EPILOGUE

919 47 1
                                    

Donny's POV

Napakaraming trip na pwedeng gawin ni Belle pero bakit yon pa ang nagustuhan nya, hindi ko talaga sya maintindihan.

This past few weeks napakagulo nya, kaya naman hindi ko talaga magets kung anong plano nya sa buhay nya. Pero kahit ganon pa man ay okay lang sakin.

Pumayag ako sa gusto nya kahit na ayoko naman talaga, natatakot kasi akong baka hindi ko masunod ang mga rules na binigay nya.

Hindi din ako sigurado kung kaya ko ba talagang maging boyfriend nya, alam ng lahat kung paano naging mahirap sakin ang lahat lalo na nang maghiwalay kami ni Dalia.

Lumipas pa ang ilang mga buwan ng pagpapanggap namin bilang magkarelasyon, hindi ko alam kung bakit nalilito na ko sa nararamdaman ko.

Alam kong si Dalia pa rin pero sa tuwing nakakasama ko sa Belle nag iiba ang nararamdaman ko. Nasa hospital si Dalia.

Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun pero dahil kay Belle nagkakaroon ako ng lakas ng loob, nagiging okay ang pakiramdam ko.

Natutuwa ako sa tuwing nagseselos sya, lalo na kapag kay Dalia na. Pero syempre dahil wala naman akong alam sa lahat pati sa nararamdaman nya ay naging kampante ako, sinasakyan ko pa rin ang trip nya.

Pero nagbago ang lahat ng yon, nang umamin sakin si Belle, hindi ko alam ang gagawin ko nun dahil alam kong nasaktan ko sya, bagay na pinakakinatatakutan kong mangyari.

That day, I saw my bestfriend crying, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko syang kakausapin, hindi ko sya kayang tignan.

"May nasabi ba kong mali?" Tanong ko dito.

"Bulag ka ba talaga ha?! Hindi ka marunong makiramdam!" Sigaw nya sakin. "Hindi pa ba halata? Gusto kita at nagseselos ako sa ex mo dati pa Donny." Aniya, habang umiiyak. "Kasalanan ko to eh, Akala ko hindi na lalala tong nararamdaman ko, sobrang saya ko nung mga panahon na pumayag kang maging boyfriend ko, pero hindi ko naman inaasahang ganito kasakit yung magiging kapalit." Aniya na dumurog sa puso ko, kitang kita ko kung paano syang nagsisi sa desisyon nyang yayain ako sa larong to. "I'm so stupid for expecting too much, na sa sobrang pag eexpect ko na magugustuhan mo din ako hindi ko na inalam na magiging ganito ka sakit, sorry ah ganon lang kasi talaga kita ka mahal eh! But now I heard the truth na si Dalia pa rin, na yung ex mo pa rin, ang sakit Donny. Ang s-sakit s-sakit!" Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang lapitan pero hindi ko magawa natatakot akong itulak nya ko palayo sa kanya. "Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko." Nakangiting aniya kasabay nun ay ang pagpatak ng mga luha nya.

I'm sorry...

"Hindi ko sinasadyang saktan ka Belle, maski ako nasasaktan na nakikita kang umiiyak, na nasasaktan ka ng dahil sakin." Aniko.

Nang matapos ang lahat, hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Nagtext sakin si Tita nun na kailangan na ko sa hospital, hindi ko alam kung sinong uunahin ko.

Pumunta ako sa hospital, nang makaalis ang Mommy ni Dalia kinausap ako ni Dalia. Sinabihan nya kong umuwi na lang muna para magpahinga, pero sinabi kong okay lang ako.

Hanggang sa nakatanggap ako ng isang text galing sa mga tropa ko na nakita daw nila si Belle sa isang bar at lasing na lasing, doon pa lang hindi ko na alam kung paano ko syang pupuntahan.

Pero dahil napansin ni Dalia yun ay sinabihan nya ko na puntahan na si Belle, habang nagdadrive ako ay napakalakas ng kabog ng puso ko.

Hindi ko alam kung ano magagawa ko sa sarili ko kapag may nangyaring masama kay Belle, mabilis ako nakarating don.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now