Kabanata 17

128 11 6
                                    

Lupaypay akong napahiga sa sahig na tinutulugan ko dahil sa ginawa namin ni Luis. Grabe siya ang sakit pa rin talaga ng katawan ko  dahil sa ginawa sa akin ni Luis huhu

Napapikit ako habang inaalala ang nangyari kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang lahat. Para akong kinikiliti dahil sa mumunting hagikgik na lumalabas sa bibig ko. Nahirapan man ako pero alam ko sa sarili ko na masaya ako at nag-enjiy ako sa ginawa namin ni Luis.

"L-Luis" mahinang daing ko ng muli kong maramdaman ang sakit pero patuloy lang siya sa pagtaas baba."Luis!" siniguro kong maririnig na niya ang sigaw ko kaya napahinto siya sa pagtaas baba saka siya nagtatakhang tumingin sa akin. Bigla siyang nagseryoso nang napatitig siya sa akin kaya napanguso ako. Kasalanan ko bang sobrang sakit? tsk!

"Huwag kang magreklamo Nathalia sabi mo'y masisiyahan ka sa ating gagawin hindi ba? ngunit bakit tila ayaw mo na? pagod ka na ba?" seryoso pa rin siya habang nagtatanong. Napaiwas ako ng tingin sa kanya saka ako napakamot sa pisngi ko

Alam niyo minsan napapaisip ako kung may sakit ba 'tong si Luis sa pag-iisip eh. Kanina parang nang-aakit habang tuwang tuwa tapos ngayong ginagawa na namin ang gusto niya..at gusto ko seryosong seryoso naman siya hayst 'di ko na alam kung saan ako lulugar

"Paanong hindi ako mapapagod eh kanina pa ako takbo ng takbo kakahabol sa mga manok na pinatakas mo na galing pa sa taas..ok ka lang ba?!" naiiritang sabat ko nang maalala ko kung paano akong natisod ng ilang ulit dahil sa kabalbalan na naisip niya..my gosh ibang klaseng trip talaga meron siya ang hirap niya mai

Paano ba naman kasi eh iba pagkaintindi ko sa sinabi niya akala ko gagawa na kami ng kababalaghan pero heto ako ngayon sa malawak na lupain ng hacienda nila nakaupo sa ilalim ng hagdan dahil sa sobrang pagod kakahabol sa mga pinakawalang manok ni Luis! Letche!

Sabi pa sa akin "Nawa'y mapaligaya kita sa ating gagawin" sabay ngiti niya pa pero ang timawang Luis lumapit sa limang pintuan ng mga manok at kinalas niya lahat ng lock...peste! Ang ending ayun! Pinahabol niya sa akin lahat at sabi niya balik ko daw sa mga lalagyan nila

Nagulantang tuloy ang kagandahan ko dahil isang batalyon ng manok ang nahulog sa akin kaya sa hindi inaasahang pagkakataon ayun!Lumagapak ako sa kalupaan.  Napatingala ako kay Luis at nakita ko siyang tumatango tango habang palakad lakad sa left at right na para bang isa siyang teacher na may binabantayan na student..isa siyang damuho! Sabi niya may gagawin daw kami para makapag-exercise ako kahit papaano. Hindi ko in-expect na ito yon! Maling mali 'to huhuhu

"Kung ako sayo'y mag-uumpisa na akong hulihin sila sapagkat marami rami sila kung hindi ako nagkakamali nasa otsenta y cinco ang kanilang bilang" pagsasalita niya at ng bumaling siya sa akin ay sinamaan ko siya ng tingin kaya napangisi siya at bigla ring bumalik sa pagiging seryoso ang itsura niya saka siya napaiwas ng tingin. "Huwag kang mag-alala para ito sa iyong kalusugan sapagkat ito ay ensayo para sa iyo lamang" di ko alam kung kikiligin ba ako dahil "para lang daw sa akin" o maiinis ako dahil pakiramdaman ko pinaparusahan ako ng damuhong 'to. Paanong para sa akin 'to eh hindi naman masaya sa pinapagawa niya? Buti sana kung yung ginagawa namin is yung naiisip ko kanina edi natuwa pa ako

"Kapag sila naibalik ko na lahat dito bahala ka na sa bahay mo! hindi na kita kakausapin kahit kailan..
mamatay man ako! babalik na ako kay Samuel! Iiwan na kita dito 'di ko talaga na-gets gets trip mo grabe ba hmp!" masama ang loob kong hinahabol ang mga manok na nadadaanan ko

Habang lumilipas ang oras at habang pakonti ng pakontit ang mga manok na nakakalat sa lupain at sa hindi malamang dahilan natatawa na lang ako sa tuwing may mahuhuli ako dahil feeling ko isang premyo sa contest ang manok tsaka parang worth it mahuli ang manok dahil na rin sa effort kong pagtakbo. Minsan gusto kong sakalin mga manok dahil sa sobrang pagpupumiglas pero bigla akong may narealize na..

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now