Kabanata 19

124 6 6
                                    

Pasimple akong kumuha ng pagkain sa mga nakahanda na nasa mesa eh paano kanina pa ako gutom 'di pa pwedeng kumain hangga't hindi pa daw naipapakilala 'yung dahilan ng event na 'to andaming echos gutom na ang mga people here

Lumingon lingon ulit ako sa paligid bago ako pasimpleng kumuha ng kutsinta na sobrang dami ng cheese. Tatango tango pa ako habang ngumunguya akmang kukuha ulit ako nang hampasin ni heneral ang kamay ko kaya tinignan ko siya ng masama

"Ano ba? bastusin ka rin heneral ha kitang gutom 'yung tao gusto mo bang mamatay na ako sa gutom?" sunod sunod na sabi ko na tinanguan lang niya kaya bahagya akong napasinghap at napatakip pa kunwari sa bibig ko "Ayy wow grabe siya oh alam ko namang dapat patay na ako ngayon eh jung hindi lang ako niligtas ni Ginoong Samuel edi baka nakahimlay na ako hay nako..basta mauna na akong kakain ha? sunod na lang kayo" nakangiting kukuha pa sana ako ng magpalakpakan ang lahat kaya nakipalakpak na lang din ako

Nagsitayuan ang lahat ng unti-unting bumaba ng hagdan si Señora napatingin ako sa katabi ko at agad napataas ang kilay ko ng makita kong nakaupo lang siya at feel na feel niyang uminom ng alak. Grabe lahat kami nakatayo tapos siya ang ganda ng pagkakaupo niya with matching inom pa ng alak. Pasimple akong lumapit sa gawi niya saka ako pabulong na nagsalita

"Heneral bakit nakaupo ka lang? lahat kami nakatayo oh ikaw lang nakaupo sa ating lahat..special ka ba?" napatingin siya sa akin at ng saktong magtama mata namin bigla akong kinabahan dahil ewan ko bigla ako nanlamig grrr kaya agad akong napaayos ng tayo at nakipalakpak and hindi na ako lumingon pa kay heneral dahil..for what reason? Çhos!

"Buenas noches a cada uno de ustedes que se encuentran aquí hoy para presenciar una buena noticia de nuestra única y única señora Celestine Suárez" (Good evening to each everyone of you who are gathered here today to witness a good news from our one and only Señora Celestine Suárez) sabi ng lalaking may balbas na parang kay Vhong Navarro sa Mr.Suave na movie.

Natawa ako ng bahagya dahil naalala ko yung movie na yun kaya napalingon ang ilan sa mga nasa malapit na lamesa. Ngumiti ako sa kanila pero irap lang natanggap ko mula sa iba 'yung iba naman no reaction lang. Okay fine who cares?

Muli akong bumaling kay Señora Celestine na kasalukuyang nasa ika-walong baitang ng hangdanan. Hindi ko mapigilang hangaan ang gandang taglay ni Señora dahil ang ganda ng balat niya mamula mula siya siguro 'yung tipong sinundot mo lang mamumula na haha chos. So ayun na nga, ang ganda din ng height ni señora ah mga nasa 5'7-5'8 siguro siya hindi siya gaanong katabaan kung tutuusin nga mukha siyang naggy-gym pero dahil walang gym dito puro healthy foods lang for sure ang kinakain niya. Tapos ako eto lang 4'10 tapos 'di pa mataba andami pa nga nagsasabi mukha daw akong kalansay o malnourished huhu sakit ha.

Btw, balik tayo kay señora..so ayun maganda ang mata niya may pagka brown na black pero mas dominant at color brown kaya kung titignan siya sa mata parang nag sparkle ganern. Mahaba pilikmata niya, matangos na ilong, magánda hugis ng labi niya. Sana all almost perfect huhu

Aysus! 'di na ako magtataka kung noong kabataan niya laging may nanghaharana sa kanya gabi gabi kaso ang ending ng mga nanghaharana sasaraduhan sila ng binata or hahabulin sila ng itak ng tatay ni Señora. Natawa ako ng palihim ng dahil sa na-imagine ko.

(Singit ko lang hehe)

Image of Señora Celestine Suárez during this time

Image of Señora Celestine Suárez during this time

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.
El Gobernador Heneral de Corazón Frío  Where stories live. Discover now