Kabanata 9

93 8 2
                                    

"Isa ka ba talagang binibini?" napatingin ako sa ibaba at halos magulantang ako ng makita ko si Samuel...kasama ang gobernador-
heneral!!

Watapak? anong ginagawa ng Gobernador Heneral dito? kaloka baka ipapabitay na ako ngayon dahil sa pang-aakusa ko sa kanya tapos baka si Samuel ang naatasang bibitay sa akin?!

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip ko kaya dali dali akong kumilos at tumalon mula sa puno papunta sa harapan nila. Bakas ang gulat sa kanila dahil siguro sa pagtalon ko

Más magulat kayo kapag tumalon ako mula sa 10th floor kaloka

"Bakit ka tumalon mula sa puno?!hindi mo ba alam na maaari kang mapilayan sa oras na mali ang maging bagsak mo mula roon?!" napapikit ako dahil sa sigaw ni Samuel

Kaloka pinagalitan niya ako sa harap ng gobernador-heneral huhuhu

Tumingin ako kay Samuel at ngumiti pero ang lolo niyo masama ang tingin sa akin

"Huwag kang OA I mean ano ba tagalog ng OA? hmm huwag kang mag-alala sanay na akong tumalon at kung nangangamba ka na baka mapilayan ako sa pagtalon mula sa puno mas mabuting saluhin mo na lang ako sa susunod upang sayo ang bagsak ko" nakangiting sambit ko habang nakatingin sa kanya kaya ayun napaiwas siya ng tingin

Kilig siya eh hahaha namula ang tengaaa..may kinikilig hihihi

"Ehem" napatingin ako sa nag ehem at halos manlamig ako ng maka eye to eye contact ko ang gobernador-heneral

"Yumuko ka binibini hindi nararapat na titigan mo ang gobernador-heneral" natauhan ako sa sinabi ni Isabella kaya napayuko din ako ng wala sa oras

"Ikaw ang binibining iyon na pinaratangan ako sa bagay na hindi ko ginawa" napalunok ako ng magsalita siya ramdam ko rin ang pamamasa ng palad ko dahil sa kaba

Bakit ako kinakabahan?watapak?!

"Más mabuting sa loob na lamang tayo mag-usap heneral sapagkat hindi nila dapat na malamang nandirito ka sa aming hacienda" agad na naglakad palayo si Samuel pero 'di sumunod si GH

Napaangat ako ng tingin at ng makita kong nakangisi siya ay napataas ang kilay ko saka ko siya nilampasan

Kabastusan na kung kabastusan pero watapak kinakabahan ako kapag kaharap siya!!

**

Pagkapasok sa bahay ay agad akong dumiretso sa kusina at umupo sementadong gilid ng sink

"Señorita ano hong ginagawa niyo rito? may kailangan po ba kayo? ano ho iyon? may ipag-uutos po ba kayo?sabihin niyo lang po at ako na ang bahalang gumawa ng inyo—"

"Shhh huwag ka maingay nandyan ang gobernador-heneral baka sa kaingayan mo 'di ka nun matantsa at ikaw ang masuntok" pananakot ko kaya natahimik siya. Natawa ako ng bahagya sa isipan ko dahil feeling ko natakot siya

"Nariyan ho ang gobernador-heneral?" nagtatakhang tanong niya kaya tumango lang ako bilang sagot habang patuloy pa rin ang pagsulyap ko sa kinaroroonan nila Samuel

"Nakita mo ba 'yung lalaking nakasuot ng salakot at may takip ang bibig? siya 'yun tignan mo siya ng maayos" hinarap ko siya sa direksyon nila Samuel at gobernador general kaya agad na nanlaki ang mga mata niya tila ba hindi siya makapaniwala na nandirito ang heneral sa pamamahay ni Samuel

"Siyang tunay señorita..narito nga ang gobernador-heneral ngunit bakit iba ang kanyang kasuotan? hindi ba't nararapat na naka uniporme siya?" napakamot ako sa kilay ko dahil sa tanong niya. Hindi yata siya aware sa disguise pero dahil tinatamad ako mag explain iba na lang ang sinabi ko

El Gobernador Heneral de Corazón Frío  Where stories live. Discover now