🗡️38🗡️

26 0 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Today is the day we depart. Wala na kaming naging communications ni Louis after that party. No news either except that they announced their engagement with the Trivañia Kingdom. Alam kong wala na akong karapatan para masaktan dahil kasalanan ko ang lahat ng ito pero sana naintindihan man lang niya na I did this not only for our country but also for him.

"Ready ka na?" tanong sa akin ng kapatid ko. I nodded as an answer. Thank goodness that my brother was there that night and he comforted me. Hindi niya ako iniwan hanggang sa tumigil ako kakaiyak. "I'll miss you," sabi niya sa akin.

Lumapit naman ako agad sakanya at niyakap siya. "I'll send letters." nakangiting sabi ko. "Aba dapat lang dahil hindi ko na makikita ang bawat galaw mo at hindi ko na rin makikita ang pagbabago mo." he sadly said.

"Enough with the drama. Hinihintay na ako sa baba. Nakakahiya naman kay Prince Gabriel." tinanguan naman niya ako at tinulungan sa dalawang suitcase ko. Pagdating namin sa harap ng bahay ay tinulungan ako ng tauhan ni Prince Gabriel.

Bago ako pumasok sa loob ng karwahe ay nagpaalam akong muli sa pamilya ko. Prince Gabriel talked to them for a while bago siya pumasok rin sa loob. "Are you ready?" tanong niya sa akin. I nodded at him. Ready na ang isip ko pero ang puso ko hindi.

I waved at them goodbye pero nahinto rin ang pagkaway ko nang makita ko ang isang pamilyar na piguro at lungkot sa kanyang mukha. Napansin niya yatang nakita ko siya kaya mabilis itong tumalikod at umalis sakay ng kanyang kabayo.

Why do you have to see me leave? Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Prince Gabriel ang mukha ko. "I just wiped your tears," sabay abot niya sa akin ng panyo niya. I took it and wiped my tears dahil tuloy-tuloy na ang buhos nito.

This is my first time na malalayo sa pamilya ko bukod sa digmaan noong nakaraang linggo. "I hope you will love staying in our kingdom." malungkot na sabi ni Prince Gabriel. Hindi ko siya nasagot dahil busy pa ang puso kong masaktan.

Makalipas ang ilang araw na byahe ay narating na namin ang kaharian nila. We are welcomed by its citizen at natutuwa ako dahil napakagiliw nila. They love and adore their prince. Binaba pa nga ni Prince Gabriel ang bintana niya para kumaway sa mga tao.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng homesick dahil doon. Ilang minuto ay narating na rin namin ang palasyo nila. "My parents are still on vacation but they already know that you'll be staying here with us," explain niya sa akin. Tinanguan ko nalang siya.

"This is Albert, our head butler. He will be showing you where you'll stay. If you need anything else in your stay. Let me know." tinanguan ko nalang siya ulit. Wala pa kasi ako sa mood na kumausap. "This way, Miss." 

Sinundan ko naman si Albert papunta sa east hallway at lumabas kami ng palasyo. Dinaanan pa namin ang garden bago namin narating ang destinasyon. "This is the Rose Palace, you'll be staying here. A maid will be here in a minute to assist you here." magalang na sabi niya.

"Thank you Albert. I think I'll be fine on my own now. tinanguan naman niya ako. "Then I shall take my leave." umalis naman na ito saka ako pumasok sa loob ng palasyo. Inikot ko ang paningin at amoy palang ay tamang-tama na sa pangalan nito.

Inakyat ko naman ang second floor at natagpuan ko agad ang magiging kwarto ko. Umupo ako agad sa gilid ng kama at nilapag sa tabi ang espada ko na nakabalot pa sa tela. Sa lambot ng kama ay inihiga ko doon ang sarili at nakatulog.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng kaluskos sa loob kaya mabilis kong minulat ang aking mata at isang dalaga ang bumungad sa akin. "Magandang gabi. Ako po si Monica ang magiging maid niyo po." pakilala niya sa sarili.

Sinuri ko naman siya at pansin ang nginig sa kanyang kamay. "Harmless ako. Lumapit ka Monica." pansin kong nakahinga siya ng maluwag bago lumapit sa akin. "My name is Cassandra Elise Alteria but you can call me Elise," nakangiting sabi ko rito.

