Kabanata 2

150 5 7
                                    

"Ay baboy na mataba!" gulat na sigaw ko saka napalingon kay Aling Bebang na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata habang nakatingin sa akin

"Sinong mataba?!" bulyaw niya na siyang naging dahilan para mapaatras ako ng konti

Laway niya tumatalsik sa face ko eh eww lang kaderder hahaha chos!

"Mataba po? 'yung baboy po..diba po mataba naman 'yung mga baboy?tsaka bihira lang naman 'yung baboy na patpatin eh" pagrarason ko saka tumango tango

"Ah akala ko ako sinasabihan mong matabang baboy" sambit niya habang tinitignan ang mga paninda ko "Magkano lahat ng binili ng lalaking 'yun? marami siyang binili eh"

"Bumili po siya ng 50 sticks ng paninda ko 10 dito,dito,'yun,eto at 'dun" tinuturo ko lahat ng binili ni Mico habang nakangiti

"Siguro naman malaki laki ang kita mo ngayon kung 'di ako nagkakamali eh 450 lahat ang binayad niya sa'yo kasi tig sampu ang apat na ito puwera na lang sa isaw na tig limang piso" pagmamagaling din ni Aling Bebang

Sus wa epek pagmamagaling niya kasi walang makakapansin 'nun 'di tulad sa akin kanina na napapansin ni Mico hihihi

"Opo sa katunayan nga eh mada--" agad nanlaki ang mga mata ko ng maalala kong binenta ko nga pala lahat ng klase ng street food kay Mico ng tig limang piso lang!!

Paktay ka ngayon Thalia wala kang baon bukas

Dahan dahan akong napatingin kay Aling Bebang at ngumiti ng pagkalapad lapad

"Aling Bebang hindi mo ba napapansin ang mukha mo?" pagtatanong ko kaya agad siyang napahawak sa mukha niya

"A-anong meron sa mukha ko?" nanlalaki ang mga matang tanong niya

"Pansin ko kumikinis na ang mukha mo eh may skin care routine ka noh? ayieeee share mo naman sa akin Aling Bebang para naman kuminis din mukha ko tulad ng sa'yo" pagsisinungaling ko kahit na ang totoo eh medyo puno na ng pimples ang mukha niya

Oy! 'di ko minamaliit mga taong may pimples ah? baka mamaya issue niyo ako naku ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na kaya ako nagsinungaling ngayon dahil sa kabalbalan ko.

Don't worry Aling Bebang papalitan ko ang 200 na kulang ni Mico myloves hindi pa sa ngayon pero soon kapag may pera na ako erkey?

"W-wala ah tsaka 'yung routine ko?syempre secret ko lang 'yun" nakangiting sambit niya habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi

Ayy nabola agad si Aling Bebang mwehehehe

"K fine dun ka na Aling Bebang baka mausukan ka, ikaw rin sayang lang skincare routine mo"

Napatango tango siya at dahan dahang lumalayo mula sa pwestong kinaroroonan ko

"Tama ka nga naman haha buti na lang naisip mo 'yun ikaw na bahala dyan ha" agad siyang pumasok sa loob ng kanilang munting tahanan kaya napahinga na lang ako ng malalim

May utang agad ako dahil kay Mico myloves hayst ano kaya gagawin ko? tatakbuhan ko na lang ba o huhulug hulugan ko na lang? hayst kaloka

***

Kinahapunan mga bandang alas sais ay tuluyan ng naubos ang mga paninda ko kaya naman umuwi agad ako syempre kinuha ko rin sweldo ko noh sayang kaya pawis ko plus the fact na amoy usok na rin ako dahil sa pag-iihaw

El Gobernador Heneral de Corazón Frío  Where stories live. Discover now