Kabanata 1

290 9 25
                                    

"Hoooooy!!ibalik mo nga sa akin 'yang pagkain ko!" sigaw ko sa kaklase kong si Michael na bigla na lang nang-aagaw ng pagkain na akala mo ngayon lang nakakita ng pagkain haayst

"Habulin mo ako at 'yun ay kung mahahabol mo ako hahaha" tumatawa tawang sambit niya habang winawagayway sa ere ang baon kong suman

Putspang Michael 'to parang bakla masyadong papansin

At dahil nga alam kong hindi ko na siya mahahabol ay más pinili ko na lang na manahimik na lang sa upuan ko habang tinitignan siya ng masama. Imbes na matakot ay mas lalo pa siyang ngumisi sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng binuksan niya ang suman at kinagatan habang kumekembot kembot pa siya

Napabuntong hininga na lamang ako at saka nag-nap dahil hindi ko kayang makita na 'yung suman na binili ko eh siya lang ang kakain

Ang mahal pa man din ng suman 25 pa man din yun tapos 4 na piraso

Oo alam kong mura lang 'yun para sa inyo pero sa akin? malaking kawalan na 'yun dahil nga ang perang ipinambili ko ng baon ko sana sa recess at lunch ay galing sa pagbebenta ko ng mga kendi na pinapabenta sa akin ng kapitbahay namin. Nakakaasar lang dahil kinain na ng kaklase kong hukluban ang kakaning para sa akin

"Uy Nathalia galit ka na sa akin?hahaha" napatingin ako sa nagsalita at agad akong napabusangot dahil nakita ko na naman ang pagmumukha ni Michael

"Layas" mahinang sambit ko pero más lumapit pa siya lalo at ngumiti kaya nakita ko kung gaano karami ang kakaning nakadikit ngayon sa ngipin niya

Ewwwww

"Ayoko hahaha"

"Bahala ka dyan hanggang sa mangalay ka sa kakatayo"

Wala pa mang tatlong segundo eh lumayas na agad siya sa harapan ko na siyang ikinatuwa ko naman wahahah

****

Ngayon nga ay uwian na namin at sa kasamaang palad eh medyo marami rami ang assignments at projects namin na kadalasan ay reporting at individual pa..hay naku

Hindi niyo pa pala ako kilala so I'm Nathalia Shane Dimagiba 21 years old and I'm taking up Bachelor of Science in Nursing di ko na sasabihin kung saan ako nag-aaral dahil baka pagkaguluhan niyo ako bigla..ayoko maging instant sikat kaya sana maintindihan niyo. So 'yun nga I'm single since birth at pinagmamalaki kong NBSB ako dahil I do believe sa kasabihang "Right time,right person in a right place and right action" charot! right time,right person lang ang naaalala ko pero dinagdagan ko na lang para mahaba haba ang kasabihan ko pero feeling ko nabasa ko na ang kasabihang 'to ng may apat na "right" ewan ko lang kung saan. Kung nabasa niyo man pakilapag kung sino ang sumulat at kung di niyo man nabasa edi okay pa rin atleast may naituro ako sa inyo diba?hehe

At dahil nga dismissal na namin agad akong dumiretso sa pinapasukan kong trabaho which is pagbebenta ng mga isaw,kwek kwek,fishball,kikiam,
squid balls,betamax,at kung ano ano pa.Bet ko lang isa isahin para makaramdam ka rin ng gutom at para mapabili ka ng benta ko ng wala sa oras o dibaaa?I'm so brainly..brainly ba 'yun?ah!brainy pala sorry naman.
Actually ang magaganda madaling magkamali kaya sana maintindihan niyo.

"Suki bili na ng isaw murang mura lang 5 piso isa kapag bumili ka ng 5 may instant discount agad" pagtatawag ko sa mga taong dumaraan sa harapan ko na binabalewala lang ang speech ko

Kaloka di man lang marunong mag appreciate ang mga 'to

"Pabili 5 isaw may discount diba?" tumango ako ng dalawang beses babaeng nilalagyan ng sauce ang mga isaw na binili niya

El Gobernador Heneral de Corazón Frío  Where stories live. Discover now