39

614 8 0
                                    

I am on my 5th month already, ang bilis, 4 months nalang lalabas na si baby, may bump narin ako kaya loose dresses na pinapasuot ni Eli sa akin. Mostly ng dress ko doll dress.

Papasok kami ng court room ngayon for the last trial, dun lang nila ako pinaattend ngayong last trial na, halatang iniingatan nila ako. Andito rin yung pinsan ni Eli at Daddy nya, si Ericka andun sa bahay nila para bantayan si Celine kasi bawal ang bata sa korte, at iniwan din doon si Mina para may kalaro si Celine. Sumama yung family ni Eli to support us and also to fight with me, even Greg is here at mga pinsan ko.

This is the last fight to my freedom.

Bago kami makapasok sa loob, nakasalubong namin galing CR ang taong nagluwal sa akin. Halatang galit sya sakin dahil sa paraan ng pagtingin nya. Sya pa may ganang magalit? After everything they did to me?

"Pagkatapos kang alagaan ni William dati kapag wala ang Daddy mo, ito ang igaganti mo imbis na magpasalamat?"

"Why would I thank a rapist? Oh I forgot, hindi ka pala naniniwala sakin, I was born and raised honest, but you chose to believe your rapist husband. Sana pagkatapos nito, makita kong magsisi ka"

"Bakit? Dahil naghiwalay kami ng daddy mo?"

"No, I want to thank you for that. Ako ang nagsabi kay Daddy na magpa-annul kayo, kasi daddy ko sya at naniniwala sya sakin, dahil anak nya ako, dugo't laman. Samantalang ikaw, ikaw ang nagluwal sakin pero hinayaan mo ang sarili mong anak na malunod habang nakikipaglandian ka sa kabit mo!"

"Bakit ka pa kasi nabuhay?! Namatay ka nalang san-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang may palad na dumampi sa kanya.

"Kahit kelan hindi ko inasam na saktan ka ng pisikal kahit sobrang galit ako sayo, dahil ayokong isipin ni Beka na kaya ko rin syang saktan, dahil alam mong si Beka ang kahinaan ko. Pero sumusobra ka na! Nagpapasalamat akong nabuhay ka dahil nagkaroon ako ng Beka na naging lakas ko, pero ngayon, masama na kung masama pero pinapanalangin ko na sana ikaw nalang ang nalunod at hindi nakaligtas imbis na ang anak ko" sabi ni Daddy na halatang galit na galit.

Lahat kami nagulat, Daddy never hurt a girl physically, pero mukhang napuno nga talaga sya sa nanay ko.

"Hindi mo alam lahat ng kademonyohan na ginawa sa akin ng asawa mo."

"Eh patalo na nga kayo diba? Lahat ng ebidensya niyo hindi umaayon sa amin"

"Let's see about that, sana after this, masabi mo pa yan, Mrs. Lim" sabi ni Kuya na halatang nagtitimpi rin.

Pumasok na kami sa loob at umupo ako sa gitna ni Kuya at Ate Gina. Sila nasa audience nakaupo, ako lang ang kasama ng mga lawyer ko.

Binigay lang sa akin ni Eli tung tumbler ko kung sakaling mauhaw ako. Sabi ni Kuya, kung lalaban daw sa korte, wag daw agad ilalabas lahat ng bala, uunti untiin daw hanggang sa akalain nilang mahina ang ebidensya, sa last blow, dun itotodo at hindi na sila papaahunin.

Maya maya, nagsimula na yung trial. May mga witness sila na halatang binayaran, kasi hindi ko naman sila kilala eh, yung isa pa sabi dating babysitter ko daw, eh ni hindi ko nga sya kilala, grabe daw ako alagaan nung William na yun. Like what the fuck? Halatang nagsisinungaling sila.

Eli also stand as a supporting witness since he is my psychiatrist, umangal pa sila dahil sabi hindi daw totoo yun at partner ko daw sya, but he showed my patient information to the judge kaya hinayaan sya and he stated everything he noticed whenever we have a session, pati yung mga takot ko at panginginig ng kamay ko because of the trauma and anxiety.

"Anymore witness, Attorney Cooper?"

"We still have 2 more witnesses, Your Honor. We would like to hear their statement together with our client's statement before we show you the CCTV Footage we got from the old mansion of the Cooper's" sabi ni Ate Gina.

The VowМесто, где живут истории. Откройте их для себя