29

829 9 0
                                    

Habang nagbibihis ako, I just wear a black sleeveless crop top na fitted and my brown high waisted skirt, so habang nagpapatuyo ako ng buhok, biglang may kumatok at sumilip si Mina.

"Tita, pinapatanong ni Mama kung magbabaon ka daw po" sabi ni Mina.

"Yes, please. Thanks, Mina" sabi ko

"Tita, pwede ako sumama sa trabaho mo?"

"May operation ako, hindi kita mababantayan, next time nalang kapag walang opera si Tita, ok?"

"Promise?"

"Opo, promise" sabi ko at tumango sya.

Lumabas na sya at ako naman, kinuha ko na yung bag ko after ko mag-ayos, hindi ako nagmimake up sa trabaho, nagchicheek tint at lip tint lang ako.

I wear my black heels and bumaba narin, pinatay ko at binunot lahat ng appliances sa kwarto ko at kinuha ko yung iPad ko.

"Dito ka muna maglaro, kapag gusto mo pumasok sa kwarto ni Tita, pabuksan mo yung aircon, wag ka magsasaksak ah" sabi ko kay Mina.

"Thank you!!!" Sabi nya at humalik sa pisngi ko

"Ito baon mo, anak" sabi ni Mommy at binigay yung maliit na bag na may baunan ko.

"Thanks, Mom"

"Hindi ba kayo sabay ni Elijah kakain at nagbaon ka?"

"May operation si Eli sa time ng break ko, and ako naman sunod na may opera after ng kanya. Baka sa coffee break nalang kami magsabay, 2 kasi ata opera nya ngayon eh" sabi ko. "I'll go na. Mina ha, wag ka magsasaksak, magpatulong ka kapag may kailangan ka" bilin ko ulit kay Mina.

"Opo. Ingat, Tita" sabi nya at yumakap pa.

Paalis na sana ako nang tumawag si Kuya.

"Bakit?"

(Andyan ka pa sa bahay?)

"Oo, paalis na"

(Isama mo si Mina, isasama ko nalang sya sunduin Mommy nya)

"May opera ako baliw"

(Andito ako sa office ni Lij, may diniscuss lang kami. Ihatid mo dito pagkarating mo)

"Fine fine" sabi ko.

Nilagay ko yung bag ko sa backseat at bumalik sa loob ng bahay.

"Mina, tara sama ka sakin, andun daw si Daddy mo sa office ni Tito Eli mo, isasama ka daw nya sunduin Mommy mo"

"Yay!!!" Sabi nya at nagtatatalon.

Humawak sya sa kamay ko at nagpaalam ulit kami kila Mommy na aalis na. Humalik din sya sa pisngi nila na akala mo hindi kami magkakapitbahay.

Pinasakay ko sya sa passenger seat at nilagay ang seatbelt nya, ako naman pumasok sa driver's seat at umalis na kami. Si Daddy ang nagsara ng gate.

Pagkarating namin sa parking lot ng ospital, kinuha ko mga bag ko sa backseat at pinagbuksan si Mina sa passenger seat tsaka ko nilock yung sasakyan ko.

Hinawakan ko ang kamay nya at pumasok na kami sa loob ng ospital. Binabati ako ng nga kapwa ko doctor, nurses, and even mga utility.

"Hahatid muna kita kay Daddy mo bago ako pumunta sa clinic ko" sabi ko at tumango sya.

"Tita, sa birthday ko may work ka?" Tanong nya

"Meron, pero 10pm ng gabi pa naman kaya andun si Tita sa birthday celebration mo, wag ka na sad" sabi ko.

"Sabi ni Daddy kapag nakuha na namin passport ko, papasyal daw tayo sa Australia?"

"Kung gusto mo, why not?" Sabi ko.

The VowWhere stories live. Discover now