Kabanata 7

128 8 0
                                    

"Saan ka nagpunta kanina Binibining Thalía? hindi mo ba naiiisip na may nag-aalala sa'yo dahil bigla ka na lamang nawala ng walang paalam!"

May bagay na kanta dyan

Iniwan ka ng walang dahilan
Sumama sa iba hindi man lang ako nagpaalam..'di man lang nagpaalam~

Natameme ako dahil sa sigaw ni Samuel pero más natameme ako dahil ang pogi niya pa rin kahit galit siya..bakit ganun??

"Ah namasyal lang ako hehehe huwag ka na magalit sige ka papangit ka" pananakot ko sa kanya pero kinunutan niya lang ako ng noo

"At saang lugar ka namasyal? sa pagkakaalam ko baguhan ka lang sa bayang ito..wala kang kakilalang iba bukod sa amin at wala kang ibang lugar na alam dito sa bayang ito..kaya saan ka nagtungo? at bakit hindi ka nagpaalam?" napalunok ako dahil mahaba habang paliwanagan ito panigurado

Para siyang boyfriend ko na galit sa akin dahil tumakas ako hahaha haba ng hair nagrejoice ka ba girl?

"Ahm namasyal ako sa...sa gubat?hehehe" napakamot ako sa ulo ko dahil biglang nangati

Mga alaga kong kuto namamasyal siguro sa iba't ibang part ng ulo ko..kumbaga sa world map siguro nasa pacific ocean pa lang sila

Natawa ang mga kasamahan niya kaya nilingon niya ang mga ito na siyang nagpatahimik sa kanila

"Maaari na kayong lumisan..
salamat sa inyong tulong bukas ko na lamang itutuloy ang aking sasabihin" yumuko ang mga ito sa aming dalawa bago sila lumabas ng pinto

Pagkalabas nila eh napatingin ako kay Samuel na ngayon ay nakatingin ng masama sa akin

"Bakit ka nakatingin ng ganyan?" napaiwas siya ng tingin at napatikhim "Magpaliwanag ka" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya

"Bakit pa ako magpapaliwanag sayo?nanay ba kita?" nagtatakhang tanong ko pero tinignan niya lang ako ng masama

"Sa aming lahat..magpaliwanag ka" pagkasabi niya nun eh tinawag niya ang lahat ng kasambahay namin kaya napatingin ako sa kanya pero ngumisi lang siya

Ayyy pogi

"Ngayon.. magpaliwanag ka na" napairap ako saka ako muling nagsalita

"Hindi mo man lang ba kami papaupuin Samuel?" tanong ko dahilan para mapasinghap ang mga kasamahan namin

K fine Ginoong Samuel na pala dapat

Napabuntong hininga si Samuel saka siya naglakad papunta sa upuan nilang may kutson na hindi gaanong malambot

Pagkaupong pagkaupo namin eh bigla siyang nagsalita at humihingi ng explanation so ayun kwinento ko ang lahat lahat ng nangyari mula sa parade hanggang sa mapadpad ako sa gubat..oo kasama na rin ang paghawak ng Gobernador Heneral sa pwet ko tsk!

"Ikaw ba'y nakasisiguro na ang Gobernador Heneral ang may gawa ng bagay na iyon sayo?" nabalik ako sa ulirat dahil sa tanong ni Samuel

Napatingin ako sa mga kasamahan namin na ngayon ay nakayuko ng dahil sa hindi malamang dahilan kaloka..anong trip nila?

So ayun nga pagkaharap ko kay Samuel eh nakatingin siya sa hawak niyang baso na may tubig

"Oo sigurado akong ang Gobernador General ang humawak sa pwet-este pang-upo ko sa totoo lang hindi basta bastang hawak sa pang-upo ko ang ginawa niya dahil pinisil pisil niya pa ang pang-upo ko na parang ganito oh" dinemonstrate ko ang pagkakapisil sa pwet ko dahilan para maibuga ni Samuel ang iniinom niyang tubig

Mi Amado Gobernador General  Onde histórias criam vida. Descubra agora