Prologue

526 12 0
                                    

"Duke Alteria. Ikaw ay pinapatawag ng mahal na prinsipe sa kaharian. May mahalaga siyang mensahe para sayo," tinanguan ko nalang ang aide ko at saka nag-ayos. Rest day ko ngayon at in-eenjoy ko ito sa pagburda. Ano naman kaya kailangab sa akin ng prinsipe?

Mabilis akong tumayo at nagpalit na ng damit. Itinali ko ang mahabang buhok ko saka lumabas ng kwarto. "Pakibantayan ng mabuti ang mansion," tinanguan naman ako ng head butler na si Roel.

Nilingon ko pa sa huling pagkakataon ang mansion saka ako sumakay ng aking kabayo. "Tara na Light, Lia." umalis na kami dahil malayo-layo pa ang palasyo

~•~•~•~•~•~

Makalipas ang tatlong araw ay narating na rin namin ang palasyo. Pagkadating namin sa loob ay binati ko muna ang hari't reyna saka hinanap ang prinsipe "Duke Alteria, nasa green house po ang mahal na prinsipe. Doon niya po kayo hihintayin," tinanguan ko nalang ang retainer niya at sinundan ito

Pagkarating namin sa green house ay nakita ko ang prinsipe kasama ang aking lolo na si Commander General Elizar Gray Potten ang ama ng aking yumaong ina. Mabilis akong lumapit sa kanila at nag-bow bilang respeto sa kanilang ranko.

"Please seat, Duke Alteria." sabi ng prinsipe. Ginawa ko naman ito at umupo sa bakanteng upuan. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ko sa prinsipe. "Kailangan niya ng matutuluyan Elizar." napatingin naman ako sa aking lolo

"I need to stay away from the castle grounds. May gustong pumatay sa akin," prenteng sabi niya habang iniinom ang tsaa. "I'll gather the best inns in the city and have them prepare for his highness," sabi ko saka tumayo pero hinawakan ako ng lolo ko sa kamay.

"Sa'yo siya titira pansamantala." seryosong sabi niya. Napatingin naman ako sa prinsipe at tumango naman ito. "Can I talk to you? Privately?" tanong ko sa matanda. Nagpaalam naman kami sa prinsipe at hinila ko naman palabas si lolo.

Masama ko siyang tinignan pagkatapos "Anong iniisip mo? You could put me in danger!" galit na sabi ko pero pabulong lang. May tainga ang mga pader "I'm doing this as a favor to you hija," umiling naman ako. "The last thing that the world should know is that I have two identities. Magaling ang prinsipe," napabuntong hininga tuloy ako

"I already promised to his parents na sayo ko siya idadala. Sa buong kaharian ikaw lang ang hindi nag-paparticipate sa social gathering dahil kailangan mong maging siya. Show that to the prince and not as a Duke but as a duchess," I sighed. Iniisip ko palang ay sumasakit na ang ulo ko.

I nodded slightly "But if the prince showed suspicion already please take him away," tinanguan naman niya ako saka kami bumalik sa loob. "He approved already," nakangiting sabi ng lolo ko. Ambilis magpalit ng personality ha? "Good then we shall leave as soon as possible," ngiting sabi niya

"No. Its better that you leave first your majesty. I'll stay behind, then follow you. My sister will be waiting for you there." sagot ko. Maaari nilang malaman na doon tutungo ang prinsipe kapag nagkataon na sabay kaming aalis ng palasyo.

Naintindihan naman ito ng prinsipe kaya gabi palang ay umalis na ito. Maaga naman akong nagising at nagpadala ng sulat kay Roel na libangin ang prinsipe habang hindi pa ako nakakarating. Ang sabi ko pa man din ay kapatid ko ang babati sa kanya.

Makalipas ng dalawang araw na walang pahinga ay dali-dali akong pumunta sa bahay ng mga kabayo at doon nagpalit ng aking damit. Sa likod na rin ako dumaan para hindi mahalata ng prinsipe at mabuti nalang na kadarating na rin nila

"Magandang umaga mahal na prinsipe. Ako si Cassandra Elise Alteria pero tawagin mo nalang akong Elise," ngiting bati ko sabay yuko sakanya. Ramdam ko na ang pagod at antok pero kailangan kong umaktong taong bahay lang. "Thank you for having me here. Paparating na rin siguro ang kambal mo ngayon." napasapo nalang ako ng sabihin niya iyon.

"Ganoon po ba? Mabuti naman po. Butler Roel? Please take his highness Prince Louis sa kwarto niya. Thank you," iniwan ko naman na sila at tumungo sa kwarto ko. Hindi ito maaari. Mukhang mahihirapan ako sa pag-papanggap

He is observing me already

~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt