Napaigtag ako at saka napangiwi.

"Ewan ko sayo!" Natatawang saad ko.

"Hahaha biro lang. Ikaw ba, may bago ka na bang  natitipuhan?" tanong nya.

Umupo muna ko bago sumagot. Well, nag-eenjoy akong kausap to.

"Sa totoo lang, wala pa e. Busy ako sa pagsusulat. Busy ako sa mga bagay-bagay. Busy ako sa lahat. Kaya wala pa kong oras sa mga ganyan o baka WALA NA AKONG BALAK." Sagot ko.

"Ako, kapag nagdivorce na kami. May babalikan ako. Kilala mo kung sino?" tanong nya.

"Sino naman?"

"Ikaw!" Sabi nya.

Kaya natigilan ako. Hmm... medyo napangiti ng very very slight. Konting konting ngiti lang o baka ngiwi nga e.

"Hahaha ewan ko sayo. Bye na nga. Mag aasikaso pa ko. Mamaya ka na tumawag." Pagpapaalam ko.

"Hahahaha sabi mo ahh. Bye, wait ako." Sabi nya.

"Sige sige na. Bye na." Ang sabi ko sabay patay ng tawag.

Ibinaba ko ang cellphone ko. Muli akong napaisip.

Kagat kagat ko ang hintuturo ko. "Hindi na nga ba ako marupok?"

*************

Nagising ako sa napakalakas na katok sa pinto ng bahay ko.

*Tok *tok *tok *tok. Sunod sunod na katok.

"Ano ba, kaaga aga ang ingay ingay mo. Sino ka bang katok ng katok. Oo na sige na. Bubuksan na itigil mo lang yung pagkatok mo. Bwis3t!"

Pupungas pungas pa ko ng pumunta sa harap ng pinto.

Nakapikit ako ng buksan ko yung pinto. Gawa ng inaantok pa nga ako.

"Shinnnoo ka bang khatok ng khatok sha pinto?" inis na tanong ko.

Hindi ito sumagot kaya nagtanong ulit ako.

"Hoy, sino ka ba?" tanong ko ulit.

Minulat ko na ang mata ko. At napaatras ako nang makita ko kung sino yung nasa harapan ko. Si Jericho.

"Good morning Elaine." Nakangiting bati ni Jericho.

"Bakit ka nambubulabog ng gantong kaaga? Alam mo bang inaantok pa ko?" kunot noo'ng tanong ko.

"Oww sorry naman hehehe." Sabi nya.

Umirap ako at saka nagtanong. "Ano bang kailangan mo at kailangan mo pa kong bulabugin ng ganto kaaga?"

"Pwede pumasok?" tanong nya.

"Di ba sabi ko sayo, wag ka nang magpapakita sa kin? Ang lakas ng loob mong pumunta dito. Tapos papaso-" naputol ang sasabihin ko ng bigla syang pumasok sa loob ng bahay.

"Arghhh! Wala ako sa mood mainis ah, wag mo kong simulan!" Inis na sabi ko.

Ngumiti sya sa akin. Matamis na ngiting muli kong nakita. Bigla akong napalunok ng sunod sunod. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Edi wag kang mainis jan. Lalo kang gaganda!" Pilosopong sabi nya.

Medyo napangiti ako ng konting konti. Pero bigla kong kinontra yung pag ngiti ko kasi baka makita at mapansin nya.

"Bakit ba kasi?" tanong ko.

"Masama bang dumalaw sa bahay ng MAHAL KO?" tanong nya sa akin pabalik. Madiin yung pagkakasabi nya ng MAHAL KO.

Napairap ako. "Tumigil ka nga sa kahibangan mo. Baliw ka na!"

"Biro lang hahaha."

"So, uulitin ko ah. Bakit ka ba nandito? Anong kailangan mo?" sunod sunod na tanong ko.

"Manliligaw!" Diretsong sagot nya na ikinagulat ko.

Umiling iling ako. "Tigilan mo nga yang kabaliwan mo! Umalis ka na dito!"

"Kabaliwan ba yung panliligaw sayo? Kung oo, matagal na pala akong baliw sayo?"  sabi nya.

"Talaga?" seryosong tanong ko.

Mahahalata ni Jericho sa mukha kong seryoso na ako.

"Joke lang uy, napaka seryoso naman neto!" Natatawang sabi nya.

Pumalakpak ako. "Yehey! Ang saya naman! Natawa ako e oo natawa talaga ako! Ano ba kasing kailangan mo?" sabi ko.

"Gusto lang kitang kamustahin, nung huling punta ko sayo dito. Tinaboy mo ko! Hinalikan lang naman kita. Pero aminin mo, na-miss mo yung halik ko no?" tanong nya.

Napakagat labi ako. "Ewan ko sayo, bwis3t!" Inis na sabi ko saka umupo sa sofa.

Ilang minutong tahimik ang paligid. Wala kahit isa samin yung nagsalita. Puro kami kibuan at pakiramdaman. Tinginan at ngitian. Actually, sya lang yung ngumingiti. Badtrip ako dahil naabala ang pagtulog ko.

"Haaaaaaaayyyyy!" Humikab ako dahil inaantok pa talaga ako sa totoo lang.

"Inaantok ka pa, matulog ka na muna!" Sabi ni Jericho.

"Ayy hindi naman ako inaantok e. Kita mo to," turo ko sa mata ko.

".... hindi pa yan inaantok oo!"

"Matulog ka na muna!" Sabi ni Jericho.

"Oo na! Matutulog lang ako. Wag kang gagawa ng kung ano jan. Bubugbugin kita, sinasabi ko sayo." Pagbabanta ko.

Tinaas nya pa yung dalawa nyang kamay na parang sumusuko sa mga pulis.

"Opo ms. este Elaine." Nakangiting sabi nya.

Umirap ako at saka humiga na sa sofa. Humikab muli ako at ipinikit na ang mga mata ko.

______________

•𝗝𝗲𝗿𝗶𝗰𝗵𝗼'𝘀 𝗣𝗢𝗩•

Pumunta ako sa harap ni Elaine.

"Elaine!" Bulong ko.

"Ehhhh, bakit?" mahinang tanong nya.

"Gising ka pa ba?" tanong ko.

Pero hindi na sya sumagot. Kaya napabuntong hininga ako.

Pinagmasdan ko ang maamo at maganda nyang mukha. Ang mukha ng babaeng sinaktan ko noon. Pero mapapangako ko na ngayon, kapag binigyan nya ako ng pangalawang pagkakataon. Hindi ko na sya sasaktan pa.

Hinaplos ko ang buhok at pisngi nya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at binigyan sya ng matamis na halik.

"I'm sorry, Elaine. Tandaan mo. Mahal na mahal kita." Bulong ko.

A Second chance to Loved you | ✔︎Where stories live. Discover now