"It's been a rough and hellish years from me, Isha. Nalimutan ko ang galit ko para sa'yo pero hindi ang nararamdaman ko. Ni isang beses, hindi kita nagawang iwaglit sa isip ko. It was very fucked up to wake up every morning knowing that I won't be able to see your pretty face throughout the day. To hear your jolly voice and see your wicked smile..." he uttered and sighed. "I missed everything about you."

Masarap sa pakiramdam marinig ang mga sinabi niya. Pero mayroon pa rin mga bagay na pumipigil sa akin na huwag tatawid sa linya sa pagitan naming dalawa.

Katulad ni Gwynett.

"Puwede akong magtanong? Matagal na sana ito pero ngayon ko na lang ulit naalala sa dami ng nangyari."

"Go ahead."

"Si Gwynett, k-kilala mo siya?"

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paglingon niya. Aaminin ko na nakakaramdam ako ng kaba sa maaari niyang maging sagot.

"Gwynette Arevalo?"

I looked down and glanced at him. Tipid akong ngumiti.

"Yes."

"You knew her?"

Tumango ako. "She's my classmate before. An old friend."

He nodded his head like that truth doesn't mean anything to him. Like she's nothing. He even brought his eyes back to the dark sky.

"She's the ex girlfriend I was talking about before. The time you asked me if you were my first girl."

"Your ex girlfriend... but you two are back to each other again?"

Nakita ko kung paanong tumaas ang kilay niya saka nagbaba ng tingin sa akin. Sarkastiko siyang natawa.

"Are you for serious?"

Natawa ako, may halong sarkasmo rin para magmukha akong hindi nagbibiro.

"Nakita ko kayo noon sa restaurant. Iyon din yung araw na una tayong nagkita matapos ang ilang taon."

He was silent for the next couple of seconds as if he's trying to think what I was talking about.

"Oh, that?" He shook his head. "We just accidentally saw each other, too. She invited me for lunch. Naghiwalay rin kaagad. Why?"

Umiling ako at itinuon na sa kawalan ang atensyon.

"Wala naman. Naitanong ko lang dahil nga magkakilala kami."

"Hmm. You think I have something for her again?"

Lumunok ako, hindi kaagad nakasagot. Iyon naman talaga ang kaagad na maiisip oras na makita sila. Lalo pa at kaagad kong napagtanto na maaaring may nakaraan sila dahil parehas silang taga Santa Fe.

"Kung mayroon man akong babalikan, ikaw 'yon, Isha..." aniya sa namamaos na boses. "Ikaw lang."

Natapon ang pait sa aking dibdib saka malungkot ng ngumiti.

"Pero hindi na rin ako papayag na magkabalikan pa tayo, Nero. Kaya ayos lang... ayos lang kahit magmahal ka na ng iba."

Hindi siya nagsalita. Ilang segundo na ang lumipas at tahimik pa rin siya dahilan para lumingon ako sa gawi niya. Umiigting ang kaniyang panga, kasing dilim ng langit ang mga mata.

"Gusto kitang intindihin kung bakit ayaw mo na. Walang kapatawaran ang ginawa sa'yo ng pamilya ko. Ako man ay napagod na unawain sila. Lalo na si Mama..." malalim siyang bumuntonghininga. "Feels like she's not the same mother I used to know. But in behalf of her, I still want to apologize for what she did to you."

"Siya rin ang dahilan na mayroon ako kung bakit hindi ko na gusto pa ang bumalik tayo sa isa't isa, Nero. Habang buhay natin magiging hadlang ang Mama mo sa magiging relasyon natin. Piliin mo man ako sa mga sandaling ito, hindi pa rin ako sasaya sa'yo kagaya ng kung paano ako hindi sumaya nang piliin ko pa rin manatili sa tabi mo noon kahit alam kong mali na."

"Mahal mo pa ako?" diretsong tanong niya.

Tumungo ako, pilit pinipigilan ang pag usbong ng bikig sa aking lalamunan.

"Hindi naman nawala," natawa ako, ang labi ay nanginig dahil sa pagpipigil ng emosyon. "Ni minsan, hindi ako napagod mahalin ka. Pero kasi, Nero, kahit mahal pa rin kita... alam ko kung kailan dapat sumuko. Alam ko kung kailan kita dapat isuko."

Pumikit ako nang mariin nang sunod-sunod na maglaglagan ang mga luha sa pisngi ko. Bakit pakiramdam ko, naghihiwalay na naman kami sa pangalawang pagkakataon? At bakit parang mas masakit sa mga sandaling ito?

Nagsasabi lang ako ng totoo. Nagpapakatotoo lang ako. Bumalik man kami sa isa't isa, sabihin niya man na hindi si Ma'am Adrianna ang pakikisamahan ko sa relasyon namin kung hindi siya, wala pa rin mas sasaya sa pagsasamang nakaayon ang lahat ng tao sa paligid namin.

Hindi ko rin nanaisin pa ang bumalik sa kaniya dahil sa mga oras na ito, matindi na rin ang galit ko sa Mama niya dahil sa ginawa nito sa akin... sa amin ni Skyler.

Huminga ako nang malalim at pinilit pakalmahin ang sarili ko. Tumingin ako sa kung hanggang saan aabot ang mga mata ko.

"Magkaroon na lang tayo ng ugnayan pagdating kay Skyler, Nero. Hindi ko ipagdadamot sa'yo ang anak natin. Pero hanggang doon na lang sana."

Hindi siya sumagot. Muli ko siyang nilingon. Nakatingin siya sa kawalan. His eyes glittered with tears. It shone in the middle of the darkness. My heart clenched seeing the pain clouding him but this is the right thing to do for us.

We can still be parents to Skyler but we can never go back to what we were before. We already need to put a period to this story.

To our story.

"Nung gabing maghiwalay tayo, sinabi kong baka dumating ang araw na magkikita ulit tayo. Sa mga sandaling 'yon, baka puwede pa. That day finally came... and can't still be together. How I wish we're in another universe where we can just be with each other and be happy as long as we want. But we're in the fucked up reality..." he chuckled as his voice broke into tears. He turned his head to look at me. "I respect your decision, Isha. This is the end of our story..." He bit his lower lip and smiled a little. "But I still love you. Will always do."

Completed on VIP group and Patreon

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now