🗡️25🗡️

37 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Nagising ako sa loob ng selda. Panaginip lang ba ang pagdating nila Louis? "Okay ka lang ba Elise?" tanong ni Loida sa akin. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa at niyakap sila ng mahigpit. Huli ko silang nakita ay ginagahasa sila ng mga kawal.

"Okay ka lang ba? Wala ka na bang sakit?" umiling naman ako sa tanong ni Rena. "Kung ganoon ay tatawagin lang namin ang kapatid mo." kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Loida. Inayos ko naman ang tingin ko sa paligid at doon ko lang napansin na hindi pala ito ang selda kundi ang kwarto ko sa loob ng campo.

"Ilang araw akong walang malay?" tanong ko kay Rena. Tinignan naman niya ako at parang nag-hesitant pa siya na sabihin sa akin. "Mahigit tatlong linggo ka ng tulog. Masyadong malalim ang natamo mong sugat. Ilang araw ring tumaas baba ang lagnat mo." napahawak naman ako sa lalamunan ko.

Inabutan naman ako agad ni Rena ng tubig at mabilis ko itong ininom. "Kumain ka muna ng lugaw. Paparating na ang kapatid mo," sabi ni Loida na kapapasok lang. "Kamusta naman kayo?" tanong ko habang ako'y kumakain.

Tinignan naman nila ang isa't-isa. "Aalis na kami ngayon, Elise." napahinto naman ako dahil doon. "Saan kayo pupunta?" nag-aalalang sabi ko. "Going to our fief. Roel awaits for their arrival." napatingin naman ako sa kapatid ko na kapapasok lang sa loob ng tent ko.

Akmang tatayo pa sana ako para salubungin siya ngunit hindi ko magawa kaya siya nalang ang lumapit sa akin. "Don't stand up yet. You need to rest." tinanguan ko naman siya but then he hugged me tight.

"Wag mo na kaming papakabahin ng ganito. I don't know how will I face our parents if something happened to you." biglang kumirot ang puso ko kaya hindi ko na napigilan pa ang umiyak.

The truth is I'm scared. Tinatatagan ko lang ang loob ko noong mga oras na hawak ako ng kalaban. I always cry every night hoping that someone will save me. "Iiyak mo lang yan." sabi nito dahilan para mahagulgol pa ako.

We stayed like that for half an hour hanggang sa mailuha ko na lahat. "Okay ka na?" my brother asked. Dahan-dahan naman akong tumango sakanya. "What happened when I was asleep?" hinawakan naman ni kuya ang aking kamay.

"Binantayan ka ng prinsipe." I am dumbfounded when I heard that. Why would Louis stay by my side? Siya ang commander ng troops. Hindi ba't pagod na siya? "Why would he do that?" tanong ko. Umiling naman ang kapatid ko. "You should know that already." kumunot naman ang noo ko

"Ihahatid ko lamang ang mga babae sa wagon. Babalikan kita dahil mag-uusap pa tayong tatlo." tinanguan ko na lang siya dahil kilala ko na kung sino ang pangatlo. Paniguradong makakarinig ako ng masasakit na salita sa matandang 'to!

Inihiga ko nalang ang katawan ko at tumingin sa kisame. Itinaas ko ang kanang kamay ko at napansing sobrang payat at putla ko. Nawala na ang dating pangangatawan ko. Paniguradong tutuksuhin nanaman ako ng mga babae sa society lalo na si Audrey.

"How are you feeling?" nanigas ako bigla nang marinig ko ang boses na 'yon. "Okay." I said without looking at him. "If you're okay. Report to me tomorrow." kumunot naman ang noo ko. Nilingon ko siya pero wala na siya sa loob.

He sounds very formal. "Grandfather, let her go home." dinig ko ang boses ng kapatid ko sa labas. They're here to talk to me. "No. We need her here." sabay pa silang napalingon sa akin nang umupo ako sa gilid ng kama.

Lumapit naman sa akin si lolo at niyakap ako ng mahigpit. "Tignan mo 'tong matandang 'to. Sabi ko pauwiin ka na dahil delikado dito pero ayaw niya ngayon may payakap pang nalalaman?!" sinamaan naman siya ng tingin ni lolo kaya natawa nalang ako.

Kidding aside. I started to talk about the slave house that I'm in. The infos we need are also there. Meron ding insider sa border. I also mentioned the logo. Their transactions starts here. Naging seryoso ang usapan. Kuya also stated that the Lamentia household is the one operating this organization but we still don't have enough evidence.

"Sa atin nalang muna ang mga ito. Wala dapat ibang makaalam. Babalik ka na sa mansion, Elise. Masyado ng delikado rito." napatingin naman ako kay lolo. "Your brother will take charge."

"No! This is my battle!" balik ko. "Elise. You promised." napayuko naman ako dahil doon. I promised that we will swap. "I know. But can I stay atleast a month? I promise babalik na ako sa fief natin after one month," nagkatinginan naman silang dalawa.

They both sighed. "Fine. You'll get to stay but not as me anymore." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "The prince already knows everything. I cannot lie to him. You'll stay as you," kinabahan ako bigla. Kaya pala 'yon ang sabi niya sa akin kanina.

"General. The prince needs to see you." sabi ng isang soldier sa labas ng tent. "I need to go. You need to behave, Elise." I just looked at him as he goes then turn to my brother. "I got your sword back." aabutin ko na sana ang espada ko kaso bigla niyang iniwas sa akin.

Tumabi siya sa akin and he moved my hair. "You don't have to pretend as me anymore. Live your life, Elise. Let me handle the burden you got. Be happy," na-touch ako sa sinabi ng kapatid ko. A tear escaped my eyes.

"Thank you." sabay yakap ko sakanya. Parang nakahinga ako ng malalim ng sabihin niya 'yon. Yung bigat na nararamdaman ko sa balikat ko ay gumaan dahil kinuha na niya sa akin, but that doesn't mean he needs to deal with it alone I'll be here to help him.

Humiwalay naman na ako sa yakap at inabot naman na niya ang espada sa akin. "Go to your prince." he said smiling. Napangiti rin ako at tumayo na.

I quickly fixed myself before going to his tent. Pagkalabas ko ng aking tent ay halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Is there something wrong? Napatingin naman ako sa damit ko and I'm wearing my usual clothes.

Hindi ko na lamang sila pinansin basta pumunta ako sa tent ko. "State your business." sabi ng soldier sa akin. I was about to say my brother's name but I stopped. I should live for my own name.

"I need to speak with the prince." magalang kong sabi but with a hint of authority. Tumango naman ang isa saka pumasok sa loob. "He is still in a meeting with General Potten." ang tagal naman yata nila?

Aalis na sana ako ng may humawak sa balikat ko. "Pwede ka ng pumasok. Tapos naman na kami nag-usap." It was grandfather. I nodded at him before entering the prince's tent.

Kinabahan ako bigla. I don't know what to say. Lalo na noong nasa loob na ako hindi ko na alam ano ang ginagawa ko. This is the first time that I felt helpless infront of him. I'm always ready whenever he's around but this time its not.

"I'm Cassandra Elise Alteria. Reporting for its duty." I said then I salute. He looked at me coldly then I put my hand down. "You're not a soldier neither a knight. You're a lady and act one." kumunot naman ang noo ko. Bigla akong nainis sa inasta niya

"Indeed I'm a lady but I didn't grew up as a prim and proper kaya don't tell me to act one. I can be a knight or a soldier but not a perfect lady." malamig kong sabi. He didn't even reacted.

"You are charged for a treason."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightWhere stories live. Discover now