Maya maya pa ay gumalaw ulit siya at unti unti na niyang inimulat ang kanyang mata. I clear my throat. When she looked at me and our eyes met I stared at her pretending looking irritated and say… “Can you get up already. Ang lakas naman ng loob mo ginawa mo pa akong unan mo. Tch! Seriously Yaya? I’m your boss here just reminding you, because you seem like forgotten it.”




ALISHA

Nagising ako ng maramdaman kung parang may naglalaro sa buhok ko. N’ong una hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagtulog pero ng pagpatuloy ito ay inimulat ko na ang mata ko.

Pagmulat ko siya namang tama ng mata ko ay sir Zach na halata sa mukha ang pagiging iritable. “Can you get up already. Ang lakas naman ng loob mo ginawa mo pa akong unan mo. Tch! Seriously Yaya? I’m your boss here just reminding you, because you seem like forgotten it.”

Nanlaki ang mata ko ng marialize ko na nakahiga ang kalahati ng katawan ko sa kanya. Dali dali naman akong bumangon at tumayo sa tagiliran niya. “Pa….p-pasenya na po sir.” Utal utal na saad ko sa kanya. Bahadya ko namang iniyuko ang ulo ko para itago ang pagkapahiya ko.

Sinilip ko siya at nakita kung umayos naman siya ng upo at isinandal ang likod niya sa headrest ng kama. “Sir Zach, okay na po ba ang pakiramdam niyo?” tanong ko sa kanya.

“I’m okay now, Yaya. Thank you.” Tumango ako sa sinabi niya.

Buti okay na siya.

Pero nilapat ko pa rin ang kamay ko sa may noo niya at medyo mainit lang siya ng unti pero mukhang okay na naman siya. “Pero sir Zach, iinom ka pa ng isang gamot para okay ka na talaga.” Tumango na lang siya.

Kagabi kasi ng makabalik ako sa silid  ko matapos kung hugasan ang pinagkainan ni sir Zach ay hindi ako makatulog. Ilang minuto na siguro akong nakahiga pero hindi ako makatulog. Nag aalala talaga ako kay sir Zach, kaya pumunta ako sa kusina kumuha ako ng maliit na planggana at bimpo at agad na tinungo ang kwarto ni sir Zach.

Nakita kung tulog na siya pero ganon parin ang ayos niya; nakatalok bong at kita ko ang panginginig niya lalo ngayon kaysa kanina. Kaya ginaga ko na ang pag aalaga sa may sakit.

Kinuha ko na ang planggana at akmang aalis na ng huminto ako saglit at lumingon sa kanya. “Sir Zach, saglit lang po, ah. Ibaba ko lang ‘to.” Tinaas ko pa ng bahagya ang hawak kung planggana “Pagbalik ko dala ko na po ang breakfast niyo sigu—” Naputol ang dapat pa na sasabihin ko tsaka natigilan ng marinig kung binanggit niya ang pangalan ko.

Sa halos mag iisang buwan ko na pagtratrabaho bilang personal yaya niya ay ngayon ko lang siyang narinig na binanggit ang pangalan ko. Ang lagi niyang tinatawag sa akin ay ‘Yaya’ kaya nakakapagtakang tawagin niya ako sa pangalan ko.

Epekto ba ‘to ng pagkakasakit niya? Hindi! Parang ang OA naman kung ganon nga? Parang magkasakit lang, eh. Tsaka parang iba ang awra niya ngayon? Parang hindi siya ito? Hindi nagsusuplado ang mukha, eh.

“Alisha,”

Banggit niya ulit sa pangalan ko. Parang tumaas yata ang lahat ng balahibo sa katawan ko ng marinig ko ulit ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Bakit parang ang gandang pakinggan ng pangalan ko ng banggitin niya ito?

Hoy! Alisha, magtigil ka nga para kang tanga. Tsk!

Tumikhim ako “Bakit po sir Zach?”

Nagulat ako ng tumayo siya at nagsimulang humakbang patungo sa akin, kaya napahakbang rin ako paatras. Narinig ko siyang mahinang natawa. “Relax. Alisha, I won’t do anything to you.”

Nang nasa harapan ko na siya tumigil siya dalawang hakbang tsaka siya kinuha ang hawak kung planggana at nilagay ito sa bedside table niya. Nagtataka ko namang siyang tiningnan; at kumunot ang nuo ko ng ilahad niya sa akin ang kanang kamay niya. Tiningnan ko lang iyon ng ilang segundo at ibinalik ko ang tingin sa kanya.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now