24

593 8 0
                                    

Andito ako sa mall, day off ko today, kaya ayun andito ako naghahanap ng pwedeng regalo kay Elijah, birthday nya kasi sa weekends eh, ay bukas pala ang birthday nya pero sa weekends icecelebrate kasi weekdays bukas.

Kanina pa ako paikot ikot dito actually and until now wala parin akong maisip na regalo for him.

Hindi na ko nakatiis at tinawagan na si Kuya to ask some help.

(Yes, hello?)

"Ang pormal masyado ah!"

(So ano gusto mo sabihin ko? Bakit ka napatawag?)

"You busy?"

(Just reading some reports, why?)

"I'm here sa mall, looking for something to give to Elijah as a gift tomorrow. Ano bang pwede kong iregalo sa kanya?"

(Mas sasaya si Lij kung sasagutin mo na sya)

"Korny mo" sabi ko.

(Just stating facts, sis. Kelan mo ba kasi sasagutin yun? Mukha ng sadboi eh)

"Basta, ako nalang nakakaalam nun. Ano ba? Matutulungan mo ba ako o hindi?"

(Fine. Nung nagbasketball kami last sunday, nasira yung wristwatch nya. Lij is not the type to buy excess things, yung wristwatch nya na yun, nag-iisa lang yun. He's planning to buy one, pero mas maganda kung uunahan mo na)

"Eh paano kapag nakabili na pala sya?"

(That's not a problem. I am sure as hell, kahit ipusta ko pa sasakyan ko, ang gagamitin nya is yung ireregalo mong relo)

"So pag hindi, akin na sasakyan mo ah"

(Joke lang sis, wala akong gagamitin pangsundo kay Mina sa school)

"Tss, duwag naman pala. Sige na, I'll look for some wristwatch. Pag di nya nagustuhan regalo ko, babato ko yun sa mukha mo"

(Trust me. Masyadong hulog sayo yung gagong yun para hindi nya magustuhan ang kahit anong ibibigay mo. Sige na, I have a meeting)

"Alright, ako na susundo kay Mina sa school, what time labas nya?"

(30 minutes from now, isama mo nalang sya dyan sa mall pagbalik mo)

"Alright" sabi ko at binaba na yung tawag.

Pinapalitan ni Minmin sa amin yung nickname nya, kasi real name pala nya is Carmina Elizabeth, kaya ginawa naming Mina.

Pumunta na ako sa parking lot at nagdrive papunta sa school ni Mina, tinransfer narin nila si Mina ng school, and yung nanakit sa kanya is nakakulong nya with lifetime imprisonment.

Pagdating ko sa school niya, naghintay lang ako saglit at naglabasan narin yung mga estudyante. Lumabas ako ng sasakyan ko at bigla akong pinagtinginan ng mga nagsusundo din dito.

"Tita!!" Sigaw nya at tumakbo sa akin at yumakap.

"Wag kang tatakbo basta basta, always look around you baka biglang may mabangga ka or madapa ka" sabi ko. Kinuha ko yung bag nya at nilagay sa backseat ng sasakyan ko.

Pinasakay ko sya sa passenger seat nagseatbelt naman sya, ako naman umikot sa driver's seat tsaka kami umalis at pumunta sa mall.

"Let's go sa mall muna, may bibilhin lang si Tita"

"Ok po" sabi nya.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain muna?" Tanong ko

Pagdating namin sa mall, humawak lang sya sa kamay ko and she's even skipping while walking.

"Gusto ko po pasta"

"Pasta it is" sabi ko. Pumasok kami sa isang Itallian restaurant at nag-order lang ako ng food ko at hinayaan ko rin sya mamili ng pagkain nya at drinks.

"Tubig nalang po sakin. Kasi nagsoftdrinks ako sa school kanina, eh sabi ni Daddy kapag nagsoftdrinks ng isang beses sa isang araw dapat puro tubig na iinumin ko"

"That's right naman, kasi makakakuha ka ng sakit kapag puro softdrinks tapos hindi ka nagtutubig" sabi ko

Pagkarating ng order namin, kumain narin kami at nagsimula na ako magtingin tingin ng relo na pwedeng iregalo kay Eli.

Napukaw ng isang wristwatch yung atensyon ko. Simple lang naman sya pero eye-catching sya, pero mukhang pambabae.

"Miss, ahm may panlalaki ba kayong ganito?"

"Ay yes po, Mam. Pwede kang bumili ng isa lang or pwede din yung pangcouple watch, para sa boyfriend niyo po ba?"

"Ahm, yes. Magkano kapag couple watch?"

"Ayieee, si Tita bibilhan ng regalo si Tito Lij"

"Quiet ka lang. Baka idaldal mo sa kanya ah, pupunta pa naman sya sa inyo mamaya"

"Kampi mo ko, Tita, wag ka mag-alala" sabi nya at kumindat pa. Jusko ano bang tinuturo ng kapatid ko sa batang to.

Nag-alangan pa ako kung pangcouple ba ang bibilhin ko or yung pangkanya lang, pero kasi nagbabalak din ako bumili ng wristwatch eh. Hindi naman sya obvious na pang-couple.

"Sige, Miss, yang pang-couple nalang, pero pwede bang magkaiba ng bag? Panregalo kasi yung pang-lalaki eh" pakiusap ko.

"Sure, mam" sabi nung clerk at inadjust na yung oras at nilagay na sa bag. I gave them my card para bayaran yung relo at umalis narin kami ni Mina.

Nag-ikot ikot pa kami sa may department store at may mga damit syang napusuan na binili ko para sa kanya tsaka kami umuwi.

Dun muna sya nagstay sa bahay namin at pinakita nya kila Mommy yung mga binili kong damit nya.

"Ang ganda ganda mo naman sa dress na yan" sabi ni Daddy.

"Princess na princess ka naman talaga ni Tita." Sabi ni Mommy at hinalikan sya sa pisngi.

"Kumain na kayo? May dala kami galing sa restaurant"

"Save some for my dinner. Ayang bulinggit kanina pa excited sa iuuwi niyo daw na food" sabi ko at umakyat muna sa kwarto ko. Sakto namang nagvibrate phone ko.

Nagtext pala si Elijah.

From: Dr. Eli

You're home?

To: Dr. Eli

Yep, just got home. Sinundo ko pa kasi si Mina and ipinasyal sa mall. Why? Operation done?

From: Dr. Eli

Yeah stressful but it went well. Can you stay up until midnight? I want to welcome my birthday with you

To: Dr. Eli

Sure, basta text ka lang. Iidlip muna ako para may energy ako later. Advance happy birthday, doc

From: Dr. Eli

Sana may regalo later kahit kiss lang LOL. Sige na, take a nap first, mi amor

Hindi ko na sya nireplyan at nagshower nalang ako saglit at humiga sa kama ko para umidlip muna since 3pm lang naman.

The VowWhere stories live. Discover now