pa ang prinsipe. Kailangan ko na ring umalis at bumalik sa fief.

Tinapos ko agad ang pagkain ko at muling bumalik sa tent ko. Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil bukas na bukas ay aalis na rin ako hindi ko na patatagalin pa. Saglit lang naman ang pag-aayos ko dahil wala naman akong halos dala noong pumunta kami rito.

Nilibot ko muna ng tingin ang tent ko at nahagip ng paningin ko ang lamesa ko. I should write something for him. Lumapit ako sa lamesa ko at kinuha ang tinta at gumawa ng sulat.

Habang ako ay nag-susulat ay inaalala ko lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Minsan ako ay napapangiti na lamang habang sinusulat ang mga ito hanggang sa tumulo na lamang ang luha ko.

Ito na ang huling beses na matatawag ko siyang akin. Dahil simula pa lang ay talo na ako sa laban na ito. Dito na rin sa sulat na ito ang puputol sa anumang relasyon meron kaming dalawa.

Nang matapos ko ang liham ay hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha. Tumayo naman na ako at lumabas. "Saan ka pupunta?" tanong ni Light.

"Babalik na ako sa atin. Pakihanda naman ang aking kabayo. Iaabot ko lang ito kay Sir Leon," tinignan naman niya ang hawak ko saka dahan-dahang tumango at iniwan ako.

Naglakad naman na ako papunta sa tent ng prinsipe at mabilis akong hinarangan ng mga guwardya. Malamang nautusan na sila ng lolo na bawal akong lumapit sa prinsipe.

"Sir Leon!" tawag ko sa lalaking nasa labas ng tent. Mabilis naman itong napalingon at lumapit sa akin. Ibinababa naman ng mga guwardya ang sandata nila. "Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na bago ka makita ng iyong lolo."

Napasilip naman ako sa tent nila at andoon nga ang lolo dahil naroon din ang mga kawal niya. "Aalis na ako ngayong gabi. Pakiabot na lamang ito sakanya. Maraming salamat."

Binigay ko lang sakanya ang liham at hindi na hinintay ang sasabihin pa. Mabilis akong umalis sa lugar at pinuntahan si Light sa stables kung saan hinihintay niya ako kasama ng kabayo ko. Sumakay ako agad ng kabayo at tinignan si Light.

"Ako na bahalang magsabi sa kanila. Mag-iingat ka," nginitian ko naman siya saka siya tinanguan. Sinampal naman niya ang papwitan ng kabayo kaya tumakbo na lamang ito. Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya ng maayos.

Nagtagal lamang ng tatlong araw ang lakbay ko dahil na rin sa hindi naging maganda ang klima. Narating ko na rin ang border ng Alteria Dukedom at isa-isa naman ako binati ng mga tao sa amin. Nakakalusaw ito ng puso dahil ito ang mga taong natulungan namin.

Sinalubong naman ako ni Amelia, Roel, at Pia kasama ang granny ko. "I heard everything from your brother." bungad niya sa akin. I just gave her a small smile pero hindi ko in-expect ang ginawa niyang pagyakap sa akin. "I'm sorry you have to go through that pain alone. I should've been there for you, to comfort your broken heart."

With what she said as if that's the cue to cry. Iniyak ko ang sakit ng puso ko sa aking lola. She just stayed there for me not saying anything like she always do. For once, she acted a real grandmother to me.

"Magpahinga ka na muna. We should prepare you for tomorrow's event." napakunot naman ang noo ko dahil doon. "The young Lady Silver Spring's engagement party. Alam kong hindi mo palalagpasin ang engagement party ng iyong kaibigan." I nodded. Kailangan rin ako ni Silver doon

"Granny. Prepare me well because tomorrow that party will be my battlefield." I smirked. She grinned. "That's my warrior."

Mabilis ang takbo ng oras at dumating na ang araw ng engagement party. "You look perfect." sabi ni granny. I looked myself at the mirror. This is the first time I gawked to myself. "You look like your mother." she said. I just smiled at that thought.

"Handa na ba ang little warrior ko?" I looked at her and lifted my dress. "Ofcourse. Lagi akong handa." she smiled. "Now off you go. "Wag kang magpapatalo sa kanila. This will be your official social debut. Show them what an Alteria is," I nodded at her and left the room.

Sasamahan ako ni Amelia sa event as she will be my lady-in-waiting. Hindi ko naman ito kailangan pero pinilit ni granny at Pia because I will need her there. Wala na rin akong nagawa kaya pumayag na lang.

We arrived at the estate within an hour. Maraming bisita ang dumating. Siguro bigatin ang fiancee ni Silver. Pagpasok namin sa loob ay binati kami ng head butler at maraming napapalingon sa gawi ko. Samu't-saring komento rin ang naririnig ko patungkol sa akin dahil sa biglaang pagdating ko at pag-iiba ng pananamit.

"Elise!" masayang sigaw ni Silver. Mabilis ko naman siyang binati at inabot ang munting regalo ko sakanya. "Hindi ka na sana nag-abala pa. Halika at ipapakilala kita sa mapapangasawa ko." hinila naman niya ako at narating namin ang hardin nila kung saan ginaganap ang party.

Lumapit naman agad si Silver sa lalaki at may binulong ito. Sabay naman na silang naglakad papunta sa amin. "Elise this is my fiancee Derek." papakilala niya sa akin. Inabot naman ni Derek ang kamay niya sa akin na siya namang tinanggap ko.

"Greetings to the Lady of Alteria Household. I am Marquess Derek Trions," bigla akong nanlamig nang marinig ko ang apelyido niya. "Are you perhaps related to Duke Trions?" deretsyang tanong ko. Sasagot na sana siya nang may nagsalita sa likod ko. "Yes, we are cousins."

Napalingon naman ako sakanya and looked at him. "Welcome back my lady." kinuha niya na lang bigla ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Gulat ako sa ginawa niya pero hindi ko ito pinahalata. Duke Zeke Trions, the man who pursue me up to this day to be his bride which I always decline.

"It's good to see you too, Duke Trions." sabay bow ko. "No need to be formal, my lady. Just call me by name like you always do." sabi niya habang nakangiti. Oh god! This is really indeed a battlefield. "Elise. Come here." tawag ni Silver at andoon na siya sa lamesa niya. Hindi ko naman na pinansin si Zeke at pumunta na kung na saan si Silver.

"You saved me." sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. Natawa na lamang siya sa akin. "Look whose here?" napaikot naman ako ng mata. I just got rid of the other one and another came. "Greetings to you, princess and to her minions." sabi ko sabay talikod.

Hinawakan naman niya ako sa balikat at hinarap sakanya. "How dare you turn your back against me? I'm the princess!" inirapan ko naman siya. "Ikaw man ang prinsesa hindi ikaw ang star ng event. Wala ka sa palasyo Princess Audrey. So please behave yourself."

Tinalikuran ko na siya ulit pero hindi talaga sapat sakanya ang sinabi ko hinawakan niya ako ulit sa balikat at hinarap sakanya sabay sampal sa akin.

"What a fascinating scene."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightWhere stories live. Discover now