Kabanata 10

120 9 22
                                    

"Magmula bukas..sa tahanan ng gobernador-heneral ka na manunuluyan" bigla akong natulala dahil sa sinabi niya

Ang gobernador-heneral at ako..titira sa iisang bahay?! waaaaaah!! ayoko pang mabuntis huhuhu

Napakurap kurap ako saka ako umiling iling dahilan para malula ako. Nagtatakha siyang nakamasid sa akin kaya naman tumigil agad ako sa ginagawa ko. Seryoso akong bumaling sa kanya saka ako bumuntong hininga bago magsalita

"Samuel..ayokong magpabuntis sa gobernador-heneral" sambit ko na parang anumang oras ay hihikbi na ako

Mukha bang hahayaan kong tumira ako sa iisang bahay kasama ang lalaking hindi ko kilala? oh my gosh hindi ako kaladkaring babae na makikitira kung kani kaninong bahay tapos after ilang months buntis agad..huhuhu gusto ko pa maenjoy ang pagkadalaga ko ayoko pang matali sa isang tao marami pa akong mga pangar

Hindi natuloy ang pagmomonologue ko ng bigla siyang napatikhim.
Napabaling ako sa kanya at pansin ko ang pamumula ng kanyang tenga, pisngi at leeg

Anyare sa lalaking 'to?may allergy ba siya?

"Hoy ok—este ayos ka lang ba?" akmang hahakbang ako papalapit sa kanya ng bigla itong napaatras kaya napataas ang kilay ko

Feeling naman niya isa akong germ na lalapit sa kanya upang magdulot ng isang sakit..langya

Muli siyang napatikgim saka siya tumingin sa akin pero saglit lang 'yun dahil muli siyang nag-iwas ng tingin.

"Ano bang pinagsasasabi mo Binibini?paanong napadpad tayo sa pagdadalang tao mo?" napabaling siya sa akin muli at nakakunot pa ang noo niya habang nagtatanong tapos bigla ulit siyang nag-iwas ng tingin

Makaiwas ng tingin akala mo naman may nakakasilaw sa harapan niya..ah tama siguro nasisilaw na 'to sa kagandahan ko hahaha naku naku nakuuu

"Sabi mo kasi titira na ako sa bahay ni gobernador-heneral" napansin kong napakagat siya sa kanyang pang ibabang labi upang pigilan ang ngiting gustong kumawala

Napatikhim siya saka siya bumaling sa akin ng may seryosong ekspresyon.

"Tila ba hindi tayo nagkakaunawaan señorita..hindi ibig sabihin ng pagtira sa kanilang tahanan ay magdadalang tao ka na bukod pa doon ay hindi lang kayong dalawa ang nasa loob ng tahanang iyon sapagkat marami siyang alipin doon. Sa uri pa lang ng iyong pag-iisip ay nakasisiguro ako na isa kang mapusok na binibini" napailing iling pa siya habang natatawa ng bahagya. Muli siyang tumingin sa akin at nagsalita "Ako'y nakatitiyak na walang mangyayaring masama sa iyo doon sa pamamahay ni heneral nawa'y magtiwala ka" mahabang paliwanag niya kaya inaabsorb pa ng utak ko ang pinagsasasabi niya

Loading..

"Ah hahaha akala ko may mangyayari sa amin hahaha tsaka Ginoong Samuel hindi ako maupsok sadyang kinabahan lang ako sa ideyang doon na ako titira sa kanyang tahanan haha" awkward na tawa ko kaya binaling ko na lang sa kanan ang aking paningin. Napatikhim ako saka ako muling bumaling sa kanya "Ligtas din naman ako dito ah tsaka bakit kailangang doon pa ako manirahan sa bahay niya? ayaw niyo na bang nandito ako sa pamamahay niyo?" agad akong nalungkot sa ideyang ayaw na nilang makita ang pagmumukha ko dito sa hacienda nila

"Hindi sa gayon señorita, kaya ka manunuluyan sa tahanan ng general ay upang maiwas ka sa akusasyon na may kaugnayan sa mga rebelde. Ikaw ay walang pagkakakilanlan kaya't hindi malabong usigin ka ng mga nakaluklok sa pamahalaan sa oras na masumpungan ka nila sa aming tahanan. Wala kang cédula na nagpapatunay na tagarito ka at wala ka ring pamilya na siyang aangkin sa iyo sa oras na usigin ka. Kapag nasa tahanan ka na ng heneral hindi nila iisipin na wala kang pagkakakilanlan sapagkat kilala ang heneral bilang mausisa sa mga taong nasa paligid niya" mahabang paliwanag niya habang nakatanaw siya sa mga malalagong bulaklak ng kanilang hardin

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now