38

638 11 0
                                    

Andito kami sa isang palengke sa Quezon City. Yung van yung ginamit namin tapos si Kuya Jorge ang nagdrive.

Dito daw kasi mas marami pagpipilian na pork, fish, and even seafoods sabi ni Manang. Kaya ayun andito kami. Pinagsuot lang ako ni Eli ng sweatpants at tshirt, tapos tsinelas, bawal na kasi ako magpants na may butones at zipper, at bawal na ako magheels. At ayaw din nya magdress ako kasi baka daw masilipan ako dito or liparin kapag humangin. Pinagsuot din nya ako ng mask, for safety purposes. Ang hirap rin kapag pareho kayong doctor ng partner mo, ikaw alam mo makakabuti sa katawan mo, pero mas grabe sya, to the point na nagsusuot ako ng mask kapag outdoor yung pupuntahan namin tulad nitong palengke, and even sa ospital, nakamask ako kapag magrarounds ako or lalabas ng clinic ko, although kalat naman na sa ospital yung pagbubuntis ko.

"Dahan dahan baka madulas kayo ah" sabi ni Manang na inaalalayan ni Kuya Jorge, kasi matanda narin si Manang eh.

Si Mommy inaalalayan ni Daddy. Tapos ako naman, ito hapit sa bewang at inaalalayan ni Elijah.

"Ang daya, ako nakamask, tapos ikaw hindi" reklamo ko sa kanya.

"Buntis ba ko?"

"Hmp!" Ismid ko sa kanya.

"I'm just protecting my babies" he said and kissed the side of my head.

Para kaming celebrity dito kasi pinagtitinginan kami. Nakakarinig pa ako na mukha daw kaming artista dalawa, meron naman is halata daw na mayaman kasi balat palang namin, balat mayaman na daw.

"Ito oh mga lobster" sabi ni Manang.

"Anak, dito oh lobster" tawag sa amin ni Daddy

"Do they accept cards here?" Tanong ko kay Eli.

"Baby, of course not, palengke to, this is not a supermarket" sabi nga. "I have cash, nagwithdraw ako kanina, di ba?" dagdag nya kaya tumango ako.

Lumapit kami sa kanila at nagtingin ng lobster

"Ito hija oh, halatang ma-laman" sabi ni Manang Yolly

"Halatang walang alam" asar ni Daddy sakin.

"Sige na, kami na ni Manang Yolly ang magtitingin, gusto mo ba is yung ma-laman?" Sabi ni Mommy at nagsimula sila magtingin ng lobster.

"Yes, please" sabi ko at nakanguso sa loob ng mask ko.

Inalalayan ako ni Elijah paalis doon sa mga banyera at tumayo nalang ako sa harap nya habang nakasandal sa kanya.

"Kasandra Cooper?"

Lahat kami napalingon sa bumanggit ng pangalan ko. Nung bata kasi ako mas kilala ako bilang Kasandra Cooper.

"Excuse me?" Tanong ko dun sa lalaki na tumawag sakin.

Elijah's arm automatically snaked around my waist and simply caressing my tummy.

"Ikaw nga, ahm namukhaan ko lang kasi Daddy mo. Kaklase mo ko dati, yung lagi mong nalilista sa noisy, ahm grade 5" sabi nya.

"I don't recall you, sorry" sabi ko.

"Hindi, ok lang. Napansin ko lang kasi na parang pamilyar." Sabi nya at tumalikod na.

"Pretty famous, huh?"

"Famous? Eh kaklase ko nga daw sya dati diba? Di ko lang maalala kasi di naman ako palakaibigan. Ni hindi ko nga tanda mukha at pangalan ng mga classmates ko back in Elementary" sabi ko.

Si Mommy at Manang, busy parin magtingin ng lobster, si Manang nakikipagtawaran pa.

"Mom, ako na po magbabayad" sabi ni Elijah at kinuha ang wallet nya. Naglabas sya ng 5K, at iniabot kay Mommy.

The VowWhere stories live. Discover now