"Lady Elise," tawag niya sa akin. Bigla ko tuloy naalala sila Amelia at ang iba dahil sa tawag nila. "Handa na po ang hapunan, Lady Elise." tinanguan ko naman siya saka sinundan. Hindi ko pa nalibot ang bahay kaya sinabi ko kay Monica na samahan niya ako papunta doon.

Pagkarating namin ay ang daming pagkain ang nakahain. "Monica, sabayan mo na ako sa pag-kain. Hindi ko mauubos ang lahat ng 'yan." umiling naman si Monica sa akin. "Bawal po. Ang turo po sa akin na mahuhuling kumain ang tulad namin,"

Napabuntong hininga nalang ako. Naalala ko sila Jake at Zalen sa kanya. Ganyan na ganyan din sila noon. "Sumabay ka na. Kapag sinabihan kita na sumabay ka sa akin ay sumabay ka na dahil hindi naman ako tulad ng iba. I share my table with our servants in fact hindi pa nga servants ang turing ko sakanila kundi pamilya."

Nginitian naman niya ako at sinabayan na rin sa wakas. Hindi ako sanay sa pagkain nila rito pero masasanay rin ako. "Taga saan ka pala Monica?" tanong ko. Gusto ko siyang makilala since siya ang makakasama ko sa pagtira ko dito.

"Taga-Casterios po ako pero ibinenta ako dito. Mabuti lang at nabili ako ng prinsipe noong napadaan siya doon." mabilis kumunot ang noo ko. "Ibig mong sabihin sa isang slave auction ka nanggaling?" napatingin naman sa akin si Monica na puno ng pagtataka.

Kumuha ako ng malapit na gamit at sinubukang gawin ang logo. "Ito bang logo ay pamilyar sayo?" biglang bumahid ang kaba at takot sa mukha niya ng makita ito. "Monica?" mabilis siyang napatayo at lumayo sa akin.

"Paano mo nalaman ang mga yan? Isa ka ba sakanila?" deretsyang tanong niya. Umayos naman na ako ng upo at tinanggal ang logo sa lamesa. "Tulad mo ay taga-Casterios rin ako." paninimula ko. "Tinawag ako ng prinsipe rito dahil pareho kami ng hangarin na sugpuin ang organisasyon na ito."

Sumubo naman ako ng kinakain ko at nag-iisip na ng plano. "Kaya po pala pamilyar ang inyong apelyido," sambit niya at bumalik sa kinauupuan niya kanina. "Natatandaan mo pa ang lugar kung saan ka binili noon ni Prince Gabriel?" tanong ko.

Tinignan naman niya ako at tinanguan. "Pero mapanganib ang lugar na 'yon. Hindi tayo maaaring pumunta roon ng walang pahintulot ang prinsipe." sagot niya. "Sige ako ang bahala." mabilis kong tinapos ang kinakain ko at bumalik ng kwarto.

Kinabukasan ay nagpunta ako sa main palace para kausapin si Prince Gabriel. Mabuti nalang at naabutan ko siya bago ito umalis para sa monthly inspection niya. "Yes, Lady Elise?" tanong niya sa akin. "Gusto ko sana pumunta sa auction house kung saan nabili mo si Monica." tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Why are you asking me?" tinaasan ko rin siya ng kilay. "I just told you in case you find me. Isa pa gusto ni Monica na magpaalam ako sayo bago kami pupunta." napatango naman siya agad. "Do you need some companion?" tanong niya pero napailing nalang ako. "I can manage,"

"Okay. Suit yourself then. Monica will give you your allowance. The currency here are different from yours," I just nodded at him and left. Bumalik naman na ako sa Rose Palace at nagpalit ng damit ko na komportable.

Nagulat pa nga si Monica sa itsura ko. "Saan ka pupunta, Lady Elise?" tanong niya. "Saan TAYO pupunta, Monica. I got permission from the prince." nakangiting sabi ko. "Wag ka mag-aalala. We'll go in disguise."

"Kukuha lang po ako ng cloak natin." sabi niya saka ako iniwan. Nilabas ko naman na ang espada ko sa pagkakatago sa tela. "I miss you old friend,"

~~~~~~~~~~~~~~~

Princess KnightΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα